[A/N: Hey people! Hey OMT readers! I just want you to be aware na THE PHOTO COVER IS NOT MINE. In-edit ko lang po at nilagyan ng title, pero yung picture, hindi po talaga galing sa akin. So guys, kung sino man ang may ari nito, CREDITS SAYO ;) ]
* * *
Part 30
Nilitratuhan na si Prince Carlos habang hawak yung isang maliit na black board. Sideview, front view. Makikita sa mukha ni Prince Carlos ang ekspresyon na nagpapahiwatig na hindi niya nagugustuhan ang nangyayari sa kanya ngayon. Maging ako. Hindi ko nagugustuhan ang mga pinagtatanong sa akin ng pulis. At maging sa mga kasamahan ko.
"Bakit kayo tumakas kung wala kayo'ng atraso?" Ma-otoridad na tanong ng pulis sa akin. 'Yung pulis na may ka-tawag kanina. Napairap ako sa isip ko, dambahan kita diyan ng hindi ka makahinga, eh.
"Ah wala po. Hindi po kami tumakas. Hinahabol niyo po kasi kami eh." Mahinahon kong sagot para hindi na magatungan 'yung galit niya. Baka atakihin pa 'to, ako pa'ng may kasalanan.
"Pinipilosopo mo ba ako?" Tanong nito sa akin na nanliliit ang mga mata kaya agad akong umiling ng umiling. "Kung ganoon, sagutin mo ako ng maayos!" Bigla'ng sigaw nito kaya napalayo yung ulo ko sa kanya kasi nagsh-showering siya. Yaks.
"Hindi nga po kami tumakas. Tumakbo lang po kami kasi hinahabol niyo kami." Malay ko ba kung gusto niyo lang makipag-habulan. Tse! Kung tanungin niya kaya ako ng maayos ng hindi ko siya mapilosopo? Walang kwentang tanong.
Huminga siya ng malalim saka tumango at may sinulat bago siya tumawag ng mas bata na pulis. "Ikaw na ang bahala sa kanya." Tugon nito at umalis na kaya napatingin naman ako sa bagong pulis na ito.
Magsasalita na sana siya nang biglang may sumingit. "Hep! Hep!" Napalingon kami'ng lahat na nasa presinto sa bago'ng dating.
Napakunot 'yung noo ko. "Landlady Yda?" Napahawak pa ako sa kwintas na suot ko. Although alam ko namang binigay na niya ito sa akin at nasa mortal world na kami, takot pa rin akong mawala ito sa akin dahil baka hindi na ako makabalik pa doon sa Gond.
Lumapit siya kay Gretel na nasa kabilang upuan, "Are you okay?" Tumango naman si Gretel bilang sang-ayon. Nilingon niya kami'ng magkakasama. "Okay lang kayo'ng lahat?" Tanong nito sa amin kaya tumango kami ng sabay.
"Ma, ano'ng ginagawa niyo dito?" Tanong ni Gretel sa mama niya na si Landlady Yda.
"Nabalitaan ko kasi kayo na hahanapin niyo 'yung anak ni Goddess Athena di'ba? Sinabi mo 'yun sa akin. Kaya tutulungan ko sana kayo'ng mag-hanap sa kanya, ang kaso, pagkarating ko sa bahay niyo, hindi ko na kayo naabutan. Mabuti nalang talaga at natagpuan ko si Kloto habang sinusundan kayo, tinuro niya kung nasaan na kayo, nagpunta pa ako sa bahay natin bago ako napunta dito." Ngumiti si Landlady Yda pero tiningnan niya 'yung mga pulis dito sa prisinto. "Teka, bakit ba kayo nandito?" Tanong niya.
"Ito'ng lalaki'ng nagngangalang Carlos ay nagnakaw ng isang mamahaling tuxedo sa isang shop." Sagot nung pulis kaya napalingon kami sa kanya. "Sino ka?"
"Ako si Yda. Ano'ng gagawin niyo sa kanila?"
"Makukulong si— " hindi natuloy 'yung sasabihin niya nang sumingin si Prince Carlos.
"Isasauli ko na nga di'ba?!"
"Tumahimik ka diyan! Ang isa sa mga babala sa shop na 'yon ay 'No return, no exchange', kaya hindi mo pwede'ng isauli 'yan. Kailangan mo'ng bayaran or else, makukulong ka." Ngumisi 'yung pulis kay Prince Carlos at nilingon na naman lahat ng pulis. "O sige, ipasok niyo na siya. Pati sila!" Tinuro kami'ng lahat na magkakasama 'nung pulis na para'ng lider.
"Okay po, Chief!" Sagot nila habang sumasaludo.
Bago pa nila kami mahawakan ay sumigaw na naman si Landlady Yda. "Teka, teka! Ako na ang mag-babayad ng tuxedo." Nakita kong may binulong si Gretel na para ba'ng nagsasabi'ng 'may pera ka diyan, ma?'. Kaya tumango si Landlady Yda.
Matapos matawagan 'yung may-ari ng shop ay dumating na din ito sa prisinto at doon ibinayad ni Landlady Yda 'yung halaga'ng 8,000. Pero siyempre, bago 'yun, dumaan muna sila sa proseso. Nagsisigaw pa 'yung shop owner kay Prince Carlos habang dinuduro-duro. Pinag-bintangan pa kami ng kung ano-ano, na gang daw kami at magkasabwat. Pero para matahimik na, umalis na din kami doon.
Nang nasa malayo na kami, nakahinga na kami ng maluwag. "Ngayon, kailangan na nating hanapin ang anak ni Goddess Athena." Napayuko ako sa sinabi ni Landlady Yda. Para'ng kasalanan ko ang lahat ng 'to. Kung hindi lamang sa kagustuhan kong manatili sa Gond, kaya napadpad kami'ng lahat dito.
"Paano po natin siya hahanapin kung hindi naman natin siya kilala at hindi natin alam kung babae ba siya o lalaki. At kung talaga nga ba'ng nandito siya sa mortal world." Maktol ni Hera at inakbayan naman siya ni Caleb.
"Alam kong mahahanap natin ang anak ni Goddess Athena," sambit ni Landlady Yda. Bago pa niya maipagpatuloy ay naging interesado kami'ng lahat at tinanong siya kung paano niya nalaman na matatagpuan lamang namin dito sa mortal world ang anak ni Goddess Athena. Pero ano nga ba kasi ang gagawin ni Kloto kay Unknown (anak ni Goddess Athena)? "Dahil napunta kayo dito sa mortal world nang hindi niyo alam. Malamang, si Kloto ang may kagagawan kung bakit kayo nandito at mapadali ang paghahanap sa anak ni Goddess Athena." Mahabang paliwanag niya sa amin.
"So, saan tayo mag-sisimula?" Tanong ni Prince Andres na handa nang mag-hanap.
Pero bago pa nila magawan ng plano, pinigilan ko sila. "Teka, teka lang. Pwede namang hindi nalang natin ipagpatuloy 'yung paghahanap sa kanya. Babalikan nalang natin si Kloto at gantimpalaan siya ng mas marami'ng kale. Tiyak matutuwa siya at bibigyan niya na tayo ng clue kung sino si si Unknown o 'yung anak ni Goddess Athena. O mas mainam kung hindi niya nalang ipapahanap si unknown at tatanggapin niya nalang 'yung kale." Sabi ko na nag-agaw ng atensyon sa kanila'ng lahat. Mabuti nalang at nasa isang malawak na parte kami sa labas nito'ng police station at wala'ng tao'ng dumadaan dito.
"Aba, mabuti'ng ideya nga 'yan." Sang-ayon nila'ng lahat sa akin.
Pero napalingon kami'ng lahat kay Prince Carlos nang makita namin'g masaya siya. "Ay mga teh, tara na! Balik na tayo sa Zaroth!" At nagtatakbo siya mg parang bata, yung patalon-talon na takbo.
Babalik na kami sa Zaroth. At kapag pumayag na si Kloto, magiging maayos na ang lahat at titira na ako sa Gond for good.
- - -
[A/N: Hey people! Hey readers! I'm sorry I can't update as many as you like dahil busy din ako sa sobra'ng hectic ng schedule ko at mga gawain ko, may mga events pa akong kailangan na i-attend. So kung nabo-bore kayo, maaari niyong basahin ang isa ko pang fantasy na story, "ATHENA" po 'yung title. And since hindi pa 'yon tapos at baka ma-bore ulit kayo sa sobra'ng tagal ng update, well you can read my romance story, na maala Romeo and Juliet. "TERRIBLE THINGS", it's just a short story so basahin niyo na and let your feelings blend in. ;) The stories I have announced can be checked on my profile. Just click my username and add the stories to your library if you want to— YoungChase14.
And that's it!
Lots of love,
Chase 💙]
BINABASA MO ANG
One Magical Tale
FantasyGond. Zaroth. When you enter these places, everything will turn upside down. And your world will be opposite to the world you used to be. It's for you to find where you're going to blend in. She's Athena. Assigned to do the task she thought was impo...