Part 39
Ang mga sumunod na araw ay tila langit para sa akin. Pinalaya na din si Kloto ngunit hindi pa rin siya pinapalabas sa palasyo dahil may maitutulong pa siya sa maaaring mangyari.
Hindi pa din namin naipagamot si Reyna Carolina at pahina na ng pahina ang katawan niya na nakahiga na lamang siya ngayon. Ang hari naman ay palaging nasa tabi niya kung kaya ay nakangiti pa rin ang reyna kahit nasa kalagitnaan siya ng pag-aagaw buhay.
Magkasama kami ni Hera at Gretel ngayon sa guest room. Nakaupo lamang ako sa kama at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaniwala ang sarili ko na ako ang anak ni Diyosa Athena. Na ang matagal na naming hinahanap ay ako lang pala.
Nakakatawa, I didn't see that coming. "Sabi ko na nga ba, noon pa man, may pakiramdam na ako na taga rito ka, Athena eh." Sambit ni Gretel habang umiinom ng tubig.
"Huh? Bakit naman?"
Lumapit sa akin si Hera at inakbayan ako. "Basta naramdaman lang namin, saka 'nung pinatawag ka ni Prince Carlos, alam namin na wala na kaming pag-asa sa kanya dahil hindi'ng-hindi basta-basta nagpapatawag ang prinsipe ng babae. Kaya espesyal ka sa kanya lalo na at binigyan ka niya ng bracelet." Tinapik niya pa ang balikat ko kaya napangiti nalang ako.
"Haba ng hair mo, gurl!" Tumawa nalang kaming tatlo.
Ngunit kaagad napawi iyon nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zandro, ang namumuno sa mga kawal ng hari. Ang heneral na kinakatakutan ko dahil tila may galit ito sa akin.
Lumapit si Zandro sa akin, maging ang ibang mga kawal, "B-bakit ka— aray!"
"Bitiwan niyo siya!" Sigaw nina Hera at Gretel.
Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak ng mga kawal, maging sina Hera at Gretel ay hinawakan na rin para hindi ako matulungan. "Tumahimik kayo!"
"Prince Andres! Caleb! Prince Carlos!" Matinis na sigaw ni Gretel kaya sinampal siya ni Zandro at nanlaki ang mga mata ko.
"How dare you?!" Nagpumiglas ako at pilit na sinisipa siya ngunit hindi ako makapantay sa lakas niya.
Narinig kong humihikbi na si Gretel kasabay ng mga yapak papunta dito.
Kaagad namang kumilos ang mga kawal at hinila kami sa isang lagusan papalabas. Oh jusko, saan kami pupunta? Patuloy kami sa pagtakbo. Patuloy kaming hinihila ng mga kawal na pinangungunahan ni Zandro. Saan niya ba kami dadalhin?
Habang tumatakbo kami papalayo ay tumingin-tingin si Zandro sa direksyon ko. "Bakit ka bumalik dito?" Nanggagalaiting tanong niya. Parang nasa isip niya na magiging mas maayos kung hindi ako bumalik dito.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy ako sa pagpupumiglas gayong nakikita kong nagpupumiglas din sina Hera at Gretel. "Huwag niyo silang idamay!" Sigaw ko.
Umiling lang si Zandro at nang nasa pinakailalim na kami ng bahagi sa palasyong ito ay binuksan niya ang napakatatag na pinto. Pinapasok niya kami at nang makapasok na kami ay sinarado niya ang pinto at nilagyan ng kung ano-anong matatatag na lock. Inihagis kami sa sahig na naging dahilan upang tumilapon kami.
Kaagad akong tumayo, naramdaman kong kumirot ang braso ko ngunit ininda ko na lamang ito. Nilingon ko sina Hera at Gretel at tinulungan silang makatayo. "Maayos lang ba kayo? May masakit ba sa inyo?" Tumango lang sila sa tanong ko ngunit hinawakan ako ni Gretel na nakapwesto sa kanang balikat ko kung saan may kirot dito.
"Athena, namamaga ang braso mo." Tiningnan ko ito at tama nga siya ngunit umiling lang ako.
"Walang kaso iyan," sambit ko at nilingon din si Hera. Nakikita ko sa mukha niya na nag-aalala siya sa akin ngunit walang oras para diyan, napakalayo sa bituka ng kirot sa braso ko. "Dapat nating humingi ng saklolo sa kanila." Mahinang sambit ko dahil nag-uusap usap pa ang mga kawal at hindi pa kami napapansin.
"Ngunit paano tayo makakahingi ng tulong?" Tanong ni Hera na balisa na rin. Napailing nalang ako dahil hindi ko rin alam kung paano.
"Gumawa tayo ng kahit anong ingay," sambit ni Gretel.
"Ang tanong, maririnig kaya tayo gayong nasa pinakailalim na bahagi tayo ng palasyo?" Tanong ko, "Para na rin tayong kinulong dito at hindi na dapat palalayain pa kaya pasensya sa inyo dahil sa akin nadamay pa kayo." Yumuko ako.
Hinawakan naman ako ni Hera sa balikat. "Ano ba'ng sinasabi mo diyan, kailangan ka rin naming protektahan, Athena. Ikaw ang solusyon sa problemang ito. Ikaw ang makakaligtas sa amin, sa Gond at sa Zaroth."
At dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. Nilingon ko si Zandro. "Hoy Zandro! Ano bang pakay mo at dinala mo kami rito?!"
Lumingon naman sa akin si Zandro maging ang ibang mga kawal at lumapit siya sa akin. "Pakay? Kailangan ka naming dispatyahin dahil ikaw ang makakaligtas sa reyna, kung hindi ka dumating at kapag namatay ang Carolina'ng iyon, ako na ang magiging hari ng Gond dahil matagal na akong nanilbihan sa Hari. Paniguradong sa akin igagawad ang kaharian sa Gond at hindi kay Carlos!" Puno ng hinanakit na sumbat niya sa akin. "Kung hindi ka bumalik, nakamit ko na siguro ang pagiging hari ko sa Gond, naiintindihan mo ba iyon?!" Sinakal niya ako kaya hindi ako makasagot, tanging paghawak ko lang sa braso niya upang mapapigil siya ang tanging magagawa ko.
Nakita ko ding tumulong sina Hera at Gretel sa akin upang itigil ni Zandro ang kanyang pagsakal sa akin ngunit pinigilan din sila ng ibang mga kawal kaya nagsisigaw na lamang sila ng pagkalakas-lakas.
Nang muntik na akong mawalan ng hininga ay binitawan ako ni Zandro at tinulak kaya napasubsob ako sa malamig na sahig ng palasyo. Hinahabol ko ang hininga ko habang nakahawak sa dibdib ko.
Ni hindi ko mapokus ang tingin ko dahil nanlalabo ito ngunit minabuti kong huwag matuluyang mawalan ng ulirat kaya napatingin ako kay Zandro at sinamaan siya ng tingin.
"Kung ikaw ang magiging hari ng Gond, isa kang malaking dismaya. Hindi dapat nagiging hari ang mga sakim na katulad mo!" Sigaw ko. Napansin kong may suot din siyang kuwintas na unti-unting umiitim.
Lumapit siya sa akin, "Wala kang karapatang sabihin iyon sa akin, isa ka lamang hamak na prosaic!" Sigaw niya at sinampal ako kaya napahawak ako sa pisngi ko.
Nagsisigaw naman sina Hera at Gretel kasabay ng pagkalabog ng pintong nakasarado. Sinikap ko ang sarili kong mapatayo. "Tulong! Carlos!" Sigaw ko.
Habang papalapit ako sa pinto ay hinila naman ako ni Zandro at sinakal muli. Nakita kong napangisi siya habang nakatingin sa leeg ko. Nanlaki ang mga mata ko nang matanto ko na ang kuwintas ko ang tinitigan niya.
"H-huwag." Pinilit kong sabihin. Parang naging slow motion ang lahat dahil kasabay ng pagbunot niya ng kuwintas ko ang paglaya at pagtakbo papalapit sa akin nina Hera at Gretel at ang pagsira ng matatag na pinto at tumakbo papalapit sa akin ni Carlos.
Nasilayan ko pa ang ngisi ni Zandro at pagbitiw niya sa akin. "Carlos..." bulong ko sa hangin at hindi pa ako bumagsak ay nawala na sila sa paningin ko.
Wala na ako sa Zaroth.
BINABASA MO ANG
One Magical Tale
FantasyGond. Zaroth. When you enter these places, everything will turn upside down. And your world will be opposite to the world you used to be. It's for you to find where you're going to blend in. She's Athena. Assigned to do the task she thought was impo...