Chapter 18

26.2K 603 10
                                    

Meghan's POV

Oo, natural na mabait ang mga magulang ni Ton. Wala naman silang nasabi na na-offend ako. Pero bigla kong naramdaman ang tunay na papel ko sa buhay ni Aston. Isang contract wife lang.

Kahit ako mismo, di ko na maramdaman ang gutom. Sa dami ng pumapasok sa utak ko wala na din akong matinong maisip. Hanggang sa nakaramdam na ako ng pagod at antok.

Pagkagising ko ay gabi na. Tinignan ko ang orasan sa tabi ko at sinasabi na alas-siete na ng gabi. Bahagyangk umalam ang tiyan ko kaya bumangon ako. Naghilamos ako at nag-toothbrush.

Pagka ayos ko sa sarili ko ay dumiretso ako sa kusina para mahanap ng makakain. Pero may mga maid na nakakakita saakin, nginitian ko sila at ngumiti namna sila pabalik. Kumalam nanaman ang tiyan ko kaya di na ako nag-atubiling magtanong,

"Umm, tanong ko lang po. May pagkain pa po ba? Nagutom po kasi ako eh. Tsaka kumain na po ba yung iba? Aling..." Bigla namang sumagot yung matanda na mukhang mayordoma nila sa mansyon.

"Ako nga pala si Aling Maria. Oo iha. Kumain na sila. Tinatanong ka nga ni ma'am Anita at sir Denver pero sabi naman ng alaga ko eh napagod ka daw sa biyahe. Pero binilin naman ng alaga ko na ipagtabi ka ng pagkain. Ipaghain naba kita iha?" Kahit simpleng gestures lang talaga niya kinikilig na ako.

"Hindi na po. Ako nalang po." Nugmiti kao ng hindi abot sa mata.

Naghain na ako ng pagkain ko at nagsimula ng kumain. Kahit na mukhang masarap yung pagkain parang walang lasa dahil sa dami ng iniisip ko.

Sinabi niya na maghintay ako pero hanggang kelan? Kumakain lang ako ng tahimik hanggang sa lumapit sakin yung yaya ni Aston na si aling Maria.

"Iha, masaya ako na nakilala kana ng alaga ko. Sa wakas naiintindihan na din niya ang tunay na ibig sabihinng pag-ibig" nagtataka man ako sa sinabi niya ay ngumiti ako.

"Maswerte din po ako sa alaga niyo aling Maria. Masaya po ako na nakilala ko din po ang isang tulad niya." Ngumiti siya ng matamis saakin.

"Iha, nakikita ko na mahal ka ng alaga ko. Alam mo ba? Iyang batang yan? Hindi pa nagdadala ng babae dito sa bahay! Ikaw ang unang babae na pinakilala din niya kina sir at ma'am."

Dahil po contract wife niya ako kaya pinapakilala po niya ako sa magulang niya. Inalis ko nalang sa isip ko iyon baka mahalata pa ng matanda ang pagbago ng mood ko.

Masaya ako dahil ako ang unang babae ang dinala niya dito. Ako din kaya yung huli?

"Nako iha! Pagbalik niyo dapat may maliit na Aston at Meghan na ah! Para naman sumigla ulit ang bahay!" Hagikgik pa ng matanda. Namula naman ako sa sinabi niya. Pero sana dumating nga yung panahon na iyon.

"Darating din po tayo diyan aling Maria." Ngumiti nalang siya saakin.

"Umm, tapos na po ako aling Maria. Akyat na po ako." Tumango nalang siya at nilisan ko na ang kusina.

Pagkaakyat ko ay ngayon ko lang napansin ang apat na kwarto sa palapag na ito. Tinignan ko ang bawat pinto at napansin ko na may carvings ng mga may-ari ng kwarto.

Ang unang kwarto ay kina tito Denver at tita Anita. Ang kaharap naman nito ay ang kay Aston. Katabi naman ng kwarto ni Aston ay ang kay Cassandra.

Nakita ko na naka-awang ang pinto ni Casandra kaya sinilip ko iyon. Bigla kong nakita si Aston at Cassandra na naguusap kaya aalis na sana ako hanggang sa marinig ko ang pangalan ko.

"Kuya, you know what? Gusto ko si ate Meghan for you. She's naturally kind. Not unlike other girls out there." Nakita kong nagsusulat siya kasama ni Aston.

Hindi ko ugali na makinig ng usapan ng iba pero may parte saakin na gustong makinig sakanila kaya nanatili ako.

"Yeah, I can sre that you really like her." Nakita ko ang pagsilay ng munting ngiti sa mukha ni Aston. Mahal talaga niya ang kapatid niya.

"Kuya, I know its weird to ask this but, do you really like her?" She said while looking at Ton. Kahit na natatakot ako sa sagot niya ay nanatili ako.

"I dont like her.." Pagkarinig ko nun ay sunod sunod na tumulo na ang mga luha ko. Umalis na ako sa pwesto ko at bumalik na sa kwarto.

Pumunta ako agad sa banyo para doon manatili. Iniyak ko lan gng iniyak hanggang sa maubos na ang luha ko.

Naghilamos ako ng mukha ko bago lumabas ng banyo. Baka mahalata pa niya ang pag-iyak ko.

Pagkalabas ko ay saktong pagpasok naman niya. Ngumiti siya saakin kaya nginitian ko na lang siya.

Humiga na ako sa kama at tinitigan lang ang kisame. Naramdaman ko naman ang pag upo niya.

Pinigilan ko ang sarili ko na tignan ang mukha niya dahil baka umiyak nanaman ako.

"Did you eat already?" Tumango nalang ako. May sasabihin pa sana siya pero biglang pumasok si Cassandra na suot ang kanyang terno na pink na pantulog.

Ang cute naman niya. Bumangon naman ako agad at nginitian ko siya.

"Kuya! Ill just borrow ate Meghan for awhile! I want her to sleep beside me!" Masiglang sabi naman niya kay Aston.

Poprotesta pa sana siya pero agad na akong tumayo at nilapitan si Cassandra. "Sige, matutulog ako sa tabi mo. Lets go?" Lumiwanag ang mukha at agad akong hinila papalabas at iniwan namin doon si Ton.

The Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon