Part 35
"Hindi ko po alam. Pero galing po ako sa mortal world kaya imposible iyon." Sambit ko.
"Siguraduhin natin, Mahal kong reyna." Lumapit ang Hari kay Landlady Yda. "Aphrodite—" hindi pa siya nakakatapos ay nagsalita na si Landlady Yda.
"Hindi ko po alam, mahal na Hari. Maging ang kapatid kong si Athena ay hindi ko na maalala. Lahat ng nasa nakaraan ko, simula nung mawala sila ay nawala na din sila sa alaala ko. Hindi ko alam kung bakit." Napatango naman ang hari.
"Tatlo'ng solusyon nalang ang natitira." Sambit 'nung hari. "Magpapadala na ako ng mga kawal at ipapahanap ko sila."
"A-anong solusyon, Ama?" Tanong ni Prince Andres.
"Ipapahanap ko sina Kloto, Lutesis at Atropos. Dahil wala na si Hari'ng Zeus, wala tayong iba'ng magagawa kundi lumapit sa mga parkas na iyon." Sagot ng Hari.
Nagkalingunan sa isa't-isa sina Prince Carlos at Prince Andres saka napatingin ulit sa ama nila na hindi makapaniwala. "Ano?! Eh, hindi mahahanap ang mga parkas ng ganun-ganun nalang. O kahit mahanap natin sila, kahit ilang daang Kale at Chips ang ibigay, maaaring manghihingi sila ng mas mabigat na kahilingan. Maaari'ng katapusan na ito ng kaharian ng Gond at Zaroth." Pasigaw na salita ni Prince Carlos.
"Kahit ikamamatay ko, mailigtas lang ang ina niyo, gagawin ko." At tumalikod na ang Hari sa amin at inutusan ang mga kawal na hanapin ang tatlong Parkas.
Agad sumunod si Prince Andres at Prince Carlos na parang nagising sa kailangang gawin. Dahil kahit kailan, ina pa rin nila ito.
"Ama, maari ba kaming tumulong?" Kaagad na humindi ang Hari pero nagpumilit ang dalawang prinsipe na tila nagkasundo ngayon. "Alam namin kung nasaan ang dati'ng lugar ni Kloto noon." Sambit nito.
"Nawala kayo ng ilang buwan dito. Maaaring nagbago na ang kanyang tinitirhan o umalis na siya." Tumalikod na ulit ang hari kaya bumalik nalang ang dalawang prinsipe sa amin na na disappointed ang mga mukha.
Kahit naman kasi ako, gusto ko ding tumulong. Aside sa mababawasan ang parusa ko, maaaring malaman ko din ang katotohanan ng agad-agaran. Kung ako ba ang anak ni Diyosa Athena o hindi. Isanh malaking kawalan nga na hindi maalala ni Landlady Yda o diyosa Aphrodite ang mga alaala ng nakaraan kagaya ng kanyang kapatid na si Diyosa Athena. Maaaring siya ang makakapagbigay kasagutan. Pero malabong mangyari kung hindi niya naalala.
Nagsialisan na ang mga kawal at umalis na din ang mahal na reyna, sumunod siya sa hari kaya naiwan kami dito na nakatayo at nakatanga lamang.
Maging ako, hindi ko alam ang gagawin ko kaya napaupo nalang ako ulit. Ganoon din ang ginawa ng iba. Hanggang nalaman ko nalang na nakatingin na silang lahat sa akin. Nangunot 'yung noo ko.
"Ikaw ba talaga ang anak ni Athena?" Tanong ni Landlady Yda at sinusuri akong mabuti. Well, hindi ko alam kung tanong ba 'yon o salita.
Umiwas ako sa mga tingin nila at napayuko. Napabuntong hininga ako. Ayoko namang sabihin sa kanila na ako nga ang anak ni Diyosa Athena, dahil wala nga naman akong proweba. Maliban nalang doon sa napanaginipan kong ako ang anak niya. Pero hindi ko din sasabihin ang tungkol doon. Ayokong bigyan sila ng false hope.
"Prince Carlos, may napili ka na bang babae na papakasalan?" Tanong ni Landlady Yda. "Lumipas na ang takdang araw para magpakasal ka."
Tumingin naman si Prince Carlos isa isa sa amin at tumigil siya sa akin, pero tumingin ulit siya kay Landlady Yda. "Sa totoo po niyan, sa tingin ko po ay may nagustuhan na po ako. Pero kukumpirmahin ko muna ang nararamdaman ko." Hindi ko alam kung bakit bigla'ng humigpit 'yung puso ko. Para ba'ng may sumasakal nito. At hindi ko 'to gusto.
Ibinaling ko nalang ang titig ko sa chandelier. Ayoko'ng tingnan si Prince Carlos. Naaalala ko pa na ginagamit niya lang ako para mahanap si Athena. Pero may parte din naman na ginamit ko siya para din makita si Athena. Dahil kapag kasama siya, mas mapapabilis ang pag-hanap ko sa kanya.
Pareho lamang kami'ng may kailangan sa isa't-isa.
Tumitig ako sa chandelier, maging ang buo'ng paligid ay sobra'ng tahimik. Hanggang sa kumalabog ang lupa, senyales na may papalapit sa aming marami. At hindi ako nagkakamali, the kingdom's soldiers were approaching toward us with weapons all over their body.
Naalarma kami'ng lahat. Nagsalita na 'yung nangunguna sa linya, "Athena ng Eighth Residence, Gond Land. Inaaresto ka namin sa kadahilanang pagpasok mo sa mundo na hindi dapat ay sa iyo." Kinilabutan naman ako sa malalim na tinig na iyon.
Sa isang iglap, kalahati ng dami nila ang papalapit sa amin, hinawakan nila kami— ako, para arestuhin. Sila— para hindi makapalag na aarestuhin ako.
"Teka! Wait lang, so kapag kayo ang tumapak sa mundo namin, okay lang?" Ngumiwi ako sa sinabi nila kanina pero napahalakhak sa isip ko nang makita ko ang ekspresyon nila sa nasagot ko.
"Tumahimik ka bata, kung hindi lang ibinilin sa amin ng hari na huwag kang saktan, malamang ay matagal na kita'ng napakain sa mga beelzebub sa labas ng kaharian!" Banta sa akin nito.
"Hoy! 'Wag mo siya'ng takutin ng ganyan!" Sigaw ni Prince Carlos sa nagbanta sa akin.
"Oh? Bakit? Ano'ng gagawin mo? Hoy, isipin mo'ng wala kang karapatan sa kaharian na ito dahil isa kang Gondian!" Nakilala niya rin ito marahil na rin sa suot niya'ng korona.
"Aba't gusto mo duel tayo?!" Hamon ni Prince Carlos saka ini-ready ang hawak niya'ng espada at itinutok ito sa kalaban.
Umatras naman halos ang lahat sa nasaksihan. "Ah eh, duet nalang Prince Carlos. Hehehe!" Sambat nito kaya napatawa ako.
"Duwag ka pala eh! Ano'ng silbi ng espada mo?!" Tumawa ako ng tumawa kahit ramdam na ramdam ko na ang galit niya'ng tingin na ipinupukol sa akin.
Halos marinig ko na sila Gretel at Hera na pinaaalarma ako. Lagot daw ako kasi sinabihan ko ng ganoon ang kawal. Pake ko ba?! Ang lakas ng loob kasi sigawan ang prinsipe, tapos kapag hinahamon, umaatras naman. Duwag.
"Dakpin siya at ikulong sa pinakamalayo'ng parte ng kulungan!" Sigaw ng kawal at naramdaman ko na ang mga kamay na mahigpit na humahawak sa akin at dinadala ako palayo.
BINABASA MO ANG
One Magical Tale
FantasíaGond. Zaroth. When you enter these places, everything will turn upside down. And your world will be opposite to the world you used to be. It's for you to find where you're going to blend in. She's Athena. Assigned to do the task she thought was impo...