Chapter 19

25.7K 562 5
                                    

Meghan's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Cassy. Masayang kasama ang batang ito. Madami din kaming napagusapan. Nalaman ko din na halos magka-edad lang sila ni Kenji. Mas matanda lang ng isang taon si Kenji sakanya. Nang mabangit ko si Kenji ay sinabiniyang gusto niya itong makilala. Mukha siyang sabik sa kalaro dahil siya lang mag-isang bata dito.

"Hayaan mo. Minsan ipapakilala ko siya sayo.'' Nakangiting turan ko sakanya. Humagikgik naman siya at nagsulat na ulit. Story pala ang sinusulat niya.

"Ate Meghan, do you really like my kuya?" Nabigla man ako sa viglang lagtatanong niya ay sinagot ko parin siya. Yung totoo.

"I love him Cassy. More than I love myself." I smiled at her. "Hihi! You really look good together! Youre like the princess and prince in my story!"

Naging curious ako bigla sa story niya. "Tungkol saan ba yung story mo?" Tinuloy lang niya ang pagsusulat habang ako naman ay nakamasid lang sakanya.

"Its about the story of a Prince and a Pupper." Ang bata pa niya pero ang talino na niya. Bigla ko tuloy na miss si Kenji.

"Pero bakit Prince and the Pupper? Diba dapat Princess and the Pupper? Dahil mayaman kayo?" Humagikgik lag siya.

"SECRET PO ATE MEGHAN!! HIHI!" Isinara na niya ang notebook niya at itinago iyon at kumuha ng board game. Monopoly.

"Ate! Lets play before we sleep!" Tumango ako sakanya at inayos namin yung board game. Naayos na namin ang dapat ayusin at nagsimula na kaming maglaro.

Nasa kalagitnaan kami ng laro at bigla siyang nagsalita.

"You know what ate? Kuya and I used to play this board game. Its our favorite. Im really thankful he is my kuya. He never make me felt alone. I dont have playmates so he always approach and play with me." Tinignan ko siya ng mataman at nakita ko naluha na siya.

Agad akong umusod at niyakap siya. "Dont worry. May ate kana. Im here for you." Humikbi lang siya.

"Ate, take care of my kuya. He's not kind to other people but I assure you. He treasures his family and love ones more than he loves himself." I just nodded. Out of words to answer. Niyakap ko lang ulit siya hanggang sa maramdaman ko ang mabigat na paghinga niya.

Inihiga ko na siya at kinumutan. Inayos ko na din ang board game at itinabi.

Lumabas ako ng kwarto niya at bumaba papunta sa kusina para uminom. Nabigla namanako ng makita ko si tito Denver na prenteng nakaupo sa kitchen table. 

"Oh? Iha, buti at gising kapa?" Ibinaba ko ang baso ko at ngumiti ng alanganin.

"Umm, sinamahan ko po kasi si Cassy sa kwarto niya at nagkatuwaan lang po kami." Tumango tango lang ang matanda

"Please have a seat. I want to talk to my future daughter." Walang atubili na sumunod ako sakanya.

"Iha, thank you for making my son a better man." Kung alam niyo lang po ang tunay na estado namin.

"Its my duty and fulfillment as his girlfriend po." Ngumiti siya.

"No, its not your duty. A woman's duty and fulfillment  in life is to be a good wife and a great mother. But anyways thank you for making my son realize what real love is. I can see by his stares that he loves you dear." Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Im happy too that Carlos raised you very well. You may not have finished schooling still, you achieve things that a parent should do. He has a great daughter." Naluha naman ako sa sinabi niya tungkol kay tatang. 

"Thank you po. Pinaramdam niyo din po saakin na parte ako ng pamilya niyo." Humikbi lang ako sa harap niya kahit na nakakahiya.

"Iha, youre our family now. And by the way, I heard from Aston that your brother is entering our school so, Im granting him the scholarship he deserves. And please iha, accept the house that we offer you. Its for your own good too." Tumango nalang ako sakanya. Bakit ang bait nila? Aston and Cassy are so lucky to have them.

"T-thank you po. T-thank you." Tumayo ako at niyakap ko siya. Feeling ko tuloy kasama ko si tatay dahi sakanya.

Pagkatapos ng munting drama at paguusap namin ni tito ay dinukot ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Kyla. Sumagot siya matapos ang tatlong ring.

(Hello? Megz? Kumusta ka diyan?)

"Ayos lang naman. Kayo kumusta na? Si Kenji nga pala?" Pagtugon ko naman sakanya.

(Ay nako, tulog na ang kapatid mo. Gisingin ko paba?)

"Nako, wag na. Baka di na makatulog ulit yon pag ginising mo pa."

(Megz, patawarin mo sana ang pamilya namin sa ginawa sayo ni Kyle. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon. Lalong lalo na sayo pa na kababata namin.)

"A-ayos na yon. Pinatawad ko na kayo. Pero sana wag niyong asahan pa pareho parin ang pagtrato ko sakanya." Nasa kasukdulan nanaman ako ng pag-iyak. Hay nako. May ilalabas paba akong luha?

(Naiintindihan ko. Salamat Megz. Osige na tulog kana gabi na din)

"Osige. Pakisabi kay Kenji kausapin ko nalang siya bukas." Ibinaba ko na ang tawag at bumalik na sa kwarto ni Cassy.

Ayaw ko din munang makita si Ton. Maalala ko lang yung mga sinabi niya kanina.

Humiga na din ako sa tabi ni Cassy. At naramdaman ko ang pagyakap niya sakin. Napangiti ako sa ginawa niya. "Goodnight Cassy." Matapos non ay pumikit na din ako.

Sana may magandang mgyari sa susunod na araw.

Sana...

***********

A/N: Thank you po kay @MharlaManansala. Thank you po for voting! I really really appreciate it po! Lovelots! Xoxo
Kaya po I dedicated this chapter to you!

The Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon