Chips - tawag sa pera na ginagamit ng mga Gondians. (Pambili, pambayad at pautang.)
Kale - tawag sa pera na ginagamit ng mga Zarothians. (Pambili, pambayad at pautang.)
[A/N: Again, I just wanted you all to know na hindi ko po completely alam ang history ng Kale at Chips. Nag-research lang po ako ng konti tungkol diyan at nang malaman ko'ng involve ang word na money, riches o profits dito, ay ginamit ko na lang po siya sa story. Match-maker ako eh. Jk. Pati po, busy po ako sa school activities namin (closing/recognition/graduation day) kaya ayun, natagalan ako sa pag-update, but don't worry, mas bibilisan ko ang pag-update lalo'ng-lalo na dahil sa summer vacation!]
* * *
Part 18
Habang nag-papalipad ako sa beelzebub na sinasakyan namin ni Prince Carlos ay hindi ko mapigilan'g uhawin. Tirik na tirik kasi ang araw habang naka-sakay kami at naglilipad-lipad sa himpapawid. And for sure, itong beelzebub na sinasakyan namin, pagod na rin.
"Uhm, guys, di ba pwede muna'ng mag-pahinga?" Tanong ko. Pinunasan ko ang namumuo'ng butil ng pawis sa noo ko ng kamay ko.
Tumigil naman sila, "Oo nga 'no," tapos luminga-linga pa si Gretel at maya-maya ay napako ang tingin niya sa isa'ng nipa hut na puno ng candies ang bubong, sa malapitan ay makikita mo'ng may lumalabas na smoke. Chimney yata 'yon. "Doon muna tayo mag-pahinga oh, perfect!"
"Oo nga! Tara na, ang init dito. Baka pwede din tayo'ng mang-hingi ng candies diyan. O kaya ay bumili nalang. May chips pa naman ako'ng natira dito." Inilahad pa ni Hera ang kulay brown na para'ng gawa sa kahoy? Or let me say... Bronze na circle shaped. Well, hindi naman siya pefectly circle dahil para'ng ni-carved pa ito.
Well, nag-assume nalang ako na pera iyon dito.
Sumabat naman si Caleb. "Panigurado, 'di iyan matatanggap. Kales ang ginagamit dito sa Zaroth." Sabay iling pa nito habang nagkibit balikat at tsaka kumuha din ng kulay silver na pera. Kasing-laki siya ng singko pesos pero para'ng piso ang anyo nito.
I understand it now... Chip sa Gond at Kale naman sa Zaroth. Ano kaya ang value 'nun 'pag nag-money change ako? I heard wala'ng ganoon'g klase'ng pera sa mortal world. Dollars, Euros, Peso, Pounds, I didn't even hear about Chips and Kales. Siguro makakagawa ako ng history kapag ipinakita ko sa mortal world ang mga pera nila dito. But wait!
Sinabi ko ba'ng ipapakita ko doon sa mortal world? Bakit? Pupunta din pa ba ako doon? Well, I guess no. I guess yes, kapag hindi na-extend ang oras ko dito sa magical na lugar na'to.
Pero hindi talaga. Gagawa ako ng paraan para manatili pa ako dito sa Gond. O kahit sa Zaroth. Basta, ayoko ng bumalik doon sa mortal world. Ayoko na talaga. Ewan ko din kung bakit.
Maya-maya lang ay nasa candy house na kami. Akma'ng kukuha sana si Gretel nang bigla'ng bumukas ang pinto nito kaya lahat kami ay nagulat, pero nanatili kami'ng hindi makagalaw.
Pinakiramdaman ko ang loob ng bahay. Madilim ngunit para'ng may apoy dahil na rin sa maliit na kulay dilaw na ilaw na pumapalibot sa loob. Tumingin ako sa mga kasamahan ko, wala pa sila'ng ginagawa ay bigla'ng may kamay na humawak doon sa gilid ng pintuan na naka-bukas. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko na kakaiba nag kamay na ito. Kakaiba sa mga normal na kamay. Shit, witch ba 'to?
Halos kulay asul na ang kamay nito dahil sa sobra'ng putla, nagiging malinaw na rin 'yung mga ugat niya sa kamay. Halos pwede nang gawin'ng susi ang mga kuko niya dahil sa tulis at haba nito. Madumi. Madumi ang kanya'ng kamay at para'ng may kung ano'ng kulay kendi ang nanatili doon. Na para'ng ilan'g araw na siya'ng nakahawak ng kendi kaya unti-unti'ng natutunaw at gumagawa ng malagkit na substance. Ewwness.
Unti-unti'ng bumubukas ang pinto hanggang sa tanaw na tanaw na namin ang loob nito. May kung ano'ng enerhiya ang humatak sa amin papasok sa loob. May fireplace, may wood carvings, at lumingon ako sa kanan ko. "Ay kabayo!"
"Ay kabayo!" Ginaya ako ng uwak. Nakakagulat. Napahawak ako sa dibdib ko nang bumungad sa akin ang itim na uwak, may pula'ng mga mata but what's worse is ginaga niya ako. I thought, uwak ito. Pero bakit naging parrot? Shit, a speaking black bird with red eyes.
Naramdaman ko'ng may humawak sa akin sa balikat kaya agad ako'ng napalingon at iniwas ang kamay na iyon sa pag-aakala'ng may kung ano pa'ng gulat ang bubungad sa akin. Pero si Hera lang pala. "Are you okay, Athena?"
Shete, paano ako magiging okay kung palagi ako'ng nagugulat dito? Tumango na lamang ako to avoid any conflicts.
Napaayos ako ng tayo at pumunta malapit sa mga kasamahan ko. Huminga ng malalim si Caleb na rinig na rinig ko naman, "Pasensya na po kung— "
"Hindi, okay lang." Naputol ang sasabihin niya nang humarap sa kanya ang babae'ng may kulay puti na buhok, malalim na mga mata, itim na bestida at 'yung kamay niya'ng... Nevermind. "Naramdaman ko naman na may kailangan kayo sa akin. Ano ang maipag-lilingkod ko sa inyo at ano ang kabayaran niyo?" Derecho'ng tanong nito sa amin habang isa-isa kami'ng tinapunan ng malalamig na tingin.
"Ah may Kale at Chips po kami. Gusto lang namin ng kendi— " Hindi pa tapos mag-salita si Prince Carlos ay pinutol naman siya ni Prince Andres.
"Wala po kami'ng kailangan. Gusto lang namin mag-pahinga dahil may pupuntahan lang po kami." Sabi ni Prince Andres at pinasunod kami sa kanya sa pag-talikod.
"Alam ko'ng may iba ang sadya niyo dito. Hindi kayo pupunto sa gubat na ito dahil delikado. Maliban nalang kung may importante kayo'ng kailangan," napalingon naman kami'ng lahat sa kanya, pero siya na naman ngayon ang tumalikod sa amin at nilapitan niya ang banga niya na puno ng tubig habang umuusokpa iyon, this scene. It's familiar. "Sabihin niyo na sa akin, makakatulong ako." Para ba'ng sigurado'ng-sigurado na siya sa sinabi niya na kakailanganin namin siya.
"Bakit naman kakailanganin namin ang isa'ng matanda'ng babae'ng sa tingin ko ay wala'ng ginagawa kundi mga kendi?" Sinamaan ng tingin ni Prince Carlos si Prince Andres sa sinabi niya.
"Pag-pasensyahan niyo na ang kapatid ko, aalis na po kami." Tatalikod na sana ulit kami nang muli na naman'g nag-salita ang babae.
"Minamaliit niyo ba ako. Hindi niyo ba ako kilala?" Tanong niya sa amin na hindi makapaniwala.
"Bakit, sino ho ba kayo?" Si Gretel naman ang nag-salita ngayon.
"Ako si Kloto. Isa'ng witch na gumagawa ng mga kuwintas at kung ano-ano'ng sumpa. Ngayon, tatanungin ko kayo sa huli'ng pagkakataon. Ano ang kailangan niyo sa akin?" Tanong niya pero sa akin siya nakatingin.
Napaawang ang bibig ko. Shete. Si Kloto. Siya 'yung nasa panaginip ko.
BINABASA MO ANG
One Magical Tale
FantasyGond. Zaroth. When you enter these places, everything will turn upside down. And your world will be opposite to the world you used to be. It's for you to find where you're going to blend in. She's Athena. Assigned to do the task she thought was impo...