Meghan's POV
Nakatulala lang ako habang si tatay nasa ICU. Na stroke siya, at ngayon naman nasa stage of coma. Hindi ko na magawang umiyak pa dahil ubos na ang luha ko. Bigla ko nanamang naalala ang sinabi ng doctor kanina.
***************************************************************
Flashback
Habang papunta kami sa hospital ay hawak ko lang ang kamay ni tatang. Sinabi ko nalang kina Mang Pedro na ihatid si Kenji doon.
Umiiyak lang ako ng umiiyak hanggang sa makaratig kami sa hospital. Ibinaba nila si tatang at agad na dinala sa Emergency Room. Gusto ko pa sanang sumama kaso pinagbawal ng mga nurse at doctor na nasa loob. Kaya umupo nalang ako at naghintay.
Hindi ko maiwasang maiyak sa tuwing iisipin ko na maaring mawala na rin si tatang ngayon. Pero sana gawin ng doktor ang lahat ng kaya nila para mabuhay si tatang.
Siya nalang ang meron kami ni Kenji. Hindi siya pwedeng mawala pa saamin.
Ilang minuto pa ay dumating si Kenji kasama sina Kyla at Kyle. Agad na yumakap saakin ang kapatid ko at naiyak na din.
Niyakap ko din siya ulit at nagsimula nanaman ako umiyak. Nakisali na din samin ang kambal at naghintay kami ng magkakasama.
Matapos ang mahigit isang oras ay lumabas ang doktor kaya agad akong tumayo para kamustahin si tatang.
"Dok, kamusta po ang tatang ko? Diba po ayos lang po siya? Diba po?!" Halos kwelyuhan ko ang doktor para lang makasigurado na ayos lang ang tatang.
"Im sorry Ms. Perez, but your father is suffering Lung Cancer. Is he smoking? Or are the people around him smoking?" Halos gumuho ang mundo ko ng malaman ko yon. "H-h-hindi po dok, p-pero ang mga k-kasama po n-niya sa s-sakahan ay n-n-naninigarliyo." Lakas na loob na sabi ko kahit na ang bigat sa pakiramdam.
"Mas malala talaga ang mga 2nd smoker iha. Kaya sana, iwas-iwasan niyo ang makalanghap ng kahit saan mang galing na mga usok. At iha, Im sorry to tell this, but your father is in Comatose."Tinigala ko siya at umiyak nanaman "D-d-dok, magigising pa p-po ang tatang ko d-dba!? Dok, sabihin niyo magigising pa siya!!" Halos mag eskandalo na ako pero wala parin akong magagawa para magiaing si tatang.
"Iha, hindi ko masasabi kung kailan siya magigising. At kung sa caner na,an niya ay kailangan niyo ng malaking halaga para sa mga gamot niya. Iyon lang Ms. Perez maiwan ko na kayo." Napaluhod nalang ako at naramdaman ko si Kenji na yumakap saakin. Nagsimula nanaman akong humagulgol.
Saan ako kukuha ng pera pambayad ng mga bills ni tatang!? Ni wala nga kaming ipon eh! Ano pabang pwede kong gawin!? Paano na kami!?
End of flashback
***
Naramdaman ko naman ang presensiya ni Kenji kaya napatingin ako sakanya. Binilhan pa niya ako ng tubig. Binigay niya yun sakin at tinanggap ko naman uminom ako doon para naman may supply ulit ako ng luha. Ng matapos kong uminom bigla siyang magsalita
"Ate, alam kong kailangan natin ng malaking pera, okay lang sakin kung tumigil na ako sa pag-aaral para makabawas sa gastusin." Nabigla ako sa sinabi niya syempre. Ayaw kong patigilin siya sa pag-aaral. Gusto ko isa siya sa mga makakatapos samin. Kahit na magkanda-kuba ako sa pagtatrabaho iraraos ko ang pag-aaral niya.
"Hindi bunso hindi ka titigil sa pag-aaral. Gagawa ako ng paraan mairaos ko lang ang pag-aaral mo. Wag mong alalahanin ang gastusin ni tatang. Mag-aral ka nalang ng mabuti para samin." Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti bigla naman siyang yumakap sakin na para bang nakiki-simpatya.
Kahit na hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pang-gastos ni tatang ay ayaw ko siyang mag-alala. Masyado pa siyang bata para sa ganitong alalahanin.
Magkayakap kami ni Kenji ng bigla kaming nilapitanng kambal nagpaalam na sila na mauuna na at babalik nalang daw bukas para kuhanin kami ng gamit.
Mabuti nalang at nandyan ang mga matalik kong kaibigan. Nagpapasalamat ako na nakilala ko sila dahil isa sila sa tumutulong saakin sa kahit anong aspeto ng problema ko.
Naramdaman ko naman na kumalas sa yakap si Kenji at tinina ako na para bang may naisip siya.
"Ate, paano kung isangla o ibenta natin yung sakahan? Malaki rin ang lupa nina tatang at nanang. Madami tayong makukuhang pera dun para pang gastos dito sa hospital" biglang sabi niya. Bigla naman akong napaisip ng todo sa sinabi niya.
May punto siya na makakakuha kami ng pera, pero ayokong isalba ang natitirang yaman ni tatang.
"Bunso, pumasok ka muna kay tatang may bakanteng sofa dun. Matulog kana. At saka diba sabi ko sayo? Wag mo nang isipin yung mga gastos? Osiya sige na pumasok kana at matulog" sumunod naman siya sa sinabi ko at nang makapasok siya ay pinag isipan ko ang sinabi niya.
Kaya ko bang ipagamot ang tatang sa kokonting kinikita ko? Kaya ko bang bayaran ang pagkalaki laking bill dito sa hospital? O dapat ko nang sundin ang sinabi ni bunso?
BINABASA MO ANG
The Contract Wife
General FictionSi Meghan Perez ay anak ng isang magsasaka. Laki siya sa hirap. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaroon ng malubhang sakit ang tatay niya at kailangan niya itong ipagamot. Ngunit saan siya kukuha ng malaking halaga ng pera kung pati ang lupa nila...