RHIAN's POV
Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay.... Malapit ng tumulo ang luha ko sa harap nila...
Sila na ...wala ng pag asa... di ko na alam ang gagawin ko ... talong talo ako kay ate...
Kahit kailan di na mapupunta sa akin si Ate Karylle... paano pa nya mapapansin ang pagmamahal ko kung kay Ate na pala ang puso nya
Napaupo na lang ako sa fountain sa garden... di tumitigil ang luha ko...
Mahal na mahal ko si Ate Karylle at sobrang sakit nito para sa akin...
GLAIZA: Wala ng magagawa yang iyak mo...
RHIAN: Glai...za...
GLAIZA: Pwede ba punasan mo yang luha mo... para kang ewan
RHIAN: Wala akong panahon makipag away sayo... tigilan mo ako ng pang aasar mo...
GLAIZA: Wala din akong panahon makitang umiiyak ka... heto kunin mo na...punasan mo luha mo ...wag ka ng umiyak dyan...nakakaistorbo ka lang...
RHIAN: Sinong hindi iiyak hah... bakit ikaw ...di ka ba nasaktan... gusto mo si Ate di ba...
GLAIZA: Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkatalo ko... bakit ko pa ipagpipilitan sarili ko...
RHIAN: Ang aga mo naman sumuko... di mo man lang ipagtapat ang nararamdaman mo sa kanya....
GLAIZA: Para ano pa... para doblehin ang sakit... para lalo akong masaktan... para lalong ipamukha sa akin na si Karylle ang mahal nya...kaya ikaw pwede ba tumigil ka na sa kaiiyak mo ...wala ding patutunguhan yan...nag aaksaya ka lang ng oras
RHIAN: Hindi ako nag aaksaya ng oras... ipaglalaban ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya... hindi ako katulad mo na susuko na lang basta basta....
GLAIZA: Wag magpatuloy sa katangahan mo masasaktan ka lang lalo...
RHIAN: Bakit mo ba ako pinipigilan hah... kung gusto mo akong itulad sayo na nanahimik na lang at masasaktan ng palihim ...wag mo ng subukan... dahil di ako katulad mo...
GLAIZA: bakit ...tama bang ipaglaban mo ang pag ibig na kahit anong gawin mo ...alam mo ng sa simula't simula pa lang talo ka na...at sa huli ikaw lang ang maiiwang iiyak
Ang mga salitang yun ...sobrang sakit pakinggan... parang walang pakialam si Glaiza kahit pareho kami ng sitwasyon... kahit na sobrang sakit parang wala lang...
Pero di ako katulad nya di ako sumusuko...si Ate Karylle ang gusto ko... at di ako mapipigilan ng sinuman...
RHIAN: Tumigil ka na... di kita pakikinggan... tumbi ka nga dyan...
GLAIZA: Papasok ka sa loob na ganyan ang itsura mo.... Nahihibang ka na ba Rhian...
RHIAN: Oo nababaliw na ako na itago pa nararamdaman ko kay Ate Karylle... sasabihin ko na sa kanya...
Bigla nya akong hinawakan sa braso...mahigpit ito at nanlilisik ang mata ni Glaiza...
GLAIZA: At ano susugod ka sa loob at magmumukhang tanga...
RHIAN: Tanga na kung tanga... ang tagal kung pinaghandaan na sabihin sa kanya... tapos sa isang iglap mawawala sya...
Lalong bumuhos ang aking luha at pinaghahampas ko sa dibdib si Glaiza... halos magwala na ako... pakiramdam ko gumuho ang mundo ko... kay Glaiza ko ibinuhos ang sakit at lungkot na nararamdaman ko...
BINABASA MO ANG
The Deal of Love (RaStro)(AnneRylle) Lesbian Romance
RandomRhiannon "RHIAN" Oswald - Rhian Ramos Gia Levinson Anastasia"GLAIZA" Collins - Glaiza De Castro Anna Nicollete "ANNE" Oswald - Anne Curtis Katherine Merylle "KARYLLE" Collins - Karylle RHIAN is one hot chick ...halos lahat ng students in the Campus...