Meghan's POV
Nandito kami ngayon ni Marlon sa apartment niya. Alas nuebe na ng gabi.
Pinatuloy niya ako sakanila at binigyan na din ako ng mga damit pamalit.
Lumabas siya sandali para pumunta sa convenience store. Naiwan ako mag isa at isa isa nang nag sink in saakin ang mga bagay bagay.
Naiiyak nanaman ako. Sinabi na niya. Na iwan ko siya. Ngayon pati annulment gusto niya. Bakit ngayon pa? Kung kelan patay na patay na ako sakanya?
Bakit ganyan? Sandali lang ang mga masasaya naming moments. Isa yun sa mga bagay na itinuturing kong kayamanan.
Mahal na mahal ko siya. Kaya ko naman sana mag hintay eh. Pero wala. Iniwan na niya ako. Wasak na wasak ako ngayon. Pakiramdam ko wala ng silbi ang buhay ko.
Pinahid ko ang mga luha ko. At tinuon ko muna ang pansin sa paligid.
Maganda ang apartment ni Marlon. Tatlo ang kwarto, dalawa ang banyo. Isa sa taas at isa sa baba at enough space lang para sa kusina, dining room, at living room.
Napansin ko na malakas ang ulan sa labas. Sakto naman na bumukas ang pinto at iniluwa non si Marlon.
"Hay nakoo! Ang bagal naman kasi ni ateng cashier eh naabutan pa tuloy ako ng ulan. Jusko! Oh eto na pinabili mong pagkain. Naku girlet ah! Ang sakit manuntok ng fafa mo! Kalurkeeey! Buti nalang at gwapo siya kaya napatawad ko na siya! Hmp!" Nginitian ko nalang siya ng tipid.
Alam ko naman na pinapagaan lang niya ang nararamdman ko. Pero hindi ko na mahanap ang sarili ko.
"Gurlalu, alam kong masakit. Kaya nandito ako! Nako bhe! Kahit dito kana tumira okay lang! Pero wag naman porebs ah! Palamigin mo muna init ng ulo ng fafa mo. At iexplain mo na hindi tayo talo no! Hmp! Hay nako. Iiyak mo na ang dapat mong iiyak. Nandito lang ako!" At dahil sa sinabi niya umiyak nga ako. Niyakap ko siya at iniyak ang dapat iiyak.
Inaalo niya ako at nagsabi ng kung ano ano. Kalaunan ay may naririnig kaming sigaw mula sa labas.
Tumayo si Marlon at sumilip sa bintana. "Nako! Gurlet! Si fafa mo nasa labas!!"
Bigla naman akong naging alerto. Baka saktan niya ulit si Marlon. Baka pauwiin niya ako at saktan din ako.
Ibat ibang negative vibes ang dumadating saken. "Gurlalu, papasukin ko ba? Ang lakas ng ulan oh!" Umiling lang ako.
Hinayaan niya ako at sumisilip lang siya kay Aston.
Bigla ko naman siyang narinig sumigaw mula sa labas.
"Meghan! Meghan! Please go out! Let talk!" Naiyak ako ulit ng marinig ko ang boses niya.
Namiss ko siya kahit na wala pang isang araw na wala ako sa poder niya. Narinig ko nanaman siyang sumigaw.
"Okay fine! If you dont want to go out just listen! I know youre in there! Im sorry okay?! For everything! At first I thought youre just some woman who will I use to be a payment for some piece of land! But I was wrong. You did things that nobody even cant show me and you taught me so many things! You taught me how to be patient in every thing. You taught me how to live life in full contentment! You showed me love and care that no one even tried to show me! You taught me how to appreaciate myself and accept my flaws! But do you know whats the best thing you taught me!? Its loving the best and worst in you!" Natigilan ako sa sinabi niya.
Mas lumala pa ang pagiyak ko dahil sa sinabi niya. Isa nalanh ang hinihintay ko.
"I just simply want to say I LOVE YOU MEGHAN PEREZ! I love you that I can risk my life for you! I love you that I can lower my pride for you! I love you to the extent I will do anything for you!" Tumayo ako at lumabas ng apartment.
Nakita ko ang isang Aston Martin na hindi ko pa nakita. Isang Aston Martin na miserable ang katauhan.
Naiiyak akong lumapit at pinaghahampas siya kahit na pareho na kaming nababasa ng ulan.
"Sira ulo ka! Bat ka nagpabasa sa ulan at pinagsasabi ang mga bagay na yan! Nakakainis ka Aston Martin! Na kahit anong gawin mong kagaguhan eh mahal parin kita! Nakakainis ka!" Pinaghahampad ko pa siya at hinawakan niya ang magkabilang pulsuhan ko.
"Hurt me if you want. Scold me. But please never leave my side again. I cant bear a day without seeing you. Please, come back to me my queen. I cant see you with another man. I cant see you happy without me being part of it. And I cant see you leave my life. Please come back. Ill do anything for you. Please my queen, home isnt home without you. Youre my life. I love you Meghan." Nabigla ako ng lumuhod siya at idinantay ang ulo niya sa tiyan ko at yumakap saakin.
Naramdaman ko ang pag taas-baba ng balikat niya. Umiiyak siya.
"Aston. Tumayo ka diyan please tumayo ka." Tinulungan ko siyang makatayo at tinignan ko ang mga mata niya.
Hinaplos ko ang magkabila niyang pisngi. "Aston, salamat dahil dumating ka sa buhay ko. May isang bagay din akong natutunan mula sayo." Nagtatanong ang kanyang mga mata kaya ngumiti ako sakanya.
"Natutunan ko ang totoong meaning ng pagmamahal. Nagsimula man tayo sa maling paraan ito parin ako nahulog sayo. Ang tagal kong hinintay na sabihin mo din sakin yan. Kaya sobrang saya ko." Ngumiti ako sakanya at hinalikan ko ang tungki ng ilong niya.
"Mahal na mahal din kita Ton. Sobra." Ngumiti ako ng pagkatamis tamis.
Ang sarap sa pakiramdam ng ganito.
"Im sorry baby. I will do my best not to make you cry again. I love you." Nakangiti siyang tumugon at hinalikan ako sa aking mga labi.
BINABASA MO ANG
The Contract Wife
General FictionSi Meghan Perez ay anak ng isang magsasaka. Laki siya sa hirap. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaroon ng malubhang sakit ang tatay niya at kailangan niya itong ipagamot. Ngunit saan siya kukuha ng malaking halaga ng pera kung pati ang lupa nila...