CSL 3~ Hero

71 5 3
                                    


CSL 3~ Hero




Palabas na ako ng gate ng bahay nila Julian nang tawagin ako ng mom niya. Lumingon ako kaagad.

"The driver will drive you home safely, hija." Sabi niya tsaka tinuro ang driver sa loob ng sasakyan.

Umiling ako. Sobra sobra na 'to, eh. "Hindi na po, Tita." Sabi ko.

"You sure? Malayo yata ang bahay niyo, village na 'to eh." Sabi niya.

"Malapit lang naman po ang bahay namin dito. Hehe." Kahit ang layo layo!

Malapit kasi sa squatters area ang bahay namin ni Tita eh. Pero hindi dun mismo sa squatters area. Malapit lang, kaya malayo kasi nasa village ako. Ilang kanto pa ang dadaanan ko. Isa pa, hindi ko alam ang pauwi. Bahala na. Pipilitin ko nalang isipin 'yung nadaanan namin ni Julian kanina papunta dito.

Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang po talaga. Una na po ako, ha? Maraming salamat po!" Sabi ko tsaka kumaway.

Kumaway din naman siya. "Ingat pauwi, ha?" Sabi niya bago ako maglakad palayo.

Saan ba unang dadaan? Ah! Alam ko na! Dito sa left! Ay, baka hindi? Kasi hindi naman madilim 'yung dinaanan namin ni Julian kanina, eh? Sa right kaya 'yun? Tanga pa naman ako pag dating sa direksyon.

Dalawa kasi ang dadaanan dito, isang left at right. Sa left, keri ko naman maglakad, medyo maliwanag naman. Sa right, sobrang dilim. Ano sa dalawa?

"Eenie Meannie Minnie Mo!" Tumapat ang hintuturo ko sa left. Dun na ako maglalakad.

Sinimulan ko nang lakarin ang left side. Pero parang paikot-ikot lang ako. Parang kasing dinaanan ko na 'to. O baka paranoid lang ako? Baka pinaglalaruan ako ng...

Ay nako! Sabi na paranoid ako eh! Erase!

Niyakap ko ang braso ko. Ang lamig kahit naka-long sleeves at blazer na 'ko. Tagos hanggang loob 'yung lamig eh. Binalewala ko nalang tsaka ulit naglakad. May tindahan akong nakita sa 'di kalayuan kaso nakasarado. May nag-susugal pa sa tapat at may nag-iinom.

Mukha silang adik.. Huhu. Help me, please..

Ayoko namang magtanong 'no! Natatakot kasi ako baka kung anong gawin nila sa'kin.

Itutuloy ko pa ba 'tong lalakarin ko? Oo naman! Para maka-uwi na rin. May babae naman silang kasama na nalagok ng alak at may hawak na cards sa isang kamay. Nagsusugal nga.

Doon nalang ako magtatanong sa babae! Tama, tama!

Dahan-dahan lang ang lakad ko. Hanggang sa makapunta na ako sa harap nila—sa likod ng babae dahil nakatalikod siya sa akin.

"Ahm.. Ate?" Kinalabit ko siya. Lumingon naman siya, mukha siyang lasing tapos ang pula pula ng mata. Naka-drugs ba 'to?

"Oy 'tol! May studyante dito oh!" Tumayo siya at naglakad papunta sa direksyon ko. Ako naman, umaatras. Pa-gewang gewang siya. "Anong kailangan mo?" Tanong niya.

Kahit parang nagkakakutob na ako—dahil 'yung mga tingin ng mga kasama niya, parang hinuhubaran ako ng damit. Nakakatakot. "Saan po ba dito ang Garcia St?" Tanong ko. Doon kasi kami nakatira.

Tumawa siya, 'yung parang mangkukulam. Tapos tumingin siya sa mga lalaki. Nagtanguan sila. "Alam ko 'yun. Pero ituturo ko 'yun sa isang kundisyon..." Sabi niya.

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon