Epilogue
Umuwi ako galing sa trabaho ko. Yes, may trabaho na ako. Sobrang saya ko dahil magmula nung bumalik ako dito sa apartment na tinitirhan ko ay napagdesisyunan kong maghanap muli ng trabaho kesa magmukmok.
Alam kong hindi na ako muling makakabalik pa sa Gond o kahit sa Zaroth kaya hindi ko nalang sasayangin ang oras ko para maging malungkot at isipin masyado ang bagay na iyon.
Miss na miss ko na din ang Gond at Zaroth. Miss na miss ko na si Prince Carlos. Kamusta na kaya sila? Sana naalala pa din nila ako.
It's been 6 months since muli akong nakabalik dito sa prosaic's world for good. Wala na akong balita tungkol sa mga Gondians at Zarothians. Ako nalang din ang natira sa apartment na'to. Wala na si Landlady Yda. Miss ko na din siya kahit medyo masungit siya sa akin.
I was doing fine kahit mataba ako. Kahit ganito ang hitsura ko, sa wakas, natanggap na din ako. Mabuti nalang talaga at marunong akong magsulat ng nobela. Hay.
Tinatanggap ko na na hindi na ako magkakapamilya dahil ganito ako. Walang magkakagusto sa akin dahil mataba ako. Walang kahit sinuman ang tatanggap sa akin. Nakakalungkot isipin pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan.
Pinikit ko ang mga mata ko pero napabalikwas ako nang may kumatok sa labas. Hapon pa lang naman. Puputulan na ba ako ng kuryente? Ng tubig? Kababayad ko lang naman ah!
Dahan dahan akong bumaba upang tingnan kung sino ang kumatok. Naaninag ko ang isang bulto ng lalaki na sa tantya ko ay binata pa lamang.
Binuksan ko yung pinto, "Ano pong maitutulong ko... sa... in... yo? Prince Carlos?" Napatulala ako sa lalaking kaharap ko.
"Hmm. Gusto ko Carla kaso Carlos nalang. Hihi." Biro niya pero napaiyak ako.
Napahagulgol ako. "Ehh, Athena naman. Wag ka namang umiyak baka isipin nila inaaway kita." Niyakap niya ako ng mahigpit kahit na sobrang taba ko. "Isang taon. Sa wakas. Nagkita na din tayo." Sambit niya.
Pinatuloy ko siya sa apartment at naghanda ng miryenda, pero tinulungan niya pa ako.
Sobrang saya ko kasi nakita ko na muli ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Akala ko hindi ko na siya makikita.
"Kamusta na sa Gond at Zaroth?" Tanong ko.
"Naging mabuti na ang lahat. Wala nang Gond at Zaroth. Muling nagkaisa ang dalawang lugar magmula nung mawala ka. Magmula nung mawala ang kaligayahan ko." Napayuko naman siya sa nasambit niya. "Pero heto ako ngayon, nandito na sa harap mo. Pinakiusapan ko ang magaling ko na na ina at ang ama ko na manatili na dito sa mundo ng mga prosaic para makapiling ka. Hindi ko kakayanin ang mabuhay doon na wala ka. Masyado na akong nasanay, Athena. Nasanay na ako na nandoon ka. Kaya nung mawala ka, sinundan talaga kita. Kahit saan ka magpunta, pipiliin ko pa ring makasama kita." Sambit niya.
Napangiti naman ako habang dumadagundong na ang puso ko at abnormal heartbeat na naman. This man is making me lose my sanity.
"I missed you a lot." Sambit ko na lang sa kanya.
Ilang oras na ang makalipas ay nagku kwentuhan pa rin kami. "Carlos." Tawag ko sa kanya. Naging seryoso naman ang atmosphere.
"Hmm?" Tanong niya habang kagat kagat ang tinapay.
"Maaari ka bang dumito muna kahit isang gabi lang?" Pakiusap ko.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya. "Maaari bang dumito na ako habang buhay?" Nanlaki naman ang mata ko nang lumuhod siya sa harap ko. Napatayo naman ako sa ginawa niya at pilit siyang hinihila patayo. "Pasensya na. Wala akong dalang singsing. Kanina pa lang kasi ako nanood ng video sa youtube kung paano mag propose. Pero heto na..." tumikhim siya. "Athena... ang babaeng mahal ko. Ang babaeng kauna unahang bumihag sa puso ko, hinihingi ko ang kamay mo, ang puso mo. Pahintulutan mo akong alagaan ang mga iyan. Ang alagaan ka." Sambit niya habang hawak ang dalawang kamay ko.
Napaiyak naman ako dahil sa tuwa habang tumatango tango. "Oo naman!" Napaiyak ako lalo nang yakapin niya ako, pagkatapos ay tiningnan ako diretso sa mata ko.
"Hindi ko maipapangakong hindi kita mapapaiyak dahil tingnan mo, umiiyak ka na nga." Tumawa siya kaya napangiti ako. Ang gwapo niya talaga. Walang pinagbago. Siya ang prinsipe na una kong nakita. Hinalikan niya ako sa noo ko. "Mahal kita, Athena." Sambit niya tsaka siya tumitig sa aking mga mata. Unti-unti niyang nilapit ang labi niya sa labi ko. Inches nalang ang layo nang aming mga labi nang magsalita siya muli na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Mahal kita." Sambit niya muli... and his lips touched mine.
Nang makabawi ay kaagad akong napaluha at napangiti. "Mahal na mahal din kita, Carlos." Sambit ko at ako naman ang humalik sa kanya.
I know I'm fat. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako karapat dapat na mahalin. Naranasan kong maging normal nang mapunta ako sa Gond. Naranasan kong maging extraordinary nang mapunta ako sa Zaroth. Pero mas naging maganda ang karanasan ko dito sa prosaics' world dahil naranasan kong maging ako. Naranasan kong maging sarili ko.
Naranasan kong tanggapin ng lalaking mahal ko. Masasabi kong sapat na iyon para maging maligaya ako habang buhay. Ang babaw ng kaligayahan ko pero ganoon naman talaga siguro kapag hindi ka masyadong high standards. Kahit ang tanggapin ka lang ng taong mahal mo bilang ikaw, malaking kasiyahan na ang madadala sa puso mo niyan.
Kaya napakalaking pasalamat ko dahil nakilala ko si Prince Carlos. Dahil ako si Athena. Wala na atang mas sasaya pa sa akin.
Sa wakas, kapiling ko na si Carlos.
Kahit hindi ko nakita ang tunay na mga magulang ko, para namang tumayong magulang ko si Landlady Yda. Kahit hindi ko naranasang magkaroon ng kaibigan, naroon naman sina Hera at Gretel upang iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Kamusta na kaya sila? Sabi ni Prince Carlos, bibisita daw sila anytime soon. Yey!
I had a wonderful and adventurous journey in Gond and Zaroth na ngayon ay Vathor na dahil muli itong nagkaisa. I am very thankful kasi nakilala ko ang mga taong iyon. Miss na miss ko na sila. I can't wait to see them again!
Tinitigan ko si Carlos. "Tanggap mo ako kahit ganito ako?" Tanong ko sa kanya.
"I love evey bit of you. I accept all your flaws. I love your all. Don't ever doubt that." Napangiti ako habang hinahalikan niya ang noo ko. He showered me with kisses and at last, "Mahal na mahal kita, Athena. Maraming salamat sa lahat." His lips met mine.
END
* * *
Im sorry kung masyadong dull and boring ang ending ng story. :(
BINABASA MO ANG
One Magical Tale
FantasyGond. Zaroth. When you enter these places, everything will turn upside down. And your world will be opposite to the world you used to be. It's for you to find where you're going to blend in. She's Athena. Assigned to do the task she thought was impo...