Part 7

130 3 0
                                    

Dedicated to: @lester_V dahil sa kanya, nag-pursige ako'ng mag-update. Haha! Oh, ito na, Les!





* * *




Part 7



Dumating na ang umaga at para'ng ayoko'ng magising. Gusto ko nalang ata'ng lumuwas muna sa mortal world dahil nakaka-suka 'yung kinain namin'g palaka kagabi. For Pete's sake, palaka 'yon. At ngayon, alam ko'ng hindi din sila nag-bibiro na uod na 'yung ipapakain nila sa akin.



"What? May nakuha'ng fairy ang mga beelzebub?" Narinig ko ang gulat na tanong ni Gretel. Napatayo naman ako doon, shiz may nakuha daw.


Agad ako'ng bumangon at pumunta kaagad sa kitchen kung saan doon naka-pwesto sila'ng dalawa ni Hera at Gretel, "Gret, nagising mo na." Rinig ko'ng sabi ni Hera kaya napakunot ang noo ko.


"I mean, Gretel naman, hindi mo ba iku-kwento kung paano nakuha ng beelzebub 'yung fairy?"



Kumunot naman 'yung noo ko, nararamdaman ko sila. I mean, nararamdaman ko'ng may mali sa kanila ngayon, "Will you tell me what's going on?" Iritado'ng tanong ko.



Patuloy pa rin sila sa pag-tutulakan sa kung ano ba ang sasabihin. At nagiging maingay na din sila kaya agad ko sila'ng sinuway, "Ano ba kasi?! Spill it!" Naiirita na ako sa kanila.



"Eh,kasisiPrinceCarlos'yungfairynanakuhangbeelzebub!" Mabilis agad na sagot nila. Kahit hindi malinaw at sobra'ng bilis ang pagkakabanggit nila, naintindihan ko pa rin. Pero, shet!



Si Prince Carlos? Si Prince Carlos ang nakuha'ng fairy ng beelzebub, for Pete's sake, pinayuhan niya pa nga kami na 'wag gumala sa mga oras ng beelzebub tapos ito siya ngayon, ibabalita na nakuha siya ng beelzebub? Seryoso ba sila sa ibinalita nila?



"Nag-papatawa ba kayo?"




"Athena naman eh, kahit maloko ang mukha ni Gretel, nag-sasabi naman kami ng totoo." Sagot sa akin ni Hera habang hinampas naman siya ni Gretel.



"Gaga ka ah," kumento niya sa sinabi ni Gretel, "Pero seryoso, si Prince Carlos, kinuha ng mga beelzebub! Oh noes! Baka nilapa na ang loves ko sa mga istupido'ng beelzebub na iyon. Makakatikim talaga sila sa akin." Patuloy pa din siya sa pag-rereklamo. Kaso, wala'ng magagawa ang pag-rereklamo niya.



"Sa tingin niyo, saan maaari'ng dalhin ng mga beelzebub ang isa'ng bihag nila?" Out of the blue ko'ng tanong. Ewan ko, maybe I owe him a lot kaya binabalik ko din ang pabor sa kanya. Iyon ay kung maililigtas ko din siya kagaya ng pag-ligtas niya sa amin.



"Anything dark ang silent." Sagot ni Hera. Anything dark and silent? Seryoso?



Anything dark and silent.


Anything dark and silent.


Think, Athena. Think! Patuloy pa rin ako sa pag-iisip hanggang sa para'ng nag-karoon ng light bulb na gumana sa utak ko.



"Night!" Agad ko'ng pahayag sa kanila at umismid ang ekspresyon nila. "Anything dark and silent is a night!" Kumento ko pa. Ewan ko kung bakit ko ito naisip. "Kung kagabi nila nakuha si Prince Carlos, malamang hindi pa nila ito nagagalaw dahil may sinag pa ng araw at hindi pa tahimik ang lugar. Sigurado din ako'ng nasa malapit lang sila dahil aside sa Gond Enchanted Town, ang Gond Enchanted Library lang din ang hindi pa namin napupuntahan— oh God! Tama nga ako. Sa library. Hindi naman madadala ng isa'ng beelzebub ang fairy sa gabi, dahil sa palagay ko, hindi sila makakatiis kapag nakakakita sila ng fairy. Hahanap sila ng paraan kung saan wala'ng katao-tao, tahimik at madilim at pag-pipyestahan na nila ang kanila'ng bihag.



"Lead me to the Gond Enchanted Library." Utos ko sa kanila.



Bigla naman sila'ng napatingin sa isa't-isa. "Oo nga 'no? Aish, ba't di ko ba naisip 'yon?" Tanong ni Gretel sa sarili niya habang napapakamot pa sa ulo niya.




"Psh! Wala ka naman'g utak." Binatukan agad si Hera ni Gretel nang sinabi niya iyon, "Gaga ka ah. Tara na nga!"



* * *




Halos trenta minuto na kami'ng nakalipad habang nag-aaway-away pa rin sila. Minsan, gusto ko na sila'ng sabunutan kaso magkakasala ako sa Diyos 'pag nag-kataon'g ginawa ko iyon. Ikinalma ko na rin ang sarili ko, at hindi sila pinansin na nag-babangayan. Natuto na rin ako'ng lumipad gamit ang sarili ko'ng pakpak dahil na din sa iniwan ako sa ere 'nung si Prince Carlos nang hinahabol ako ng beelzebub. Wala'ng-hiya'ng 'yon, pero sa kasulok-sulukan ng isip ko, nag-papasalamat na din ako dahil kung hindi dahil sa pag-iwan niya sa akin sa ere, hindi ako matututo'ng lumipad.




Minsan kasi, kailangan mo'ng maranasan ang maiwan sa ere para matulungan mo ang sarili mo'ng bumangon nang hindi humihingi ng tulong na kahit na sino, na kahit sa tao'ng nang-iwan sa'yo sa ere. Shemay, napapahugot ako ng wala sa oras.




Pero hindi niya naman siguro ako pababayaan ni Prince Carlos 'nun di'ba? May konsensya naman siguro siya, o may katiting na concern sa akin. Aba ewan ko sa kanya, ang mahalaga, ligtas na ako. At kailangan ko rin siya'ng maligtas.




Buset na buhay 'to! Pakiramdam ko kasi, kailangan ko din siya'ng sagipin dahil sa ginawa niya'ng pag-ligtas sa akin. Pakiramdam ko, napaka-laki'ng utang na loob ko 'yon sa kanya. Of course, utang na loob ang pag-ligtas ng buhay. Big time. Kaya, binabalik ko din ang pabor.




"Hello? Athena? May signal ba 'jan?" Muli ako'ng bumalik sa huwisyo nang nasa harapan ko ang mukha ng dalawa'ng kanina ay nag-babangayan at ngayon ay nakakunot ang noo'ng naka-tingin sa akin.




"Ano ba, Earth to, Athena." Tuluyan na ako'ng bumalik sa sarili ko nang sabihin nila iyon at napapitik pa sa harapan ko. "We're here. Actually, kanina pa." Sabi ni Gretel.




Wala'ng alinlangan'g pumasok kaagad ako sa loob ng madilim, tahimik at nakakatakot na library. Napakalaki'ng pintuan ang nasa entrance at mararamdaman mo'ng anuman'g oras ay may makikita ka nang multo.




Inilibot ko ang mga paningin ko, kung gaano nakakatakot sa labas ay mas dumoble pa ata dito sa loob. Hindi ko alam kung sino ang mas matanda. Ang library na'to o ang lolo ko noon na pumanaw na. Remember, mag-isa lang ako'ng tumitira sa boarding house na iyon.




Wala ako'ng maramdaman na kahit na ano, maging kung may iba pa ba'ng humihinga dito o may iba pa'ng living and non-living things dito. Hindi ko din alam kung matatakot ba ako o mamamangha dahil napakaganda ng lugar na ito para mapili ng mga beelzebub at dito pa nila dadalhin ang bihag nila.




"Sigurado ka ba'ng dito dadalhin ng mga beelzebub si Prince Carlos?" Narinig ko'ng tanong ni Gretel at halatang nag-tatago sa likuran ni Hera at handa'ng-handa ng paganahin ang pakpak niya para maka-lipad kaagad kapag may lumitaw na kung ano man.




Lumingon naman ako sa kanya at tiningnan siya ng masama, "Gaya nga ng sinabi mo kanina, beelzebub brings their prey in a dark and silent place. That would be impossible if they will bring it to the night. Gago ba sila? Mag-hihintay pa sila 'nun kaya mag-hahanap kaagad sila ng paraan para mas mapaaga nila ang pagpi-piyesta nila sa kanila'ng bihag." Sagot ko saka ibinaling ulit ang paningin ko sa daan habang hawak ko ang laser light galing sa isa'ng desk kanina.




Bigla naman ako'ng pinalo ni Hera nang mahina. "Gaga 'to ah, para mo na rin'g sinasabi'ng gusto mo nang malapa ang Prince Carlos myloves ko." Sabi niya pa at nag-pout.




Napailing nalang ako sa naging sagot niya. Dumagdag pa si Gretel na sumang-ayon. "Tsk, hanggang ngayon, kalandian niyo pa rin para kay Prince Carlos ang inaatupag niyo. Umayos nga kayo." Suway ko sa kanila.




Narinig ko ang hagikgik ni Gretel, "Oo na po, aayos na po kami. Baka kasi mamaya, maging isa ka rin sa amin. Isa sa mga humahanga at nananaginip para sa kanya at pilit siya'ng inaabot." Napahinto ako sa narinig ko kay Gretel.




Never. I would never be one of them. One of Prince Carlos' fangirls. That would never happen. Ever. O hindi nga ba?

One Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon