Hey OMT readers!
I've been editing some of the chapters since marami'ng mali akong nakikita. I hope you'd understand that I can't update as fast as you like. But hey! I have good news; I WILL NOT DELETE THIS STORY. I WILL FINISH THIS, though I know kaunti lang ang nagbabasa kasi boring pero gusto ko pa ring mag-shout out sa mga OMT readers na nagvo-vote, naga-add sa kanilang Reading Lists and I also hope na mag-comment kayo. Voice out your opinion because it matters a lot to me. I accept minor harsh words but please take it easy on me, I'm just a young amateur writer and I can't write as good as the other writers, but I'll do my very best to make it okay and to satisfy myself as I always write when I am frustrated. The edited parts of the chapters are the grammars, spellings, typographical error and etc. So it means that the plot of the story haven't changed even if you haven't re-read the edited parts, so nothing to worry about. I hope you'd appreciate this story and support until the end.
Love,
Chase* * *
Part 27
"Nakakapagtaka dahil doon din kami nahulog sa basurahang iyon." Mahinang sambit ni Carla— Carlos, whatever.
Nilingon ko siya. "Bakit? Kailan ka ba nahulog doon?" Tanong ko sa kanya kaya nagulat ata siya na narinig ko yung sinabi niya kanina.
"Last week lang." Sambit niya saka bahagyang inikot yung mata niya. "Duh." Dagdag pa niya.
Hindi ko nalang pinansin 'yung pagtataray niya sa akin at sa halip ay mas umasa pa ako na may iba pa siya'ng kasama na nahulog. "Sino'ng kasama mo'ng nahulog?" Tanong ko. Tinatagan ko na ang loob ko.
"Si Andres at Caleb." Sagot niya at napatingin na din sa akin na nakataas ang kilay. Baklitang 'to, tinatarayan pa ako. "Bakit ka nahulog? Saan ka galing? Sa langit?" Sunod-sunod niya'ng tanong kaya ako naman ang umirap sa kanya. "Oy, matabang mataray, 'wag moko'ng ganyanin." Sabi niya at humalukipkip at nagpatuloy na naman kami sa paglalakad.
Hindi ko nalang siya pinansin at sa halip ay pinagtagpi-tagpi ang mga nangyayari. Maaari kaya'ng galing din sina Hera at Gretel doon? O kararating lang? Bakit ba kasi hindi kami nagkakasabay-sabay na nahulog.
"Oh siya, may kilala ka ba'ng babae'ng maganda, eto." Pinakita niya sa akin ang isang missing poster at doon ko nakita ang sarili ko— bilang si Athena na taga Eighth residence ng Gond.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi hinahanap din pala ako ni Carla o kasi hindi ko pa alam ang katotohanan kung siya ba talaga si Prince Carlos dahil iba'ng-iba ang mukha niya. Napakaraming tigyawat, at— hindi ko nalang ii-explain.
"May hinahanap ba kayo'ng anak ni Athena ng babae'ng 'yan?" Tanong ko sa kanya.
Bigla namang nanlalaki ang mga mata niya at biglang tinuro sa akin ang missing poster na gusot-gusot dahil galing ito sa pagkakalagay ng kanyang bulsa sa slacks niya. "Paano mo nalaman?! Sino ka?!" Tanong niya.
"Ako si Athena." Sambit ko. "Ako ang babae'ng 'yan." Pagkasabi ko 'non ay bigla siya'ng napahagalpak sa tawa. "Ano, hindi ka ba naniniwala?" Iritadong tanong ko.
Hindi niya ba rin alam na siya si Prince Carlos ng Gond? Na may kakambal siya'ng namamahala sa Zaroth? Mawawalan ba ng alaala ang taga Gond at Zaroth kapag nandito na sila sa mundo ng mga mortal? Pero paano si Landlady Yda? Bakit niya pa rin ako kilala nang tumuntong siyang muli sa Gond?
"Hindi iyon." Tumawa siya muli pero pinabayaan ko na siya kaya kinalaunan ay tumigil na siya at pinunasan ang mga matang naluluha-luha na. "Hindi lang ako makapaniwala na ikaw pala si Athena na may sobrang ganda ng katawan sa Gond. Sa bagay, lahat ng kamalian sa pisikal na kaanyuan mo ay magiging perpekto sa Gond o kahit sa Zaroth man lang." Mahabang paliwanag niya.
Malinaw na sa akin ang lahat ngayon. Wala siyang nakalimutan. Hindi na ako nagsalita pa dahil alam ko na naman na. Nagbago lang talaga kaming dalawa ng anyo.
"Halika friend, puntahan natin si Andres." Hinila niya ako na may pa sway-sway. Baklita'ng to.
Naglalakbay lang kami nang ilang minuto nang maramdaman ko na ang pagod. Sa taba ko ba namang ito, tiyak madali ka talagang mapapagod.
"Kung sumakay nalang kaya tayo?" Tinuro ko pa yung mga jeep at taxi. "Mayaman ka naman diba, naka-tuxedo ka pa nga." Komento ko. Yung tuxedo niya, may flower sa bandang dibdib.
Huminto siya saglit at lumapit sa pisngi ko ang bibig niya. Napasinghap naman ako. "D-diba, bakla ka dito?" Paninigurado ko.
"Wag kang maingay ah, pero wala akong pera..." At lumayo na siya sa pisngi ko.
"Pfft!!! Hahahahaha!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko at napatawa ako. Akalain mong naka-tuxedo siya tapos wala siyang pera sa lagay na iyan? At kaya lumapit siya sa akin para ibulong iyon? Akala ko naman... May gagawin siya sa... Nevermind.
"Selencyo, Athena." Napatahimik nalang ako kasi napipikon na din si Carla. Pero pinipigilan ko pa rin ang tawa ko.
Ilang minuto pa kaming naglakbay hanggang sa mapadpad kami sa gubat na hindi pamilyar, malayo-layo din kasi ang aming nalakbay ni Carla.
"Halika dito Athena." Wika ni Carla at humarap sa malaking puno.
"Anong gagawin natin dito?" Bored na tanong ko habang tinitigan ang puno. Harujusko, ang akala ko ay hahanapin namin ang mga kasama namin sa pag-hahanap kay Athena, tapos tutunganga lang pala kami sa harap ng isang malaking kahoy. Napakalaking kahoy na hindi mayayakap ng isang tao. Creepy. Ang dami din kasi'ng dahon sa itaas ng puno na 'to. Nag-iisang klaseng puno pa. Kaya kahit hindi ito mapapansin dahil madaming puno dito, mapapansin mo naman ito dahil katangi-tangi ito dito.
Umirap si Prince Carlos— Carla sa akin at saka niya tinuro yung taas ng puno. Yung maraming dahon. "Malamang, aakyatin natin para mapunta tayo sa tree house, noh?" Sarkastiko siyang tumingin sa akin ng masama at nauna nang umakyat ng puno.
"Ay! PMS lang, bakla?" Umirap din ako at pahirapang umakyat sa hagdanan na iyon. Muntik pa akong mahulog pero mabuti nalang at nakakapit ako sa paa ni Carla kaya nagpatuloy kami sa pag-akyat.
Tatlong minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa tree house. Isang malaking tree house. Hinihingal pa ako habang nililibot ko ang paningin ko hanggang sa mahagip nito ang apat na tao. At kilala ko sila.
Napangiti ako. Nakita ko na sila muli. Sa wakas!
* * *
[A/N: I'm so sorry kung sobrang bagal na ng update ng One Magical Tale. Na-writer's block kasi ako. Pero pagsisikapan ko naman na maghanap ng free time at mag-imagine ng maaaring madagdag na scenes ng OMT.]
[Special Dedication: To all.
Marami'ng salamat sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta ng OMT. Nag-babasa, magbabasa, nagv-vote, magv-vote, nagc-comment, at magc-comment. Maraming salamat sa time na inilaan niyo para dito sa pagbabasa ng isang walang kwentang fantasy story na walang matinong plot (pero pinaghirapan naman). Sa inyo din ako kumukuha ng inspirasyon para mag-update kaya mag-comment at mag-vote kayo kung nagustuhan ninyo. At kung hindi naman, ay maaari ninyo akong bigyan ng advices through private messaging me. Maraming salamat sa patuloy na pagsusubaybay ng One Magical Tale! Love na love kayo ni Chase! (Which is ako).]
BINABASA MO ANG
One Magical Tale
FantasyGond. Zaroth. When you enter these places, everything will turn upside down. And your world will be opposite to the world you used to be. It's for you to find where you're going to blend in. She's Athena. Assigned to do the task she thought was impo...