Epilogue

43 3 0
                                    

Epilogue~



{Play My Immortal while reading this~}




To the man I love,



Sorry. Sorry kasi hindi ko tinupad ang promise ko. Kung sana mabasa mo ito, siguro wala na ako.




Hindi ko naman layuning saktan ka. Para sa'yo din naman 'to. Makakahanap ka rin naman ng babaeng mamahalin mo ng lubos tulad ng pagmamahal mo sa akin. Mamamanage mo na rin ang kompanya ninyo. Makita lang kitang masaya, masaya na rin ako. Alam mo 'yan.




First of all, I love you. Sobra sobra. Hindi mo alam kung ilang araw-gabi akong umiyak nung nakipaghiwalay ka sa akin pati na rin nung umalis ka ng bansa. Ang sakit. Pero mas masakit 'yung makita kang mahimbing na natutulog sa ospital bed. Ayos na rin sa akin 'yung makahanap ka ng iba basta 'wag mo 'kong kakalimutan. Okay na 'yun.




I am thankful to have you, Julian. Sobra. Kasi sobrang maalaga ka, mapagmahal etchetera. Sa akin mo lang pinapakita ang sweet side mo. Sobrang saya lang na naging boyfriend kita ng one week ang three days. Sa sobrang saya, pwede na akong umiyak.




Alagaan mo sarili mo, Julian ha? H'wag ka namang magpabaya porket wala na ako sa tabi mo. 'Wag ka ding umiyak kasi ayokong nakikita kang umiiyak. It breaks my heart. Kumain ka din higit pa sa tatlong beses araw-araw. Babantayan ko nalang kayo sa itaas. Pakisabi kila Tita, Lexie, Osh, Tin at Jonelle, mahal ko sila, salamat sa pagiging mabuting kaibigan. Sorry kasi iniwan ko sila lalo na si Tita.





Masaya na ako, Julian. Makakasama ko na sila Mama at Papa kaya sana ikaw din...




Once in my life, I met Julian Clarence Crawford whose cold hearted guy. Once in my life, you felt me loved. Once in my life, I felt the butterfly in my stomach. And once in my life, I said I love you to the man I truly love.





Ang tragic lang ng nangyari sa atin, ano? Pero wala, eh.. Tinadhana man tayo, pero hindi tayo itinakda para sa isa't-isa. Palagi mong tatandaan na nandito lang ako parati sa tabi mo.

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon