Part 28

57 3 0
                                    

Part 28

(Sorrow and Goodbye)





Nangungunot yung noo nila Gretel habang nakatingin sa akin. Marahil ay hindi nila ako nakilala. Pero sa tingin ko ay may hint na sila. Nasabi ko na kasi sa kanila ang dahilan kung bakita maluwag yung suot ko nung time na binihisan pa nila ako sa Eighth Residence. Mataba nga kasi ako.





"Athena?" Takang tanong sa akin ni Gretel habang lumalapit sa akin.





Tumango naman ako at lumapit din sa kanila. "Gretel." Pinagmasdan ko siyang mabuti, ganoon pa rin naman si Gretel, sakto lang yung katawan pero sobrang kulot, may suot na nerdy glasses, may braces, sobrang habang palda at sobrang laking t-shirt. "Nerd ka pala dito sa mortal world." Komento ko at napatawa naman silang lahat sa nasabi ko.





"Kaya pala napakalaki ng iyong kasuotan nung una tayong nagkita." Nilingon ko naman si Hera na nagsalita. Ganoon pa rin naman yung mukha niya nung una kaming nagkita pero ang liit niya. I mean, pandak siya. Tsaka chubby din.





"At kaya pala ang tangkad mo nung nasa Gond pa tayo." Komento ko ulit at tumawa ng bahagya. Kumunot yung noo nila, "Kasi nga diba, sabi niyo, yung nakasulat sa libro sa library ng Gond ay kapag naka-pasok ka na sa portal ng Gond. Lahat ng flaws mo, mawawala. Especially, 'yung mga noticeable sa mga tao and fairies." Iyan yung eksaktong sinabi nila sa akin noong bago pa lamang akong naninirahan sa Gond.





Pero hindi na importante iyon. Ang mahalaga ay nakita ko na silang muli. Napatingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na isang malaking tree house din pala ito at may maraming prutas na naka-display sa isang mantel sa sahig. Hindi naman kasi ito ka-size ng bahay o kasinlaki ko. Nakatayo sa gilid yung dalawang lalaki na sa tingin ko ay si Caleb at si Prince Andres.





Lumapit ako sa kanila. "Caleb? Prince Andres?" Paninigurado ko. Tumango naman silang dalawa at ngumiti sa akin. Same smile na nakikita ko sa mga mukha nila noon.





Si Prince Andres ay nagkaroon ng marami'ng tigyawat sa mukha at naging sobrang payat siya. Pero kung mawawala yung tigyawat niya, paniguradong gugwapo siya. Kaya pareho sila ni Prince Carlos ay dahil magkakambal sila.





Ano nalang kaya kung may kakambal din yung mga asawa nila.





At ngayon na naisip ko ang tungkol sa pag-aasawa ay napalingon ako muli kay Prince Carlos. "Diba, ikakasal ka na, Prince Carlos?" Tanong ko. Kailan nga ba ulit yun? Dalawang linggo ata yun eh. At tatlong araw nalang ay gaganapin na ang ball para pumili ng bride si Prince Carlos.





"Ah oo. Baka mahanap naman natin yung anak ni Athena diba. Si unknown. Sana lang talaga ay madali lang nating magawa ang misyon na ito dahil nanganganib ang buhay ng inang reyna ko dito." Sagot naman ni Prince Carlos na seryoso na at lumalabas na yung pagiging lalaki niya.





Tanong ko lang, maaari ba'ng magbago talaga ng tuluyan ang pisikal na anyo ng mortal na tao kagaya nung nasa Gond at Zaroth? Paano kung mag-work out ako, maaari ba akong maging sexy muli kagaya nung nasa Gond at Zaroth pa ako? Pero kay hirap namang gawin 'yon. Napakahirap para sa isang napakatabang babae na katulad ko.





"M-may nakita ka na ba'ng maikakasal mo, Prince Carlos?" Napalingon ako sa tanong ni Gretel. Parang kinakabahan siya na ewan. Ah kaya pala, crush niya nga pala si Prince Carlos.





Napakamot naman sa ulo si Prince Carlos, "Ah eh, wala pa. Wala akong mahanap. Pero..." Hindi niya itinuloy yung sinasabi niya at parang nag-isip ng malalim. "Pakiramdam ko, malapit ko na siya'ng makita." At ngumiti sa kawalan. Daydreaming teh?





"Marami naman kasi talaga'ng babae diyan, Prince Carlos. Kailangan mo lang talaga'ng lumingon-lingon sa paligid." At tinaas-baba pa ni Gretel ang kilay niya. Harujusko, galawang lalaki na 'to ah. Pero sumeryoso siya ulit. "Kasi nga diba, kailangan mo nang maghanap ng bride mo bago sumapit yung itinakdang araw para pakasalan kita— este magpakasal ka. Para din ito kay Queen Dandelion." Napatango-tango naman kami'ng lahat sa huling nasabi ni Gretel. May punto siya doon. Kailangan ni Prince Carlos ng isang bride para matulungan na maghanap ng antidote.





"Teka, teka. Kailangan din naman ipakasal si Andres ah!" Biglang angal ni Caleb kaya napanganga ako. Ang magkakambal na prinsipe pala ang kailangang ikasal. "Tatlong araw nalang, kailangan na niyang maghanap ng babaeng pakakasalan niya!"





Kumunot yung noo ko. "Bakit siya magpapakasal?" Nang ma-realize ko yung nasabi ko ay napatakip ako ng bibig ko. "I mean, ano ang dahilan? Diba, si Prince Carlos, kailangang magpakasal para makahanap ng antidote. Eh paano naman kay Prince Andres?" Pagliliwanag ko sa kanilang lahat para hindi nila mabigyan ng malisya ang unang sinabi ko.





Ngayon, si Prince Andres na ang sumagot habang kinakamot yung ulo niya. "Kailangan kong magpakasal para mahanap na ang lumason sa ina ko." Bale walang sagot niya. "Sa totoo lang, dapat labas na ako dito dahil taga Zaroth ako. Pero ina ko ang pinag-uusapan dito at kailangan kong gumawa rin ng paraan para mabalik sa dati ang buhay niya. Para maisalba din siya at para mahuli na din yung gumawa nito sa kanya. Sigurado akong isang wizard o witch ang may gawa nito at taga Zaroth dahil nandodoon lamang ang mga marunong gumawa ng spells."





"Pero paano naman natin magagawa iyon kung pinapahanap pa sa atin si Unknown? Yung anak ni goddess Athena?" Tanong ni Hera sa amin.





"Iyon nga ang problema. Sa tingin ko may kailangang dapat unahin bago gawin yung isa." Sagot ni Prince Carlos pero nakapag-isip na ako.





Yumuko ako. Nagi-guilty na ako. "Pasensya na kayo." Panimula ko at napatingin silang lahat sa akin. "Pasensya na kung nadamay kayong lahat sa kagustuhan kong manatili sa Gond. Sapat na ang inyong nagawang pagtulong sa akin. Ako ang dahilan kung bakit kayo napadpad dito dahil inutusan tayo ni Kloto na hanapin ang anak ni goddess Athena. Pero hindi na natin ipagpapatuloy iyon. Salamat sa inyo. Sa maikling panahon, sumaya ako. Naranasan kong maging normal sa isang extraordinary world. Huwag niyo nang ipagpatuloy ang paghahanap sa anak ni Goddess Athena. Dahil kung para dito talaga ako sa mortal world, dito talaga ako titira. Pero wala akong magagawa kung tadhana na ang nagdidikta." Inangat ko ang tingin ko at inisa-isa ko silang tiningnan. "Gretel at Hera, naging mabuti kayong kaibigan sa akin. At palagi nalang kayo ang tumutulong sa akin. Ngayon, pwede niyo na akong pabayaan. You're free now." Ngumiti ako sa kanilang dalawa pero umiling sila, aangal pa sana sila pero nagsalita na ako habang nakatingin kay Prince Carlos. "Prince Carlos, minsan niyo na po'ng niligtas ang buhay ko sa mga beelzebubs. At napakalaki ang utang na loob ko sa'yo." Nginitian ko siya. Ngayon, lumingon ako kay Caleb at Prince Andres. "Sa maikling panahon na nakilala ko kayo, masasabi kong mabubuti kayo kahit hindi niyo man palagi itong pinapakita. Hindi ko kayo makakalimutan dahil tumulong din kayo sa amin, sa akin." Yumuko ako muli at nag-bow.





"Athena, ano ba yang sinasabi mo? Ano'ng ibig mo'ng sabihin?" Nakakunot na tanong ni Hera sa akin habang lumalapit sa akin.





Tumingala ako at tiningnan silang lahat. "You're all free now. Free from helping me. I'll be staying here. And you'll go back to Gond and Zaroth. At babalik na kayo sa dati ninyong buhay." Ngumiti ako sa kanilang lahat at tumulo ang luha ko sa kaliwang pisngi ko.





Shit, this feeling is so painful. This goodbye is so painful.

One Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon