Part 26

65 3 0
                                    

[A/N: Maga-update ako ngayon dahil... May naisip akong twist sa chapter na ituu. Mehehehe. 😏]






Part 26





Nasa kalagitnaan kami ng mga ulap na nangingitim-itim, ni-hindi kami nakakapag-usap dito ng maayos kasi mahangin at kumukulog pa. Sana naman hindi kami maabutan ng ulan. Or worse, bagyo. Pero sa sitwasyon ngayon, mukhang imposible pa kami'ng makaalis dito at maabutan talaga kami ng ulan.





"Pwede ba'ng sumilong muna tayo?!" Pasigaw na tanong ko dahil hindi kami magkakarinigan kung normal lang kami'ng mag-uusap. Hindi ko na nga sila naaaninag ngayon. Ilang sandali pa lang ang nakalipas ay muli'ng kumulog pero ngayon ay may kasama nang kidlat kaya pansamantala'ng lumiwanag ang paligid pero nakakapagtaka. Bakit wala na 'yung mga kasama ko? "Hera?! Gretel?! Nasaan kayo?!" Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil nag-iisa nalang ako ngayon dito.







Napahawak akong mabuti sa beelzebub ko pero hindi ko na ito mahawakan kaya nilingon ko ito. Jesus H. Christ! What happened? Bakit ako nalang mag-isa ang lumilipad ngayon gamit ang pakpak ko?! OMG! Where are they?





"U-uhh, G-gretel? Hera? Nasaan kayo? Prince Carlos, nasaan kayo? Prince Andres?" Hindi na ako mapakali, "Caleb? Hera? Uyy, 'wag nga kayo'ng manakot sa akin!" Mas lalo'ng lumakas 'yung pintig ng puso ko dahil wala'ng niisang sumagot sa akin kundi ang magkasabay na ulan, kulog at kidlat. Great, just so lucky. Napatingala ako pero hindi ko magawa dahil sa ulang pumapatak sa mukha at mata ko.





Muli'ng kumulog ng sobra'ng lakas at kasabay nito ang pagbasa ng buo'ng katawan ko at ang matindi'ng liwanag na nakakasilaw kaya napapikit ako. Bigla kong naramdaman ang pagtila ng ulan kaya muli kong ibinuka ang mga mata ko at tumingala. Salamat naman at may clear skies na.





Pero naramdaman kong nahuhulog ako kaya napayuko ako at laki'ng gulat ko ng palapit nang palapit na akong mahulog, agad kong pinalipad ang pakpak ko pero wala na ito sa likuran ko nang lingunin ko 'to. Teka, teka— "Aaaaahhhhhh!" Napasigaw nalang ako dahil tatama na ako sa basurahan.





At ang masaklap, matapos akong bumulagta sa basurahan na may gulong ay natumba pa ito na naging dahilan upang mapaharap akong nahulog sa lupa kasama ang mga basura na nasa loob nun. Napasinghal ako.





Ipinikit ko ang mga mata ko na nagbabakasakaling pagbuka ko ulit nito ay kasama ko na sina Hera pero shuta talaga. Ang baho na kaya napalibot ang tingin ko sa paligid kahit nakadapa pa ako. Sobrang basa ko pa. Shuta talaga marami'ng langaw na ang pumapalibot sa akin dahil sa mga basura sa paligid ko.





"Miss, are you okay?" Napatingala ako dahil sa lalaki'ng nakayuko sa harapan ko. Nakasuot siya ng tuxedo. Pinanliitan ko siya ng mga mata para makasiguro ko'ng tux nga ang suot niya.





Sa pagkakaalala ko, wala akong nakikita'ng nagtu-tuxedo sa Gond o kahit sa Zaroth man. "Uh, excuse me. Taga saan ka po?" Tanong ko sa kanya habang tinatanggap ang kamay niya'ng nakalahad para makatayo ako ng maayos. Pinagpagan ko ang damit ko na super ikli. Pero ang nararamdaman ko lang, sobra'ng higpit na ng suot ko.





Tumawa lang siya, "Makati. Miss, hindi po swimming pool 'tong basurahan." Tumawa siya muli, tse! 'Yung mukha niya para'ng basura. Andami'ng pimples!





Pero teka, sa Makati?





Makati Manila? Omg! Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong ang dami palang nagtataasang gusali sa paligid kapag lumabas ka sa rehas dito. Pero para namang tambakan ng basura tong kinatatayuan ko dahil sa mga kalat. Ibig ba'ng sabihin nito...





Agad akong lumabas sa barbed wire at nagtungo sa pinakamalapit na building na gawa sa glass. Ipinikit ko ang mga mata ko tsaka iminulat ito. Hindi. Hindi 'to pwede. Bakit ang taba ko na? 'Yung suot ko super tight na. Jusko po. Ayoko po.





Napatingala ako at sisigaw na sana nang bigla'ng may guard na lumapit sa akin. "Hoy! Umalis ka jan, bawal ang tambay dito!" Napairap nalang ako kasi nakakasakit ng tenga 'yung sigaw ni Manong Guard. Para naman'g nanakawin ko 'yung buong building nila, nakiki-salamin lang naman ako.





"Yads, ba't ka ba kasi nag-dive doon sa basurahan?" Natatawang sambit ng lalking nakasuot ng tuxedo, base sa pananalita niya, para'ng isa siya'ng pinag-halong lalaki at babae. Oh well, nakasunod pa rin pala 'to sa akin. And I just hope na totoo'ng beki nga ang isa'ng to. Pero ngayon ko lang narealize, bakit pareho 'yung boses nila kay Prince Andres at Prince Carlos?





Tiningnan ko ang lalaki ng maigi, mula sa marami'ng pimples niya'ng mukha hanggang sa sapatos niya'ng tic tac. Napakadisente ng kanya'ng kasuotan pero 'yung pananalita niya kanina ay parang normal lamang na mga beki sa lugar namin noon. Dito sa Makati.





"Ano nga'ng pangalan mo?" Tanong ko nalang sa kanya. Natatakot man ako sa magiging sagot niya ay kailangan ko itong malaman.





Tumawa siya, "Miss naman, ikaw ang dapat kong tanungin niyan, ngayon lang ako nakakita ng matabang babae na nag-dive sa basurahan." Yeah right, ipaglandakan mong mataba ako, at least maganda naman ako kumpara sa kanya'ng ang dami ng pimples.





Napabuntong-hininga ako. Gusto kong malaman kung sino ang lalaki'ng ito, at para magawa ko iyon ay kailangan kong sabihin sa kanya ang pangalan ko. "Athena." Sabi ko saka inilahad ang kanang kamay ko sa kanya.





Tinanggap niya naman ito habang sinasabi ang kanya'ng pangalan. "Carla." Muntik ko nang maibuga ang sarili kong laway kaya agad ko siyang binitawan at napahagalpak sa tawa. "Teka, patapusin mo ako. I'm Carlos, pero Carla nalang. Mas maganda at mas bagay sa akin ang pangalan na iteyy." Sabi niya habang may pahampas-hampas pa sa balikat ko at nag-cling pa.





Napalunok na lamang ako. Kung ganoon, bakla nga talaga siya. Pero Carlos? Carla? Tapos parehong kaboses niya 'yung kambal nga prinsipe. Aish, hindi naman siguro sila mapapadpad dito. Hindi sila mortal. Taga Gond at Zaroth sila kaya imposibleng nandito sila. Pero teka nga, ba't ako nandito sa Makati?





Makati?!





MAKATI?!





Ibig sabihin, nasa mortal world ako?! Ibig sabihin kaya ako tumaba kasi nagbalik na ako sa mortal world? Eh bakit nangyari 'yon? Agad kong hinawakan ang kuwintas ko at tiningnan ito sa gusali na may salamin kanina. Ganoon pa rin naman ito.





So ang ibig sabihin nito, hindi gumana 'yung plano'ng patagalin ang kuwintas hanggang sa kung kailan ko gusto? Gamoon 'yon di'ba?





Pero punyeta, kung ibabalik ako dito sa mortal world, aba dapat hindi ako mataba.





Ani ba kasi talaga ang nangyari kanina? Bakit ba ako muling napadpad dito?!





Naghahanap kami sa anak ni Athena. Pero sa isang iglap, mag-isa nalang ako at nahuhulog na ako. Natagpuan ako nitong si Carla o Carlos.





Ibig din ba'ng sabihin nito kaya dinala ako dito sa mortal world ay posibleng nandito 'yung anak ni Athena? Sana man lang kasi alam ko kung babae ba siya o lalaki.





At sana kasama ko sina Hera at Gretel dito. At kung pwede na din, sina Prince Carlos at Prince Andres, pati si Caleb at 'yung mga beelzebubs. Kasi kami'ng lahat dapat ang naghahanap sa anak ni Goddess Athena eh. Sana lang talaga mahanap na namin ito. Kahit hindi naman alam kung sino ito.


- - - - -

[A/N: Super natagalan ng update. I'm sorry guys for letting you wait. I just hoped you enioyed this chapter. Next part would be posted as soon as I get to have comments and votes from you. Aside from that, I wanna hear your questions for this part.]

THIS PART SERVES AS THE SECOND HALF BUT I JUST DECIDED TO MAKE IT AS A CONTINUATION FOR CHAPTER 25. YOU'LL KNOW WHY SOONER OR LATER 😉

One Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon