Part 6

162 10 1
                                    

Part 6






"Prince Carlos, nangangalay na ako." Kumento ko sa gitna ng pag-lipad namin- niya. Dahil hindi ako marunong lumipad ay naka-piggy back ride ako sa kanya. Nangangalay na akong naka-kapit sa braso niya and I feel like anytime ay maaari na akong mahulog.






"Tumahimik ka kung ayaw mong iwan kita dito." Ramdam ko na din sa boses niya na pagod na pagod na siya. Naiintindihan ko naman siya kaya tinikom ko nalang yung bibig ko.







Nakita ko ang isang pader na sa tingin ko ay walang katapusan yung haba nito. Nakasunod naman sa amin yung mga beelzebub habang yung cute na tiyan nila yung nauuna kapag lumilipad sila.









Aish! Palagi nalang akong na-didistract kahit ganito ang sitwasyon namin. Pero bigla akong napahiyaw nang bumilis yung pag-lipad ni Prince Carlos patungo sa pader at sa tingin ko ay babangga na kami. Naramdaman ko ring nakasunod yung mga beelzebub at binibilisan din nila yung pag-lipad nila.








Dahil sa pag-hiyaw ko ng sobrang lakas ay nakita ko sina Gretel at Hera na papalapit sa amin. Ilang metro nalang, hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo namin sa pader at mabubunggo na kami pero naramdaman ko ang mga kamay na hinihila kami pataas kung kaya ay hindi kami tuluyang nabangga doon.








Sunod kong narinig ang pag-sunod-sunod na parang may sumabog sa ilalim kaya ay binitiwan ko si Prince Carlos at napatingin sa ilalim, nakita ko ang mga beelzebub na nababangga sa pader. Nararamdaman ko din na parang papunta rin ako sa direksyon nila. Shet! Naalala ko, binitawan ko nga pala si Prince Carlos.








Agad kong pinagana ang pakpak ko kahit hindi ako marunong basta hindi lang ako mamatay ngayon, napa-sigaw na rin ako at dahil doon, yung mga natitirang beelzebub na hindi pa nabubunggo ay nagpunta sa direksyon ko. Gumalaw ako ng gumalaw. Lumangoy pa nga ako sa ere dahil hindi ako marunong lumipad at muntik pa akong mabunggo sa pader na 'yon.










Ginawa ko ang lahat para hindi ako mahuli ng mga beelzebub at para hindi ako mabunggo sa matigas na pader. Nakita ko ring papalapit na sa akin sina Prince Carlos, Hera at Gretel. Kasalukuyan akong nagpapasalamat 'nun dahil tutulungan na sana ako nina Hera at Gretel nang biglang iharang ni Prince Carlos ang kanyang kamay sa harap.









"Hayaan mo siya." Saad niya na ikinagulat ko.





Kahit parang nagt-tumbling na ako at pabalik-balik dahil hinahabol ako ng mga beelzebub ay napasigaw ako sa frustration ko sa kanya. And too bad kasi sinunod siya nina Hera at Gretel. "What?! Are you insane? I'm going to die here!" Sigaw ko.





Hindi niya ako pinansin. Ayaw pala ah, pwes! Ako ang pupunta sa kanya. Sinikap kong makapunta sa direksyon ni Prince Carlos at sumunod sa akin 'yung beelzebub. Akala mo ah.






"Edi natuto ka rin." Biglang lumabas sa bibig niya dahil narinig ko iyon.






Kumunot naman yung noo ko. "Ano?" Napailing nalang ako dahil nandidiri ako nang bigla niyang kinuha 'yung espada niya at isa-isa itong sinasaksak ang mga beelzebub. Yuck, yellow. Yellow ang kulay ng dugo ng mga beelzebub and swear, para itong sipon o plema. Yuck!






Natapos na siya sa kanyang pag-patay sa mga beelzebub kaya ay lumapit siya sa aming tatlong babae. "Bumalik na kayo sa tahanan niyo, next time 'pag ganitong oras, kailangang nasa loob kayo ng tahanan niyo para hindi kayo maamoy ng mga beelzebub." And that gave me a hint na 'pag may flower ay hindi mapapansin ng beelzebub.





- - -





Napahiga ako sa kama matapos kong hubarin 'yung pointed shoes ko, napagod ako ngayong araw. Siguro hindi ako mamamatay ngayon dahil huhubarin ko naman talaga 'yung kuwintas ko so I'll be safe.







About sa kuwintas, well wala pa akong balak isauli iyon. Hindi ko alam kung kailan, pero natatakot ako na baka hindi na ako muling makakabalik dito. Na ito na 'yung huling adventure ko sa buhay dahil for sure ay paparusahan ako ng landlady sa nagawa kong 'to.







Nagiging uneasy na rin ako kasi kilig na kilig 'yung dalawang kasama ko, "Si Prince Carlos talaga, hindi talaga siya pumapalya sa pagpapa-kilig sa akin."






"Hotness overload!" Nag-de-daydream pa sila niyan ah. Parang hindi kami galing sa isang adventurous na happening sa life namin.






Prince Carlos? Well, he's cool pero I hate his guts on how he should help me. Oo nga at naturuan niya akong magpa-lipad sa sarili ko but it was my life being risked. Buhay ang nakataya ko 'non para lang turuan niya akong lumipad, eh hindi ko naman ito magagamit sa lupa eh.






Napa-buntong hininga nalang ako sa pinag-uusapan nila- sa pagpapantasya nila kay Prince Carlos, ano ba naman 'to, crush na crush nila si Prince Carlos ah. Para sa akin ay isa lamang siya'ng hamak na prinsipe but I still don't know what he's capable of. Wala pa ako'ng masyadong alam dito. Lalo na sa lugar at sa mga events.






- - -







Hindi ko namalayan na naka-tulog na pala ako, naramdaman ko nalang ang mahinang tapik sa pisngi ko. Unti-unti ko'ng naimulat ang mga mata ko at naaninag ko ang mukha nina Hera at Gretel. May suot-suot pa sila'ng apron. Agad ako'ng napa-bangon. "Ano'ng oras na ba?" Tila kinakabahan kong tanong. Hindi pa kasi ako kumain.







"Alas dose na." Naka-ngiting sagot ni Hera sa akin. Biruin niyo 'yon, inabot sila ng hatinggabi siguro sa pag-papantasya kay Prince Carlos. Napa-face palm nalang ako. Umayos na ako ng upo at inayos ko na ang sarili ko.







"Saan ka pupunta?" Tanong ni Gretel na naka-kunot ang noo at hawak ang sandok. "Kakain muna tayo." Sabi niya, napangiti nalang ako. Mabuti nalang at nag-luto na sila.







Umupo na ako sa cute na table, at feeling ko sobrang sarap ng ini-handa nila. Naaamoy ko pa 'yon, "Hmmm. Ang bango!" Puri ko sa pagkain.








Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang kabuuan ng pagkain, it seems unusual. Ngayon ko lang 'to nakita at para'ng exotic food ito'ng nasa harap namin. Shemay, what is this? Pero in fairness, mabango siya. "A-ano ba iyan?" Sabay turo ko sa pagkain'g inilapag niya sa table. Naka-ngiti ako para hindi mahalata na nandidiri ako.








"Cooked worms with honey." ASDFGHJKL! ANO?! WORMS?








Napa-kunot 'yung noo ko at yung asim ng mukha ko ang naipinta. Seryoso, worms? As in uod? "Joke lang! Binibiro ka lang namin, ano ka ba." Naka-hinga ako ng maluwag sa sinabi ni Hera. "Hindi 'yan worms 'noh, they're frogs with caramelized flavor."









WHAT?! Exotic food nga. For Christ's sake, ayoko naman'g kumain ng animal. Nakakadiri kaya. "Try mo, masarap! Promise!" Gretel crossed her heart pa.









"Oo nga, minsan nga lang tayo mag-luto ng palaka dahil may celebration tayo. Hayaan mo, bukas na bukas uod na 'yung ulam natin." Hindi ko na napigilan 'yung sarili ko at napahawak na ako sa bibig ko, para'ng anytime na ipagpapa-tuloy niya pa 'yung sasabihin ay masusuka na ako. "'Wag ka'ng mag-alala may snacks naman tayo eh, bayawak nga lang."









WHAT THE EF-FOOD?!

One Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon