Meghan's POV
Pagkauwi ni Ton kahapon ay nagbihis agad siya at may balak pa sana na mag movie marathon kasama ako.
Pero pinatulog ko na siya agad dahil sa alam kong pagod siya sa trabaho.
1pm na pero hindi parin siya gising kaya pinagtabi ko nalang siya ng pagkain. Ayaw ko naman istorbohin ang tulog niya.
Nagdesisyon akong manood ng movie sa sala.
Gumawa muna ako ng sandwich para sa meryenda. Binigyan ko na din yung mga naglinis na kinuha ni Ton sa bahay ngayon.
After ko silang bigyan ay nakakita ako ng orange sa fruit basket.
Naisipan kong gumawa ng frrsh orange juice.
Iinom na sana ako pero may nakita pa akong mayonaise.
Bigla akong natakam. Kaya nilagyan ko yung juice. Pati ang sandwich ko dinamihan ko ng mayo.
Nakaupo na ako at kumakain ng maramdaman ko ang mga matitipunong braso na pumulupot sa aking katawan.
"Good afternoon baby. Sorry I wasnt able to join you for lunch." He started kissing my neck pero umiwas ako.
Kumalas ako sa yakap niya at tumayo. Pinuntahan ko siya sa pwesto niya at hinarap ko.
Walang atubiling tumalon ako at nagpabuhat sakanya.
"Fck! Youre gonna be the death of me lady! Good thing I caught you!" Natawa nalang ako sakanya at isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.
Ang bango niya talaga. Sininghot singhot ko pa siya.
Bahagya siyang lumayo saakin at tinignan ako.
"W-wait baby, are you okay?" Nakakunot ang noo niya ng tignan ko siya.
Bahagya naman akong namula at tumango. Bumaba na ako dahil baka matakot siya sa mga kinikilos ko at iwanan ako at maghanap ng iba!
"Fck! Baby dont cry I didnt mean to--" Umiiyak na pala ako. Bigla niya akong niyakap ulit at umiyak lang ako lalo.
Nang tumahan na ako ay umupp kami sa sofa at ininom niya ang juice ko.
Binugahan niya ako matapos niyang inumin. Yuck! Naman oh!
"What the fck is this juice?! It taste like crap!" Sumimangot ako at pinalo siya ng malakas.
"Ton naman eh! Ang sarap kaya ng juice na yan! Akin na nga!" Tinunga ko iyon at inilapag.
May sasabihin pa sana siya pero nag ring ang landline kaya kinuha ko iyon.
"Hello?" Pahbungad na bati ko.
"Hey Meghan, this is Lucas. Can you please tell Aston we need him here? Dont worry. He'll be back later night. We just need to fix something in the company. Thanks." Agad niyang binaba ang tawag at mukhang importante talaga kaya sinabi ko agad kay Aston.
***
"Ton sige na okay lang akoo. Sige naaaa!" Tinulak tulak ko pa siya sa sasakyan niya para lang umalis na. Halata namang importante kaya kailangan niyang umalis.
"Okay. Take care okay? Ill be back soon. I love you!" He bid his goodbye and kissed me.
***
Its 7pm at nag text na si Ton na pauwi na siya.Binilin ko kay Manang Luz si Ton. Hinahanda ko na kasi yung surprise ko.
Sheeeeeeet! Kinakabahan akoooo!
BINABASA MO ANG
The Contract Wife
Ficción GeneralSi Meghan Perez ay anak ng isang magsasaka. Laki siya sa hirap. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaroon ng malubhang sakit ang tatay niya at kailangan niya itong ipagamot. Ngunit saan siya kukuha ng malaking halaga ng pera kung pati ang lupa nila...