Chapter 9

29.7K 614 6
                                    

Meghan's POV

My gosh! Hinalikan niya ako! First kiss ko panaman yun! Argh

Bigla ko siyang tinulak at pinahid ang labi ko. Pero bakit ganun!? Parang droga ang halik niya!?

Nakakaadik! At tsaka bat di ko siya magawang sampalin?! Kasi ginusto mo din naman!

Biglang aingit ng kabilang bahaging utak ko. Di ko na pinansin yung mga kumuha ng litrato o video.

Agad akong pinamulahan ng mukha ng makita ko ang ngisi niya. Argh! Nakakainis ang manyak na ito!

"Why did you do that!?" Gosh! At parang cool lang sakanya yung ginawa niya!

Ngumisi lang siya at nagsalita na din "Because I want to."

Naiinis ako kaya magsasalita pa sana ako ng biglang nag ring ang cellphone ko.

Dinampot ko agad yun at tinignan kung sino ang tumatawag.

Incoming Call from Kyle

Ng makita ko ang pangalan niya ay agad kong sinagot iyon.

(Hello!? Megs! Ang tatang mo nag-aagaw buhay! Dalian mo bumalik kana dito!) Bigla namang gumuho ang mundo ko at mangiyak ngiyak nna sinagot ko siya

" OO SIGE PABALIK NA AKO DIYAN KYLE! HINTAYIN NIYO AKO! WAG MONG PABABAYAAN SI KENJI!" Humarap ako sakanya at nakita ko namang pinagmamasdan niya ako.

Wala na muna akong pakelam sa sitwasyon namin dalawa basta ang alam ko kailangan kong makabalik kay tatang agad agad.

"Aston! Please tulungan mokong makabalik sa hospital! Si tatang nag-aagaw buhay na!" Agad kong hinablot ang kamay niya at dinala siya sa sasakyan niya.

Agad naman niya akong pinagbuksan at ibinalik sa hospital.

Pagkadating na pagkadating namin ay tinakbo ko ang papunta sa kwarto ni tatang.

Ng maaninag ko na sina Kyle at Kyla na nasa labas at inaalo si Kenji ay mas binilisan ko ang pagtakbo.

Ng makita nila ako ay nagsimula na din silang umiyak.

Agad akong pumasok sa ICU at nakita ko ang mga nurse at doktor na nagkakagulo at nirerevive si tatang.

Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Agad akong nag-hysterical kaya pinigilan ako ng mga nurse at pilit na nilalabas pero nagpupumilot akong makalapit kay tatang.

"Miss, bawal pa po kayong pumasok nirerevive pa po namin ang heartbeat ng pasyente. Bawal po kayong pumasok" pagpigil pa ng nurse. Pero wala akong pakelam patuloy lang ako sa pagpupumilit pumasok at nagsisisigaw

"Bitawan niyo ako!! Tatang ko ang nandyan!! May karapatan akong pumasok!! Wag niyo akong pigilan!!" Pagsigaw ko nalang na may kasabay na pag-iyak. Di ko na alam ang gagawin ko.

Bigla naman akong may naramdaman na maliliksing braso na pumulupot sa aking beywang at nilabas ako don sa kwarto ni tatang.

Si Aston. Sinundan pa pala niya ako. "Bitawan mo ako! Nag-aagaw buhay ang tatang ko!" Biglang sabi ko sakanya.

"Tumigil ka. Sa tingin mo ba may magagawa yang pagwawala mo? Maghintay ka nalang. Walang magagawa ang pag-hysterical mo. Lalo ka lang makakagpdagdag sa problema. Just calm yourself. Im here for you." Marunong naman pala mag tagalog ito eh ang hot pa niya kapag ganun.

Urgh! Bigla kon inalis sa utak ko yun at nabigla naman ako ng marealize ko yung sinabi niya. Pinamulahan ako ng mukha at yumuko nalang ako.

Bigla ko naman naramdaman na niyakap niya ako at ako naman itong si gaga nagpayakap at namula ako lalo.

"Just rest for awhile. We'll wait for them. Just believe that your dad is gonna survive." Tumango nalang ako at isiniksik ko ang sarili ko sakanya. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito?

Bigla ko naman napansin ang pag-iwas ng tingin si Kyle samin. Para bang may bahid ng sakit yung titig niya.

Hinayaan ko nalang yun at hinintay ang mga doktor na lumabas.

Ng lumabas si dok ay agad akong kumalas sa yakap ni Aston at tumayo.

"Dok, kumusta po ang tatang ko!? Please sabihin niyo pong buhay siya!" Hinawakan ako ni Aston sa balikat pero di ko na pinansin. Agad kong nakita ang pakikisimpatya sa mukha ng doktor.

"Sorry ms. Perez. But your father didnt make it. Hindi na kinaya ng katawan niya. Im sorry." Natulala ako sa sinabi ng doktor.

Narinig ko ang mga mumunting hikbi ni Kenji at ng kambal. "Hindi totoo yan dok diba? Nagbibiro ka lang diba?"

Agad akong pumunta sa ICU para tignan si tatang. At nanlumo ako sa nakita ko.

Nakatakip na ng puting tela ang mukha niya.

Umiyak lang ako ng umiyak at naramdaman ko ang yakap sakin ni Aston.

"W-w-wala n-na si t-tatang! W-w-wala na ang t-t-tatang ko!" Nanlabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko. Inalo ako ni Aston.

"Im sorry about that. But please be strong for him. He wont want to see you like this. Be strong for you brother too."
Nakaramdam ako ng tuwa kahit na sa ganitong sitwasyon dahil sa sinabi niya nakaramdam din ako ng kilig sa paraan ng pagyakap at pag-alo na saakin.

Nakaramdam naman ako ng antok at di ko na namalayan na nakatulog na ako.

Pagising ko ay nabungaran ko ang mukha ni Aston na tinititigan ako.

Agad naman siyang ngumiti saakin at inalalayan akong maupo. "You fell asleep while crying so I transfered you there." Tumango nalang ako at naisip ang mga kailangan bayaran sa hospital pati narin ang pang burol at pang libing ni tatang.

"Dont worry about the bills. I already paid them." Napatingala naman ako sakanya dahil sa sinabi niya.

"Ano!? Pero di kita mababayaran! Malaking halaga iyon! Di ka man lang ba nanghinayang sa laki ng halaga!?" Biglang pagsigaw ko nalang.

"No, its okay. Its just money. I can take that back in days." Cool na sabi lang niya.

Bakit pakiramdam ko hindi maganda ang kalalabasan nito? Argh!

----------------------------------------------------------------------------------------------

Happy Christmas po! God Bless you all! ☺

The Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon