Part 33
Ang masaklap ngayon ay hindi kami magkakasama'ng nakatago. Kami'ng dalawa ni Prince Carlos ay nandito nagtatago sa likod ng isang malaking puno, hinila niya kasi ako papunta dito. Magkakasama naman sina Landlady Yda, Gretel at Prince Andres. Habang si Hera, hinila siya ni Caleb kanina. Lahat kami ay nakatago sa magkaibang puno. Nakikita namin ang isa't-isa kaya kahit papaano ay pabulong kami'ng nagkakausap kung paano namin matatakasan ang mga beelzebubs sa itaas. Hindi pa din kasi sila umaalis at pakiramdam ko'y naamoy na nila kami dahil hindi inaalis ang tingin nila sa mga puno'ng pinagtataguan namin.
"Nandyan pa ba?" Pabulong na tanong ni Prince Andres sa kaharap naming puno, tumatango naman kami dahil ayaw na naming gumawa pa ng ingay. "Paano kung paamuhin ko nalang sila? Tutal, kaya ko naman dahil may mga beelzebubs din kami sa kingd—" napansin ko nalang si Prince Carlos na nag-glare sa kanya.
"Nababaliw ka na ba? Magkaiba ang oras sa mga prosaic kaysa dito. Tsaka, nagtagal tayo doon kaya iba na talaga dito. Hindi na natin mapagkakatiwalaan 'yang mga pinagkakatiwalaan natin noon." Napatango nalang ako. Tama nga naman kasi si Prince Carlos eh. Okay lang sana kung kilala pa si Prince Andres ng mga beelzebub na 'yan. Dahil pakiramdam ko, mga bago 'tong beelzebub na 'to eh. May pagka-berde pa kasi 'yung kulay. Habang 'yung mga ordinaryo'ng beelzebub na nakita ko noon ay kulay kayumanggi.
"Eh, paano nga tayo makakaalis dito?" Singit naman ni Gretel na katabi ni Landlady Yda. Para kami'ng mga walang boses na nags-sign language at pabulong na nag-uusap.
"Sige, ganito." Napalingon naman kami sa kabila'ng puno dahil nagsalita si Caleb nang pabulong. "Isa-isa tayo'ng pupunta sa mga puno na 'yan hanggang sa dulo ng Jungle of Zaroth, o kaya kapag hindi na natin sila matatanaw. Maliwanag ba?" Tumango-tango kami'ng lahat. Hindi na din kami umangal dahil wala naman nang ibang paraan para makaalis pa kami dito. "Ako muna ang mauna. Magsi-signal ako kung kailan kayo isa-isa umalis basta ba ay sumunod kayo sa akin." Tumakbo na si Caleb papunta sa napakalaking kahoy na 'yon, at pakiramdam ko naman ay hindi siya nakita ng mga beelzebub. Lumingon siya sa amin nang maabot na niya ang destinasyon niya, "Sumunod ka, Hera." Sumunod naman si Hera. Hanggang si Prince Carlos nalang ang hinihintay namin. "Halika na, Prince Carlos."
Tumapak naman si Prince Carlos pero naapakan niya 'yung tuyo'ng dahon na gumawa ng napakalakas na ingay, dala na rin ng pagkaka-tahimik namin. Napalunok kami'ng lahat. Tiningnan namin 'yung mga beelzebub sa itaas at nakatingin na din sila sa amin.
"Takbo!" Sigaw ni Prince Carlos kaya napatakbo kami'ng lahat palayo sa direksyon ng mga beelzebub. Napalingon naman ako sa likuran namin, at nakasunod 'yung mga beelzebub. Ngayon, mas dumami ata sila. Walo na sila'ng lahat. Jusque! "'Wag kayo'ng lumingon! Takbo lang!" Sigaw muli ni Prince Carlos kaya napaharap nalang ako muli sa dinaraanan namin at tumakbo ng malakas.
Pero dahil mas malakas tumakbo ang mga lalaki, nauna sila sa amin at muntik na kami'ng maabot ng mga beelzebub— kami'ng mga babae. Pero naghawak-kamay kami'ng lahat para makatakbo kami ng maayos. Sakto'ng si Prince Carlos at Prince Andres ang humawak sa akin, pero wala na akong time kiligin o maging hambog kaya nagpatuloy lang kami sa pagtatakbo hanggang sa natanaw na namin ang lagusan palabas ng Jungle of Zaroth. Maliwanag na kasi doon at maingay pa.
Nang makarating na kami doon ay nanlumo ako dahil marami'ng tao ang nagsasaya. Mga fairies. Nakalipad sila habang sumasayaw at tumutugtog ng musika. Maganda naman dito, nais ko pa nga sana'ng mag-hang out sa kanila pero hindi na dahil narinig na namin ang mga paparating ne beelzebub.
"Kayo'ng lahat! Makinig kayo!" Napalingon naman ang lahat kay Prince Andres na nagtataka. Nakabalik na pala si Prince Andres?. Nandito na si Prince Andres!. Mag-bunyi!. Ganyan 'yung mga naririnig ko pero, "Paparating na ang mga beelzebub! Mga kawal, sugurin sila!" Siguro ay nasabi din 'yon ni Prince Andres dahil wala din kami'ng armas kaya hindi namin malabanan ang mga beelzebub kanina.
Nagsilabasan naman 'yung mga kawal at pumasok na sa lagusan patungo sa Jungle of Zaroth. Wow. Akala ko, nag-iba na ang mga pangyayari at pakikitungo ng mga Zarothians. Hindi pa pala. "Kinikilala ka pa rin nila." Komento ko.
"Siguro," sagot naman ni Prince Andres at napaupo nalang sa malaki'ng bato.
Napabuntong-hininga— halos kami'ng lahat at sabay din na napaupo sa lapag. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod kakatakbo.
"Teka, Prince Andres, Caleb. Mukha'ng nagkakasiyahan ata ang mga Zarothians." Tanong ni Hera.
"Hindi ko din alam." Sagot ni Caleb at Prince Andres.
"Makisali kaya tayo?" Tanong naman ni Gretel habang nagniningning 'yung mga mata na nakikinig sa tugtog at tinitingnan 'yung mga nagkakasiyahan.
"Oo nga no." Sang-ayon ko dahil gusto ko din makihalubilo sa kanila, baka makita ko si Unknown dito, 'yung anak ni Diyosa Athena.
"Pero magtanong-tanong muna tayo kung ano ang ginaganap na selebrasyon. Mukha'ng wala pa naman dito ang inyo'ng ama'ng hari, mga prinsipe." Sambit ni Landlady Yda at tumayo. "Tara, samahan niyo ako." Tumayo na din kami'ng lahat at nakasunod lamang kami kay Landlady Yda na papalapit sa mga Zarothians.
Huminto kami nung binigyan kami nung parang taga-serve nila ng pagkain. Waitress. "Ah, ano po'ng kaganapan ngayon?" Tanong ni Landlady Yda sa Waitress.
Nangunot naman 'yung noo ng waitress, "Hindi niyo ba alam? Bumisita ang reyna ng Gond para sa huli'ng paalam niya." Nilingon niya kami'ng lahat hanggang sa natanaw niya sina Prince Carlos at Prince Andres. Nagulat pa siya at napasinghap. "N-nagbalik ho kayo." Tugon niya hanggang sa kinuha na niya ang lahat ng atensyon ng mga tao doon.
"Ano'ng ginagawa niya?" Nagtatakang tanong naming lahat.
"Hindi ko rin alam. Ba't ba siya naghe-hysterikal?" Hindi kami mapalagay hanggang sa tumikhim na siya.
"Nandito na sina Prinsipe Andres at Prinsipe Carlos! Maaari pa'ng mailigtas ang mahal na reyna!" Masayang pahayag niya at napatingin sila'ng lahat sa dalawang prinsipe. "At kapag maayos na ang lagay ng mahal na reyna, mabubuo muli ang kahariang Vathor!" Nagdiwang pa siya pero may tanong sa isip ko na naibulalas ko.
"At babalik din ba sina Diyos Zeus at Diyosa Athena?" Tanong ko.
"Maaaring hindi, maaaring oo."
***
[A/N: Hey guys! I just want you to know na may ginawa po akong bago'ng story, kapareha po siya ng Terrible Things na short story. It's called 'It All Starts With A Nescafè'. Lame? Nah, I don't think so. You might wanna read that kasi may twist doon. Not your ordinary love story, mehehehe! And regarding One Magical Tale's plot, I might add another plot twist or just continue with the boring scenes, haha! Anyway, I hope you liked this part and if you do, please vote and comment you opinions, do not be afraid. If you have some trouble in the lines, go and comment. Let's discuss about it because I am not a PRO writer, haha! So, yazzz, let'z get thiz done! -Chase💕]
[PS. If you have some trouble about my spacing kasi sobra'ng haba eh, you might
BINABASA MO ANG
One Magical Tale
FantasyGond. Zaroth. When you enter these places, everything will turn upside down. And your world will be opposite to the world you used to be. It's for you to find where you're going to blend in. She's Athena. Assigned to do the task she thought was impo...