Meghan's POV
Hi! Ako nga pala si Meghan Perez. Simple lang ang buhay na nakagisnan ko. Ang tatay ko magsasaka. Ang nanay ko naman patay na. May kapatid akong lalaki, na ang pangalan ay Kenji.
Kami nalang tatlo ng tatay at kapatid ko ang nabubuhay sa mumunti naming lupa na naging sakahan nadin.
Ito nalang ang yaman na meron ang tatay ko kaya inaalagaan niya ito para naman daw ay may maiwan siya saamin.
Saktong nakakaraos lang kami sa pang araw-araw. Hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral dahil nadin sa hirap.
Matapos kong gumraduate ng highschool ay tumigil na din ako.
Para makatulong sa tatay ko ay nagtatrabaho din ako dito kasama ang mga kababaihan na namimitas ng mga prutas at mga gulay.Gusto kong mag-ipon para naman makapag aral ako ng kolehiyo. At saka para na din matuloy ko ang pag-aaral ng kapatid ko na grade 6 na ngayong taon.
Gusto kong ihaon ang pamilya ko sa kahirapan. Matanda na ang tatang, ayaw ko mamatay siya dahil lang sa pagod.
Gusto ko maranasan nila ang kaginhawaan ng kapatid ko. Nagpapasalamat ako na kahit mahirap kami ay nagkaroon kami ng mababait na magulang.
Hindi nila kami pinapabayaan kahit na minsan ay kinakapos kami sa pera. Pero palaging turo saamin ng nanang na importante parin ang pamilya at pagmamahal kaysa sa pera.
Hindi nila kami tinuruan na maging materialistic gaya ng ibang tao.
Nagpapasalamat naman ako dahil din responsable ang aking kapatid. Responsable, maalaga, matalino.
Iyan ang kapatid ko! Kaya nga palagi akong nagpapasalamat sa Diyos na, biniyayaan niya ako ng mga taong nasa paligid ko.
23 years old na ako. At kung biniyayaan ay gusto kong maging abogado. May angkin naman ako na talino, nung gumraduate ako Valedictorian ako kaya kampante ako na kaya ko ang kursong gusto kong kunin.
Dahil nga sa kapos sa pera ay tumigil na ako. Gusto ko mang magtrabaho sa bayan ay hindi ko naman maiwan ang tatang at si Kenji.
Ayaw ko naman silang pabayaan dahil lang sa kagustuhan ko.
At kung magtatanong naman kayo tungkol sa lovelife ko ay wag na! Dahil wala kayong maririnig na kwento galing sakin.
No Boyfriend Since Birth ako. May mga nanliligaw pero, ewan ko ba. Ni isa wala akong natitipuhan sakanila.
Hindi naman ako manhid para hindi mapansin na ang iba ay hinuhubaran na ako kung makatitig saakin. Pero kahit ganyan sila, ay mababait naman ang mga tao sa baryo namin.
May mga kaibigan naman ako. Isa na dun sina Kyla at Kyle na kambal. Sila ang mga kababata ko na tumulong saakin para maging makulay ang buhay ko.
Natural kasi ako na mahiyain. Ayaw kong masyadong maraming nakakapansin saakin.
Pero dahil daw sa angkin kong kagandahan at ganda ng kurba ng katawan ay hindi daw maiwasan ng iba naming kasama sa baryo ang pansinin ako.
Yan ang palaging sinasabi ni tatang. Meron pa ngang iba na pinagkakasundo ako sa mga anak nila. Nako, ang weirdo naman. Hindina nga uso ang fixed marriage tas ganyan pa. Haha!
Sa ngayon ay nandito kami nila tatang sa mumunting bahay namin at nanananghalian. Si Kenji naman nasa eskwelahan pa. Pagkatapos kumain niyan ay babalik nananaman sa trabaho si tatang.
Binabawalan ko siyang magpagod pero mapilit kaya hinahayaan ko nalang.
Mabuti nalang at hindi sakitin ang tatang kaya nakakaiwas pa kami sa gastusin sa hospital.
Tapos na kaming kumain at bumalik na nga sa trabaho si tatang makalipas pa ang ilang oras ay hinihintay ko nalang si Kenji na umuwi.
"Ate! Nandito na ako!" Biglang sigaw ng kapatid ko. "Oh? Andyan kana pala bunso. Kumain kana ba?" tanong ko sakanya.
"Oo ate, nilibre nanaman ako nila ate Kyla pati kuya Kyle ng meryenda pagkalabas namin ng eskwela ni Carlo" magiliw na sabi pa niya. Si Carlo ay bunsong kapatid ng kambal. Butina nga lang nagkakasundo sila ni Carlos, eh ubod ng kulit yun.
"Nako ikaw talaga. Osige, magbihis kana para matulungan na natin si tatang sa sakahan. Maghahanda nalang ako ng meryenda natin para makapagpahinga si tatang huh?" Nakangiting sabi ko naman sakanya.
"Sige ate. Dalian mo magluto ate ah!? Gutom nanaman ako eh! Hehe!" Paalala pa niya bago siya pumasok sa kwarto namin bago magbihis.
Matapos niya magbihis ay hinihintay niya ako kaya naman gumawa muna siya ng mga assignments niya habang nagluluto ako ng Bananaque.
Nang malapit na akong matapos bigla nalang sumulpot si Mang Pedro na kasama ni tatang sa sakahan na mukhang hinihingal dahil sa pagtakbo dito.
"Meghan! Kenji! Ang tatay niyo! Inatake sa puso!" Biglang gumuho ang aking mundo. Kahit na kinakabahan ako ay tinakbo ko ang kinaroroonan ni tatang na tinuro naman ni Mang Perdo.
"Tumawag kayo ng sasakyan! Tulungan niyo ang tatang ko!" Umiiyak na sambit ko.
"Buhatin niyo na si Carlos! Dalian niyo!" Sigaw naman ni Mang Pedro. Pinagtulungan nila si tatang na maisakay sa sasakyan papunta sa hospital.
"Iha! Sumama kana. Kami na ang bahala kay Kenji dito." Sabi naman si Aling Cora na nanay ng kambal. Kahit na balisa ako ay nagawa ko pa namang magpasalamat at sumakay na sa jeep.
Sana wala ng mgyaring mas malala pa dito....
Sana...
BINABASA MO ANG
The Contract Wife
Ficção GeralSi Meghan Perez ay anak ng isang magsasaka. Laki siya sa hirap. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaroon ng malubhang sakit ang tatay niya at kailangan niya itong ipagamot. Ngunit saan siya kukuha ng malaking halaga ng pera kung pati ang lupa nila...