CSL 14~ Close

57 2 0
                                    


CSL 14~ Close



Julien.




Ilang beses na akong gumulong-gulong dito sa kama ko? Ilang beses na. Sinusubukan kong matulog pero hindi ko magawa kasi naaalala ko 'yung mga nangyari kanina sa Trumentum. Umupo ako at ginulo-gulo ang buhok. Nakita kong umilaw ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng maliit na lamesa kaya kinuha ko at tinignan.




Julian Handsome calling...




Nanlaki ang mata ko. Bumilis rin ang tibok ng puso ko, abnormal na yata 'tong puso ko. Magkakaroon yata ako ng sakit sa puso. Bakit ganito 'yung pakiramdam ko?




"H-hello?"




{...}




Bakit walang nagsasalita? Si Julian naman 'to, ah? Dinoble check ko kung si Julian nga ang natawag pero siya naman. Anong nangyari? Bakit hindi siya nagsasalita?




"Hoy Julian. Bakit ayaw mong magsalita? Okay ka lang? May masakit ba sa'yo? Ano?" Sunod-sunod kong tanong. "Tsaka gabi na ah? Bakit ka napa—"




{I-I just want to say goodnight. Bye.}




Natulala ako hanggang sa ma-end call na niya. Siya ba talaga 'yun? B-bakit parang ang... naka-drugs yata 'yun, eh.




Hindi ko namalayang unti-unti na pala akong napangiti. Humiga ako sa kama at tinabi ang phone.




"Goodnight din." Huling sinabi ko bago ako makatulog.


***


Nagising ako sa liwanag ng araw. Medyo bukas pala ang kurtina. Dumaretso ako ng higa at napatingin sa kisame. Hindi ko na naman namalayang napangiti na naman ako. Ngayon lang kasi talaga ako sumaya ng ganun simula nung mawala ang dalawang importanteng tao sa buhay ko. Linggo ngayon kaya aalis na naman si Tita para pumunta sa dati naming bahay nila mama para linisin niya. Ayoko namang sumama kasi nga, alam niyo na 'yun.

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon