Part 14

76 5 0
                                    

Part 14





"So, ano? Tara na?" Salubong sa akin ni Hera.





"Ano'ng tara na? Saan ka pupunta?" Tanong ko pabalik. This time, wala si Gretel. Doon siya natulog sa bahay ng Mama niya. Si Landlady Yda. Gusto lang nila'ng mag-bonding kaya ito kami ngayon, nasa bahay ni Hera.





"Hello? Pupunta kaya tayo sa Zaroth. Ano ka ba, nakalimutan mo?" Napakunot naman ang noo ko.





"Sasama ka sa akin?"





"Aba'y oo naman. Ano'ng tingin mo sa'kin? Hahayaan kita mag-isa? 'Di mo pa nga kabisado 'yung lugar eh. Tsaka baka mapano ka pa. And hello, adventure iteey." Masigla'ng sabi niya at hinila ako papalabas pero hindi ako nag-patinag. "Tara na, Athena. Naman oh! Ready na tayo'ng dalawa kaya let's go!" Sabi niya sabay irap at hila muli sa akin.





Tiningnan ko naman siya ng maigi. "Hera, no. Hindi ka sasama."





Umirap naman siya sa akin. "C'mon Athena, siyempre sasama ako."





"No. Wala'ng sasama sa akin." Pag-mamatigas ko at nag-handa na ng mga dadalhin ko.





"Oh yes, meron."





"No."





"Susunod si Gretel sa atin."





"What? No. 'Wag kayo'ng sumama, baka mapano pa kayo." Sabi ko at tiningnan siya ng masama.





"Hello. Payag ba kami'ng ikaw lang ay may masama'ng mangyari? Siyempre, damay-damay tayo." Sabi niya at ngumiti ng matamis. Ugh!





"No, Hera. Hindi. Kayo. Sasama. Ni. Gretel. Understand?"





"'Di ko maintindihan kaya sasama kami." Sabay wink niya. Haay! Nako po! Ang kulit niya ugh!





Hinila niya ako muli at nagsimula na kami'ng lumipad papalayo sa Gond.





Ilan'g oras na din kami'ng nag-lalakbay nang sumikat na ang hari'ng araw kaya napag-desisyunan namin'g mag-pahinga muna. Narinig ko naman'g nag-buntong hininga si Hera, "Haaay, ang init naman. Penge'ng tubig." Sabay lahat ng dalawa'ng kamay niya.





Kinuha ko ang tubig sa bagpack ko at ibinigay sa kanya saka binatukan. Napa-aray naman siya kaya inirapan ko nalang. "Sinabi ko naman kasi sa'yo di'ba. Na 'wag na'ng sumama sa akin. Edi sana hindi ka ngayon nagre-reklamo."





"Mukha mo, Athena. Di mo rin ako mapapabalik 'dun sa bahay kasi ang layo na natin. In fact, kung hindi kita sinamahan, malamang, naligaw ka na." Sabay ngisi niya sa akin. Oo nga 'no. Hindi ko alam ang daan patungo sa Zaroth. Ang bobo ko. Hayst!





Kumain muna kami ng agahan at tsaka nag-simula na naman'g lumipad. Napadpad kami sa isa'ng batis. Ang ganda. Nilapitan ko iyon at nag-salamin. Ganoon din ang ginawa ni Hera.





Maghi-hilamos na sana ako nang pigilan niya ako. "Bakit?" Saka niya binitawan ang kamay ko sa pag-pigil niya. Hindi niya ako sinagot, sa halip ay kumuha siya ng damo sa gilid namin at hinulog doon. Tumaas ang kilay ko. "Wala naman'g nangyari?"





Pero maya-maya lang ay umikot ng umikot ang tubig sa batis kaya napalayo ako kaagad, tapos may mga kamay na kulay green na may kaliskis na pilit inaabot kami. "Tara na!" Sigaw ni Hera at hinila ako palipad.





One Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon