CSL 9~ Foundation Day

37 4 0
                                    

CSL 9~ Foundation Day



Julien.




Paulit-ulit kong binabasa ang mga tanong na nasa papel ko. Exam namin ngayon at wala akong masagot dahil occupied ang utak ko. Isa pa, sa lahat-lahat ng binasa ko sa libro, ito pang tinest namin ang hindi ko nabasa at naintindihan. Tsk. Kawawa ang scholar ko ngayon and worst, baka matanggal na ako sa pagiging scholar ko.

Sumasakit ang ulo ko sa kaka-paulit-ulit ng mga tanong. Sa huli, nanghuhula na lang ako.

"Pass the papers."

Hala?! Eh, number 1 pa lang ang nasasagutan ko?! Paano na 'yan? Madidissapoint ko ang teacher ko kasi expected niya na mapapasa ko 'tong exam namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang sa may binagsak na papel sa desk ko si Julian. Ito 'yung sagot niya sa exam namin. Pangalan ko ang nakalagay.

Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Hindi. Sa'yo 'yan." Binalik ko sa kanya 'yung papel.

Seryoso niya akong tingnan. "I have one." Pinakita niya sa'kin 'yung kanya. So, dalawa pala sinagutan niya?

Pero, binalik ko pa rin sa kanya 'yung papel na sinagutan niya. Hindi ko tatanggapin 'yang papel niya lalo na kung hindi ko naman pinaghirapan.

"Accept it. I know you don't have an answer in your paper." Aniya.

Nagdalawang isip ako. Tatanggapin ko ba? "Ayoko. Mas gusto ko 'yung pinaghihirapan ko." Sagot ko tsaka tumingin sa ibang direksyon. Hindi ko kayang makipag-eye contact sa kanya. 'Yung puso ko kasi, eh.

Pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na titig na titig siya sa akin. 'Yung puso ko, huhu. Ang bilis ng tibok.

"Ms. Villanueva and Mr. Crawford, may balak ba kayong ipasa 'yang mga papel niyo?" Masungit na sinabi ng prof namin.

Bigla namang tumayo si Julian at pinasa ang dalawang papel na sinagutan niya. Hindi agad ako nakapagsalita hanggang sa makabalik na siya sa upuan niya. Cool na cool lang ang dating niya. Hindi manlang siya kinakabahan na baka makahalata 'yung prof namin na magkaparehas ng sulat 'yung papel namin. Kinakabahan tuloy ako.

Hanggang sa mag-dismiss na at mag lunch na. Iniisip ko pa rin 'yung sa exam namin. Specially si Julian, bakit niya ba ginawa 'yun? Naguguluhan ako, hindi ko alam.

As usual nandito kami sa tambayan namin, 'yung garden. Relaxing kasi dito, eh.

Nakita kong nakatayo si Tin, malalim ang iniisip niya. Siya naman palagi ang nauuna kasi nagdadala siya ng baunan niya kaysa kila Osh na bibili pa sa canteen.

Nilapitan ko siya, ni-hindi niya ako napansing nasa likod na niya ako. Nakatingin lang siya sa malayo.

Kinalabit ko siya. "Lalim ng iniisip natin ha? Nalulunod na tuloy ako." Sabi ko tsaka tumawa.

Humarap siya sa akin pero seryoso lang siya. Nagulat naman ako, kailan pa siya nagseryoso? Sa tagal tagal naming magkaibigan, ngayon ko lang siyang nakitang seryoso. Usually kasi lagi siyang nakangiti at sasabihan niya agad ako ng 'nanay Julien' pero iba na ngayon. Anong meron?

"Buti may sasagip sa'yo 'pag nalulunod ka. Ako kasi lunod na lunod na pero walang sasagip." Bumuntong hininga siya.

Anong nangyayari sa kanya? Bakit kung makahugot siya wagas?

Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon