[A/N: HALLOWEEN UPDATE! But just wanted you to know that there is nothing creepy and spooky happening in this chapter because this is fantasy and not horror! Haha! Go smile first (because of my humor, lol) before you read.]
•+•+•
Part 36
Nakita kong sumusunod sina Landlady Yda sa akin at ang iba pa. Naririnig ko rin sila'ng pinapatigil ang mga dumakip sa akin ngunit ayaw nila'ng sundin ang sinabi ng mga kasamahan ko. Nagpupumiglas din ako dahil hindi'ng-hindi ako sang-ayon sa pagkukulong umano nila sa akin.
Oo, narinig kong ipapakulong ako ng Hari pero akala ko ay ikinansela muna ito hanggang sa malaman na kung ako nga ba ang anak ni Diyosa Athena. Akala ko hindi nila ako gagalawin hangga't wala pa ang resulta.
"Sino ang nag-utos sa inyo'ng dakpin siya?" Napatigil kami'ng lahat sa pagkilos nang marinig namin ang napakalamig na tinig ng isa'ng babae. 'Yung boses niya, dumaloy umano sa mga kalamnan ko na nagpatindig ng balahibo ko. Nakaramdam din ako ng kung ano sa tiyan ko na para ba'ng kailangan ko ng umihi. Ganoon kasi nakakatakot ang boses niya. I mean, kalmado lang naman 'yon pero malalaman mo talaga kaagad na may otoridad 'yon at hindi basta-basta dapat sagut-sagutin.
Napalingon kami unti-unti sa likod dahil doon naman nanggaling ang tinig, 'yung nagpasimuno'ng dakpin ako ang siya'ng kumausap sa kanya.
"Mahal na reyna," naramdaman ko ang tinig ng nagpasimuno'ng dakpin ako na gumagaralgal. Hindi ko alam kung bakit natatakot siya, may mga armas naman siya at alam naman siguro ng hari na ipapadakip ako kaya wala dapat siya'ng ikatakot. Unless, may tinatago siya.
"Zandro. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong ng reyna sa nagpasimuno'ng dakpin ako na ang pangalan pala ay Zandro.
Matapang din ito'ng Zandro'ng 'to eh. Sumagot pa kasi sa reyna. At this time, ang boses niya ay wala nang halo'ng pangamba. "Hindi ho ba ay dadakpin talaga siya? Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko at ang kagustuhan ng mahal na hari."
"Ipinagpaliban muna ng mahal na hari ang pagkukulong kay Athena dahil kasalukuyan pa'ng hinahanap ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya. Hindi ka ba nasabihan 'non?" Lumapit ang mahal na reyna sa akin at hinarap ang mga may hawak sa akin. "Bitawan niyo siya." Sambit nito at naramdaman ko na lamang ang pagkalas ng kanilang pagkakahawak sa akin.
"Mahal na reyna, bakit po siya pakakawalan? Isa po siya'ng prosaic at hindi siya nararapat dito!" Hindi mapigilang mapasigaw ni Zandro sa harap ng reyna kaya lumapit na din sina Prince Carlos at Prince Andres.
"Zandro, bakit ganoon na lamang ang kagustuhan mo'ng ipakulong si Athena?" Tanong ni Prince Andres.
Hindi pa nakakasagot si Zandro nang magtanong muli si Prince Carlos sa ngayon. "At bakit mo naman nalaman na isa siya'ng prosaic? Wala ka naman sa usapan namin kanina." Ngumisi si Prince Carlos habang lumalapit kay Zandro.
Hindi ko na rin namalayan na nasa tabi ko na pala sina Hera at Gretel at hinahawakan ako. Tinatanong kung okay lang ba ako. Sinasagot ko nalang din sila para hindi na mag-alala.
"Zandro, ano'ng ibig sabihin nito?" Tanong ng mahal na reyna. Nagsimula na rin akong kabahan.
Bakit alam ni Zandro na isa akong prosaic? Saan niya nakalap ang impormasyong iyon? Kay tagal kong tinatago ang pagiging prosaic ko, maging nandoon ako sa Gond at mas lalo dito sa Zaroth.
BINABASA MO ANG
One Magical Tale
FantasyGond. Zaroth. When you enter these places, everything will turn upside down. And your world will be opposite to the world you used to be. It's for you to find where you're going to blend in. She's Athena. Assigned to do the task she thought was impo...