Part 19

72 5 0
                                    

Part 19





"K-kailangan ko po'ng manatili sa Gond. Ayoko'ng bumalik sa lupa. Maaari niyo ba ako'ng tulungan?" Halos pakiusap na sabi ko na.





"Sa isa'ng kondisyon." Bigla naman ako'ng kinabahan. Sana hindi iyon ang hihingiin niya. "Hanapin mo ang anak ni Athena." Halos mahimatay na ako sa kaba ko at sa pag-papakiusap ko na hindi sana iyon ang hiling niya pero totoo pala. Nangyayari na ang nasa panaginip ko.





"Sa pagkakaalam ko, wala ka nang pamilya, Athena. Pero may anak ka?" Tanong ng katabi ko'ng si Hera.





Lahat sila ngayon ay naguguluhan. Habang ako ay unti-unti naman'g naliliwanagan.





"I-iba nalang po." Sabi ko.





"Iba nalang din ang hilingin mo."





Napabuga ako ng hangin. Sa tingin ko, hahanapin ko talaga ang anak ni Goddess Athena.





"Hanapin mo ang anak ni Goddess Athena. Tutuparin ko ang hiling mo at sana ay tuparin mo ang magiging kabayaran nito. Bibigyan kita ng tatlo'ng linggo para hanapin siya." Sabi nito pero naagaw ang pansin ko sa suot kong kuwintas, bigla kasing umilaw, kagaya ng una ko itong isinuot. "Hanggang tatlo'ng linggo ang tagal ng kuwintas na iyan at kapag hindi mo mahanap ang anak ni Diyosa Athena, mawawala ka na sa mundo namin." Sabi niya.





"Teka lang, bakit— aish! Ano ba kasi ang kailangan mo sa anak ni Athena? Wala na siya di'ba? Pati si Aphrodite at Hera. Wala na sila. Wala nang mga diyosa ngayon. Extinct." Naguguluhan'g sambit ni Prince Carlos.





"Oo nga, saka kung makikita man ni Athena ang anak ni Athe— Goddess Athena, dito na ba siya titira?" Tanong ni Prince Andres.





"Taray." Bulong sa akin ni Gretel. Umirap na lamang ako. "Dalawa'ng lalaki 'yan ah. Prince Charmings mo." Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya o makikilabutan, prine charmings? Seriously? I'd rather have Caleb. He's a knight in shining armour. But believe me, no strings attached. Babalik agad ako sa Gond kapag nakuha ko na ang gusto ko.





Napangiwi naman si Kloto sa amin, "And dami niyo'ng tanong hindi naman kayo ang binibigyan ko ng hiling." Tila naiirita'ng sambit sa amin ni Kloto. "Pero sasagutin ko na, kailangan ko ang anak ni Diyosa Athena dahils siya lang ang makakapag-pagaling sa akin. At kapag nakita niya si ang anak ni Diyosa Athena at dalhin ito sa akin, maaari na siya'ng mamuhay dito. Isa na rin siya'ng imortal." Tukoy nito sa akin. Pero imortal?





"Ho?"





"Hindi mo nga alam, galing ka talaga sa mundo ng mga mortal, lahat ng fairies dito ay imortal. Ikaw lang ang hindi dahil hindi ka naman tunay na fairy." Sabi niya sabay talikod sa amin at may inasikaso siya sa kanya'ng banga na puno ng tubig ng iba't-iba'ng nakakakilabot na kulay kahit light colors lang.





Muli siya'ng humarap sa amin habang may dala siya'ng isa'ng cup? Para'ng tasa pero hindi eh, inilahad niya ito sa akin. "Inumin mo 'yan, makakatagal ka dito ng tatlo'ng linggo dahil diyan, at kapag 'yang puti'ng liwanag ay magiging itim, ibig sabihin niyan, konti nalang ang natitira'ng oras mo dito." Sabi niya at itinuro ang suot ko'ng kuwintas na kumikinang ang kulay puti.





Napahawak ako dito. Kailangan ko'ng mahanap ang anak ni Goddess Athena, "May ideya ka ba kung ano ang itsura ng anak ni Goddess Athena? Edad? Lalaki ba o babae? Para mas mabilis ko'ng mahanap 'yang pinapahanap mo."





Nagkibit balikat lang siya, "Wala akong alam sa anak ni Diyosa Athena, basta ibigay mo lang siya sa akin." Sabi niya at tumalikod na. "Maaari na kayo'ng lumabas." Tumalikod na kami, hahakbang na sana kami palabas nang magsalita ulit siya, "May nakalimutan ako, kapag hindi mo nagawa ang misyon mo at nakabalik ka na sa mundo ng mga mortal, maaari mo parin'g hanapin ang anak ni Diyosa Athena, at kapag nahanap mo na siya, isuot mo ang kuwintas mo sa anak ni Diyosa Athena para makabalik ka na dito at makatira ka na dito habang buhay." Sabi niya saka sinarado na ang pinto. Wow, sinaraduhan kami ng pinto.





"Hey," siko sa akin ni Prince Carlos kaya nagising kami'ng lahat sa amin'g mga diwa, "Saan ka magsisimula'ng hanapin ang anak ni Goddess Athena?" Tanong sa akin ni Prince Carlos.





Ngumiti nalang ako at nagkibit balikat, hindi ko din kasi alam kung saan ko hahanapin ang anak ni Goddess Athena, pero masaya ako ngayon dahil may tatlo'ng linggo pa ako'ng natitira dito sa Zaroth o sa Gond.





At napaisip naman ako, paano kung hindi ko nalang pinuntahan si Kloto dito? Maaari kaya'ng hindi lang tatlo'ng linggo ang natitira sa akin dito. Baka mas higit pa 'don. Sayang naman.





"Basta, 'wag ka'ng mag-alala, tutulungan nalang kita sa paghahanap mo." Tumabi naman si Prince Andres sa akin. Naramdaman ko pa ang titigan ng dalawa. Nagsusukatan sila ng titig hanggang sa pumalakpak si Hera.





"Shall we go now?" Tanong nito sa amin.





"Mabuti pa ay bumalik na tayo sa palasyo, Prinsipe Andres, nang sa gayon ay makapag-pahinga ka na." Sabi ni Caleb at nauna nang umakyat at sumampa sa likod ng beelzebub niya.





Sumunod naman si Gretel at sumakay na. "Prince Carlos, dito ka nalang sumakay sa beelzebub ko." Sabi niya.





Napatingin naman ako kay Prince Carlos, "Kung ganoon, sasakay ako sa beelzebub mo, Athena ah. Pagod kasi ako. Tara na." Hinila ako ni Prince Andres at sumakay siya sa beelzebub, nasa likuran ko siya at ako na naman ang magd-drive, pero hindi na si Prince Carlos ang pasahero ko kundi, si Prince Andres.





Napatingin namana ko kay Prince Carlos, sumampa nalang din siya sa likod ng beelzebub na sinasakyan ni Gretel. Ganoon din sina Caleb at Hera.





Nag-uusap pa sina Caleb at Hera kaya pinabayaan nalang namin.





Bigla ko naman'g naramdaman ang mga kamay sa buhok ko. "P-prince Andres?" Kinakabahan'g tanong ko. Ano ang ginagawa niya?





"Hinahawi ko lang ang buhok mo, nakakain ko kasi dito." Derechong sagot niya.





Shete, akala ko kung ano na. Pahamak talaga 'tong buhok ko. Kainis. Napapahiya pa tuloy ako.





Hinawakan ko na lamang ang buhok ko para hindi na mapunta sa mukha ng nasa likuran ko nang maramdaman ko ang pag-dampi ng kamay ni Prince Andres sa kamay ko.





"I'll just hold your hair, focus on driving." Sabi niya at siya na ang humawak sa buhok ko. Nilalaro-laro niya pa iyon at sa tingin ko ay kulang nalang lagyan niya ng hair pins iyon.





Shete. Sabi ko na nga ba, dapat talaga mag-focus kapag nagd-drive ng beelzebub basta kasama si Prince Andres.





"Pwede ba, mamaya na kayo mag-landian. Mag-focus muna kayo sa pag-papalipad ng beelzebub or else it will eat you."





Naalala ko ang huli'ng sinabi niya nung papunta pa lang kami doon kay Kloto. Si Prince Carlos pa ang kasama ko nun nung sinabi niyang mag-focus sa pag-drive at hindi sa paglandian, hindi naman din kami naglalandian, habang ngayon, siya na ang kasama ko, sinabihan niya ako ng mag-focus sa pag-drive ng beelzebub pero nilalandi-landi naman niya 'yung buhok ko.

One Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon