Chapter 48

24.7K 492 15
                                    

Author's Note: Guys! This happened po before the proposal scene. Clear ko lang po baka may malito. :) Happy Reading po! And thank you po sa lahat ng reads and votes! I appreciate it! Last 2 Chapters nalang po! Then Epilogue na! Grabe! Mamimiss ko po ito! T.T Hehehe. Tatapusin ko na po siya this week. Then susunod na po ang story nina Alexander at Alelie! :)

P.S. Please play the video para ramdam ang proposal ni Fafa Aston. Hehe!

****

Meghan's POV

Maagang umalis si Ton dahil sa hindi ko na siya naabutan noong gumising ako. Ang sabi ni Manang aligaga daw bago umalis.

Alas- siete palang ng umaga nung magising ako pero hindi na siya nahagilap ng mata ko.

Wala din naman akong ginagawa sa bahay, binigyan ko nalang ng mga day off at mga bonus ang mga kasambahay na kasama namin at mga hardinero. Kawawa kasi sila ni minsan hindi ko nakita umalis para mag relax.

Nang umalis sila ginawa ko na ang mga gawaing bahay. Nilinis ko ang kusina at nag check ng mga dapat bilhin kung may kailangan.

Pinalitan ko lahat ng mga kurtina sa living room at mga kwarto. Pati mga damit namin inayos ko na din lahat.

Ang mga kama pinalitan ko na din ng bed sheets. Para hindi na mahirapan pa sina manang kung sakali man.

Nag walis at mop na din ako. Ang mga paintings at display na vases sa bahay nilisin ko din. Pati ang office ni Ton inayos ko din.

Nag luto na din ako para sa tanghalian. Wala namang sinabi saakin si Ton na ipagdala ko siya kaya good for 2 persons lang ang niluto ko.

Alas- dose na kaya kumain na ako. Habang kumakain ay nag ring ang cellphone ko. Tinignan ko ang screen at bumungad saakin ang pangalan ni Marlon.

Sinagot ko na ang tawag dahil dalawang miss calls na pala ang meron siya saakin.

(Hello? Bruha! Labas tayo mamaya! 4pm ah! Susunduin ka namin ni Alelie! Nako! Magpa- salon tayo at mag shopping tayo! Magpapaganda tayo ng bonggang bongga bruha! Dapat pag 4pm na nakahanda kana ah!? Walang excuses! Bye na!)

Hindi man lang ako nakapag salita. Grabe siya oh. Umiling nalang ako at nilinis ang pinagkainan ko. Tinignan ko ang orasan at halos mag- aalauna palang.

Naghanap nalang muna ako ng maisusuot ko at pumunta ng living room para manood ng movies.

Habang nanonood ay nag ring ulit ang cellphone ko. Tinignan ko yun agad ang natuwa naman ako sa nakita ko.

Aston Calling....

Agad ko iyong sinagot dahil masyado akong na-excite dahil sa pag tawag niya.

"Hello king! Bat napatawag ka?" Nakangiti ako habang sinasabi ang mga yon kahit na alam kong hindi naman niya ako makikita.

(Just knowing your situation. Its fcking bumper-to-bumper in here. Fcking traffic.) Napahagikgik ako dahil sa inasal niya at napailing.

" You know what? Imbes na tawagan mo ako ayusin mo muna ang pag drive mo. Oh oo nga pala inaya ako nila Alelie and Marlon. Can I go?" Sana nalang pumayag siya. Yung dalawang yun pa naman hindi papatinag sa sakanya.

(U-umm, yes! O-Of course!) Na excite ako ulit umalis! Pinayagan niya ako! Yes! Pero nagtaka ako dahil nauutal siya. Ano kaya ngyari sakanya?

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sakanya.

(Yeah I am. Take care okay?) Napangiti naman ako dahil sa kasiguraduhan.

"Yup! I will bye king! I love you!" I just exclaimed out of excitement.

The Contract WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon