Meghan's POV
Nasa lamay ako ngayon ni tatang. Oo, siya din ang gumastos para dito pati na din daw sa libing. Syempre malungkot ako dahil wala na ang tatang. Si Kenji naman mukhang na-depress ng husto. Kaya hinayaan ko muna siyang mapag-isa sa bahay.
Pumayag na din ako na maging asawa ni Aston. Para na din makabayad sa utang namin. Pero hindi ako pumayag dahil kailangan. Dahil, nararamdaman ko na unti-unti ko na siyang nagugustuhan. Magmula ng mamatay si tatang ay hindi na siya umalis sa tabi ko. Palagi siyang nandiyan para sakin at ikinatutuwa ko iyon.
Pangatlong araw, at huling araw nalang ni tatang sa lamay. Pero di parin pumupunta si Kenji. Kaya napagdesisyonan kong umuwi muna para puntahan siya. Paalis na sana ako pero bigla akong tinawag ni Aston. "Hey babe, where are you going?" Sht! Kinikilig ako! Pero di pa ako sanay na tawagin niya akong ganon. "Umm, pupuntahan ko sana si Kenji. Last day na ni tatang. Hindi parin niya pinupuntahan." Sunod sunod na tango lang ang natanggap ko sakanya.
"Ill go with you. Maybe he needs a brother-to-brother talk." Sinabi niya yun ng nakangisi. Napataas naman ako ng kilay "Brother-to-brother talk? Eh di mo naman siya kapatid eh! Ako kaya ang kapatid niya kaya dapat sister-to-brother talk." Nakangusong sabi ko nalang sakanya. Kahit papaano sumasaya ako pag kasama ko siya. "Ill marry you. So he'll be my brother-in-law" nakangisi na sabi lang niya. At ako namang si gaga kinikilig. "Sus! Manahimik ka na nga lang!" Pinalo ko lang ang braso niya at namula naman ako. "Lets go. You cant leave for a long time. There are a lot of visitors babe." Agad naman niya akong inakbayan at dinala sa sasakyan niya.
Bigla ko naman naisip lahat ng nagawa niya para samin. At pinagmasdan ko siya. Siya na din kasi ang nag-paaral kay Kenji. Binalik din niya yung farm na ibinenta ni tatang sakanya. "Aston..." napatingin naman siya sakin at nagtama ang mga mata namin. "Yes? What is it?" Biglang tanong naman niya saakin. "Thank you fot everything." I smiled sweetly.
Ngumiti din siya saakin at hinawakan ang kamay ko. "By the way, my parents are coming over today. They wanted to meet you." What!? My ghhaad! Di man ako mukhang presentable! Argh! "Umm, Ton.. Pwede bang next time nalang?" Mukha naman siyang nabahala dahil sa sinabi ko kaya nagsalita na ako agad. "Hindi ako mukhang presentable ngayon. Mukha na akong losyang dahil sa pagkamatay ni tatang. Baka di nila ako magustuhan" Bigla naman akong nalungkot sa naisip ko. Paano na nga lang kung hindi ako magustuhan ng magulang niya? Paano kung ikasal siya sa iba?
Napangisi naman siya sa sinabi ko. Itinigil niya ang sasakyan at biglaan niya akong himalikan. Nabigla ako nung una pero unti unti akong tumugon sa mga halik niya. Kimabig niya ang batok ko para mas lulalim pa ang paghahalikan namin. Sht! Baka di ko mapigilan sarili ko! At tsaka ang sarap talaga niya humalik! Agad akong humiwalay dahil na din kapos na ako ng hangin.
Ipinagdikit niya ang mga noo namin at hinawakan ang pareho kong pisngi. "Kahit na ano pang mukha ang ipakita mo sakanila maganda ka parin. You never fail to make me crave for you each and every single moment were together. Dont worry about my parents Im sure theyll like you. Youre one of a kind. So dont worry about ig okay? Just be yourself when we see them." Namula naman ako sa sinabi niya at napangiti. Tumango nalang ako bilang sagot at pinaandar na ulit niya ang sasakyan.
Ng makarating kami sa bahay ay agad akong pumasok. Nakita ko si Kenji na hawak ang family picture namin na kumpleto habbang umiiyak. Bigla naman aking nalungkot sa nakita ko at bigla na lan din napaluha. "B-bunso, ayos ka lang ba?" Tumingin siya saakin at lalo lang siyang umiyak. Agad ko siyang niyakap at pinaramdam ko sakanya na magiging ayos lang ang lahat.
"A-ate, p-pano na t-tayo n-niyan? W-wala na tayong pamilya. T-tayo nalang dalawa ang m-magkasama." Paghikbi naman niya. Niyakap ko lang siya. Iyan lang an kaya kong ibigay sakanya ngayon. "Bunso, ayos lang yun. Magiging ayos din ang lahat. Hindi magugustuhan nina nanang at tatang na maging mahina tayo. Dapat maging matatag lang tayo." Lakas loob na sabi ko sakanya kahit na naiiyak na talaga ako.
Matagal din kami sa ganoing posisyon. Bigla kong naalala na hindi pa siya pumupunta kay tatang. "Bunso, punta kana kay tatang oh? Last day nalang niya na nakalamay. Please naman punta kana. Sige ka baka magparamdam yun sayo bigla!" Pilit kong pinapagaan ang sitwasyon. Pero naluha lang siya ulit. "Ate, hindi ko po tanggap. Wala na tayong pamilya ate. Parang hindi ko kayang mabuhay ng wala sila tatang." Naiiyak na sabi na naman niya.
Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Aston. "You have me. I can be your older brother. I am family Kenji." Nakangiting sabi ni Aston sa kapatid ko. Ang gwapo naman niya pag ngumingiti. Napangiti naman ako nang magtama ang mata namin.
Binigyan ko siya ng space para makisali siya sa hug namin magkapatid laking tuwa ko naman na sumali nga siya at niyakap namin ng mahigpit si Kenji.
Ngayon alam ko na. Gusto ko siya. At hindi malabong mahalin ko pa siya.
BINABASA MO ANG
The Contract Wife
General FictionSi Meghan Perez ay anak ng isang magsasaka. Laki siya sa hirap. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaroon ng malubhang sakit ang tatay niya at kailangan niya itong ipagamot. Ngunit saan siya kukuha ng malaking halaga ng pera kung pati ang lupa nila...