CSL 19~ Finally

48 2 0
                                    


CSL 19~ Finally



Julien.




"Tapos ano sabi?!"




"Then?"




"Ano? Ano? Dali nakakabitin naman, eh!"





"Pa-suspense 'to!"





"TEKA LANG HA!?"





Nanahimik naman silang lahat sa sigaw ko. Nagpahinga lang ako sa pagku-kwento dahil hinihingal ako tapos gusto agad-agad! Nandito kami sa may garden dahil break namin. Nung pumasok ako sa room, may roses na agad na nakapatong sa ibabaw ng desk ko pero wala si Julian. Hindi siya pumasok sa unang 3 hours ng klase. Basta may note na nakalagay doon. Sabi niya, male-late lang daw siya. Kinukwento ko naman kila Lexie 'yung nangyari kahapon.





"Ayun na nga, tumango naman ako pero nung narealize ko katangahan ko, humindi ako. Tapos niyakap niya ako tapos sabi niya, there's no turning back. The end."






Kinikilig akooo~! Nyahaha!





Nang matapos na akong mag-kuwento, tinignan ko lahat ng reaksyon nila. Lahat sila nakatingin sa akin at naka-nganga. Tapos nag-gasp sila at uminom ng kaniya-kaniyang tubig.





"Pero ati, totoo ba 'yang kwento mo? Baka imahinasyon mo lang 'yan." Sabi ni Tin.





"Anong imahinasyon? Totoong nangyari nga! Kahapon!" Sabat ni Jonelle.





Crazy Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon