Meghan's POV
Weeks na din ang nagdaan after that hot steamy night.
Pero napapansin ko na palagi siyang may kausap sa phone.
Palagi siyang umiiwas saakin kapag may tumatawag sakanya hindi naman siya ganun dati.
Dati okay lang na marinig ko ang usapan ng kung sino man ang kausap niya.
Ngayon kahit pag ring lang ata ayaw pa iparinig.
Medyo nagiging paranoid ako pero pinipigilan ko mag isip ng ganyang bagay.
Hindi naman siya ginagabi eh. Pero madalas siyang nawawala ng dalawa o tatlong araw per week.
Naiintindihan ko naman yun dahil sinusundo siya mismo ng barkada niya at aalis sila.
At dahil nagiging paranoid ako tinawagan ko sina Marlon at Alelie para pumunta dito sa bahay.
Nagbake nalang ako ng cookies.para sa meryenda mamaya.
***
Narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Marlon kaya pumunta na ako sa garahe para salubungin silang dalawa.
"MEGHAN!!!!" Sabay na hiyaw nila kaya naman natawa ako at agad na yumakap sakanila.
"Grabe kayo ah! Ang ingay niyo!" Naghalakhakan kami at nag beso beso.
"Tara sa loob nag bake ako ng cookies." Humiyaw sila ulit at sumunod na saakin papasok.
***
Kasalukuyan kaming kumakain at nag kwento na ako tungkol sa madalas na lakad ni Ton.Nagkatinginan muna sila na para bang may tinatago saakin.
Hinayaan ko nalang dahil parang naiiyak ako.
"B-bakit ganon? P-palagi s-siyang wala. N-nagsawa na siguro siya saken." Tuloy tuloy na bumagsak ang mga luha ko.
Naramdaman ko ang pag himas nila sa likod ko.
"Ano kaba gurlalu! Baka naman busy talaga sa trabaho yang fafalet mo! Jusko! Ipagpapalit kapa ba nun pagkatapos ng ginawa mo!? Nako ah!" Humikbi pa ako at yumakap na kay Alelie.
"O-oo nga naman! Ano kaba! Kaalbuhin ko yun pag pinag palit kapa! Tara na nga! Mag mall tayo! Dalii!" Inayos ko ang sarili ko at tumango.
Umakyat na ako sa kwarto para magpalit.
***
Nasa mall na kami at kung ano ano na ang pinamili ng dalawa.
Habang ako eto nagiisip parin.
May nadaanan kaming gamit na pang baby kaya pumasok ako.
Madami akong nagustuhan kaya bumili ako.
Ewan ko ba. These past few days nahihilig akong magbasa tungkol sa Maternity Lifestyle.
Nahihilig din ako ngayon sa santol at mayonaise.
Madalas na din akong maging antukin.
Ang weird ko ngayon.
Medyo mabigat ang mga dala ko at nahihilo ako.
Pero kaya ko pa namang tiisin kaya hinanap ko muna sina Marlon at Alelie.
Ng hindi ko sila mahanap ay tinawagan ko sila pero cannot be reach mga cellphone.
Gusto ko na sana umuwi. Nahihilo talaga ako.
Dumaan ako sa drug store at bumili ng gamot.
Bumili na din ako ng tubig at ininom ang gamot.
Sakto naman nag ring ang cellphone ko kaya dinampot ko yon.
Alelie calling....
(Hello! Uy! Asan ka!?) Tumingin ako sa paligid para maghanap ng palatandaan.
"Nasa tapat ako ng drugstore dito punta nalang kayo. Gusto ko na sana umuwi. Nahihilo na ako." Biglang kumirot ang ulo ko at lalong lumala ang nararamdaman ko.
Hinintay ko pa sila ng ilang sandali at dumating na sila.
"Uy! Okay kana ba?" Agad aking chineck ni Marlon kaya tumango lang ako.
"Since nahihilo ka. Kumain na muna tayo ulit. Baka gutom lang yan tara.." Inalalayan nila ako para tumayo.
***
Nagpunta kami ng Toll House at nag order lang ako ng french fries with mayo.
Ginanahan akong kumain kaya nakadami ako. Pinagtinginan ako ng dalawa kaya naconcious ako.
"Bakit?" Tinignan ko sila at parang hindi ko maipinta ang mukha nila.
"Ikaw babae ka. Ang takaw mo, ang paranoid mo, ang sensitive mo tignan mo! Ang adik mo pa sa mayonaise! Sabihin mo nga! Buntis kaba?!"
Napatulala ako sa tanong ni Marlon.
Napayuko ako. Dalawang buwan na akong hindi dinadalaw. Pero irregular ako eh.
"H-hindi ko alam. Pero irregular ako kaya sure naman akong hindi ako buntis." Nakayuko kong tugon. Pero posible din na buntis nga ako.
Tumigil na akong mag pills eh.
"Megs, Marl, may bibilhin lang ako sandali." Tumango kami pareho at tahimik lang kami naghintay.
***
Pagkabalik ni Alelie ay may dala siyang box.
"Patakan mo ng ihi mo. Alam mo naman siguro anong ibig sabihin ng mga lalabas diba?"
Tinignan ko ang hawak niya at nabigla ako.
Pregnancy Test.
"Baka masaktan lang ako pag nag-assume ako. Gusto na namin magka baby pero baka mabigo lang ako pag isang linya lang."
"Dont think negative! Im sure buntis kana!" Hinila niya ako papunta sa banyo at wala ba akong nagawa kung hindi subukan ang pregnancy test.
Naghintay ako ng 5 minuto bago ko tignan.
Two lines.
Oh my gosh! Buntis ako! Oh my gosh!
Ng dahil sa tuwa ay napahiyaw ako! Binuksan ko agad ang pinto at nilahad kay Alelie ang PT.
Humiyaw din siya at yumakap ako sakanya.
Lumabas kami ng CR at nakita namin si Marlon na maghihintay.
Pinakita ko ang PT at nanlaki naman siya ng mata.
"Owmygeee! Tara na! Umuwi na tayo! Nakooo! Gurlalu! You need to rest! Bukas kana magpacheck up!" Di ko mapigilang maluba dahil sigurado akong matutuwa si Ton.
Umuwi ako ng may magandang mood.
Bukas pa ang uwi ni Ton kaya hihintayin ko nalang siya.
Hinawakan ko ang tiyan kong wala pang umbok at kinausap ang baby ko na para bang naririnig niya ako.
"Hi baby! Sana lumaki ka ng maayos at malusog. Sana wag mo pahirapan si daddy pag may cravings si mommy."
Ngumiti ako at tuluyan ng natulog.
BINABASA MO ANG
The Contract Wife
General FictionSi Meghan Perez ay anak ng isang magsasaka. Laki siya sa hirap. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaroon ng malubhang sakit ang tatay niya at kailangan niya itong ipagamot. Ngunit saan siya kukuha ng malaking halaga ng pera kung pati ang lupa nila...