Chapter 30

23.9K 471 4
                                    

Meghan's POV

Apat na araw ng wala si Ton dito. At miss na miss ko na siya. Kapag tumatawag si Xander kay Alelie ay tinatanong niya ako.

Pero ako itong si maarte at di maka-get over ay di parin makalimutan ang sinabi niya.

Ngayon makikipag bati na ako. Sobra na ang apat na araw. Alam kong naiistress siya sa trabaho dapat hindi na ako dumagdag yun ang pagkakamali ko kaya hihingi ako ng sorry sakanya pag tinanong niya ako kay Alelie.

Kasama ko si Alelie the whole week. Nagdesisyon kami na magsleepover since wala namna nga kaming kasama kung kanya kanya pa kami.

Tatlong araw pa bago bumalik si Ton. Hay nako, miss ko na siya. Nagluluto na kami ng hapunan ni Alelie dahil 6:00pm na. Bigla naman nag ring ang cellphone niya at agad na sinagot iyon.

Naguusap sila ni Xander ng bigla kong nilapitan si Alelie para hanapin si Ton.

"Umm, Xander... Nasan si Ton? Kasama mo ba siya?" He waved at me and smiled.

"Sorry Megs, Wala siya dito sa suite. Kasama niya si Athena, his secretary sa seminar sa Nagoya. Eh nasa Tokyo pa ako, siguro di na uuwi yun. Bukas na siguro kami magkasama. Kasama naman niya si Kevin, at Lucas. So no need to worry. Miss mo na siya no?"

Tignan mo to. Malungkot na nga ako nakuha pa akong binully.

"Sus. Malungkot na nga ako inaasar mo pa ako! Hmp! Pero sana naman wag maging linta yung secretary niya. Nung nasa airport parang ahas kung makakapit sa braso ni Ton akala mo walang tao hmp!" Natawa silang pareho sa sinabi ko which I find weird.

"Sus, nagselos lang pala kaya ayaw pansinin. Alam mo Megs? Ang pabebe mo! Bawas bawasan yan ah?" I just rolled my eyes. Bagay nga sila. Parehong bully. Iniwan ko na sila at sinilip ang niluluto ko.

After twenty minutes ay bumalik na si Alelie. Sakto naman luto na ang ulam kaya siya na ang naghanda ng mga kubyertos at iba pa.

Matapos niyang ayusin yung table ay kumain na kami agad. Tumikhim siya at nagtanong bigla.

"Megs, ano bang meron aainyo ni Ton ngayon? Alam ko naman ang situation mo pero.. nakikita ko naman na mahal niyo ang isat isa. Why not make it real right?" Napatingin naman ako sakanya.

Oo, alam ni Alelie. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan. Madalas ko parin makausap sina Kyla at Kyle pero siguro dapat makipag kaibigan din ako sa ibang tao. Hindi lang sakanila.

"Hindi ko din alam Alen.. Sigurado akong mahal ko siya pero siya hindi ko pa narinig na sabihin niya iyon sakin ni minsan. Sinabi naman niyang hintayin ko siya pero.. after ng first fight namin mas naparamdam niya saakin kung ano talaga ang papel ko sa buhay niya. Which is nakakasakit talaga." Alen ang nickname niya dahil ang complete name niya is Alelie Nicolai Pascual.

Pareho kaming bumuntong hininga at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

Ng matapos kumain ay pinaghatian namin ni Alelie ang mga gawaing bahay. Matapos namin maglinis ay naglaro kami ng chess.

"Ikaw Megs ah! Ang galing mo pala! Akala ko pa naman makaka-first win na ako! Ikaw kasi sinabi mo di ka magaling! Nako nako nako nako!" Natawa ako sa inasta niya. Para siyang bata. Pero yung hindi nakakairita.

"Hindi naman, naglaro lang talaga ako noong highschool. Pero never pa akong nakatungtong ng mga school divisions. Hanggang intrams lang at pag free time lang namin dati." Pagsisimula kong kwento.

"Huh? Bakit naman? Sayang naman ang talent mo sa game na to! Dapat nagpakitang gilas ka! Magagamit mo yung scholarship na mabibigay nila sa college pag nagkataon!" May punto siya pero, kahit naman may scholarship mahihirapan parin sina tatang at nanag na pagaralin kami.

Bigla ko silang namiss. Si Kenji naman tinawagan ko kanina. Hay nako. Ang hirap ng mawalay sa pamilya.

"Kahit naman may scholarship di parin akong kayang pag-aralin ng magulang ko." Nginitian ko siya ng tipid at iginalaw ang chess piece.

"Nako girl!! Sayang naman!! Ang talino mo kaya! Ang galing mo mag-english! Bilib ako sayo! Di ka mukhang dukha pero ako dukhang dukha kahit sa pananalita. Hindi ko kasi nakasanayan mag english. Oo nakakaintindi at nakakapag slaota ako pero, para akong bisaya na ewan!" Napatawa naman ako bigla dahil sa pag aalburoto niya.

"Ikaw talaga. Pinapatawa moko agad pag malungkot ako! Ano kaba, napapapractice naman iyan eh! Gusto mo after natin dito practice tayo sa English mo?" Naka ngiting turan ko sakanya.

"Ay! Sige gusto ko yan! Tapusin na nga natin ito! Para makapag practice na ako. Hihi!"

Tinapos na namin agad ang laro at tinungo namin ang sala para sa practice na sinasabi ko.

Habang nagpapractice at nagtatawanan nag-cr muna siya saglit kaya uminom ako ng tubig.

Bigla naman nag rin ang phone ko at binuksan ko iyon. Which is sana hindi ko nalang ginawa.

From: +639156789234

Look at your husband. He seems to be enjoying what he is doing.

Bigla ko naman nakita ang mga pictures na kahalikan niya ang secretary niya. Naibagsak ko ang phone ko at agad akong naluha.
Ng bumalik ai Alelie ay agad niyang napansin ang pag-iyak ko dahil parang watetfalls na ang mga mata ko.

"My ghad! Megs! Anong ngyari!?" Napansin niya ang phone ko at napasinghap siya sa gulat.

"What the!? Ito ang seminar na ginagawa ng asawa mo!? My ghad! Malandi talaga ang secretary ng asawa mo! Halata naman na siya ang humalik eh! At halata naman na nilalayo siya ni Ton! At sino ang kumuha ng pictures!? Walang hiya yan! Pero kahit na inilalayo ni Ton itong higad na ito malalgot yun sakin! Nagpahalik naman ang gago!" Umiyak nalang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Nasaktan ako kahit na ayaw ni Ton ang mahalikan. Pero the fact na may ibang humalik sakanya is nasasaktan ako.

Inalo lang ako ni Alelie at napagdesisyonan ko nang pumasok sa kwart at matulog.

The Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon