Part 38
Kung ganoon nga iyon, sana pala hindi nalang ako umasa.
Napayuko nalang ako dahil sa sagot niya. Sabi ko na nga ba! Isang hangal na prosaic lamang ako na nakatira sa Makati na napadpad sa Gond at naghahangad na tumira nalang doon. Hah! Bakit ba ako nag-iilusyon pa?
Pigil-hininga akong napaupo sa gintong upuan. Ganito pala kasakit sa kalooban ang umasa. Bakit naman kasi ako nag-expect pa na maaari pa akong mamuhay dito ng mas matagal, na ako ang anak ni Diyosa Athena? Na ako ang makakapagpagaling sa mahal na reyna ng Gond, na ako ang makakatuluyan ni Prince Carlos?
"Isa lamang iyong gawain para mapatunayan na nararapat ang anak ni Diyosa Athena na mamuhay dito sa Zaroth maging sa Gond." Napalingon kaming lahat sa kanya. Puti ang mga mata niya. "Ang pagbabalik ng anak ni Diyosa Athena ay ang pagbabalik ng Kaharian ng Vathor. Babalik ang lahat sa dati, magiging tahimik muli ang lugar na ito sa mga oras na babalik ang anak ni Diyosa Athena."
"Ano'ng ibig mo'ng sabihin, Kloto?" Tanong ni Reyna Carolina.
Nakatuon lamang ang aming pansin kay Kloto at nakikinig sa mga sinasabi niya. Hindi ko din mapigilang kabahan. Oo, alam kong hindi ako ang anak ni Diyosa Athena ngunit bakit may pakiramdam akong— ako ang hinahanap nila? Oh hindi maaari, magmula noon, isa lamang akong prosaic sa Makati. And if by a chance na ako ang anak ni Diyosa Athena, imposible iyon.
"Hindi niyo pa rin ba napapansin?" Ngumisi sa aming lahat si Kloto kahit hawak-hawak siya ng mga kawal ng Hari. "Hindi aksidente ang pagkakapadpad ninyo sa bahay ko. Ang lahat ng nangyayari ay may rason at nakatakda. Hindi niyo ba napapansin na, ang babae'ng 'yan—" tinuro niya ako. "Na isang prosaic ay hindi nalimitahan ang buhay niya dito? Hindi siya nakuhang alalay ng mga Gondian? Kung bakit magaan ang loob ng ilang Gondian at Zarothian sa kanya? Kung bakit sinadyang tumira ka sa ilalim ng pagmamay-ari ni Diyosa Aphrodite na kapatid ni Athena? Kung bakit Athena ang pangalan mo?" Napalunok ako.
"Kloto, ano ang ibig mong sabihin?" Hinahabol ko ang aking paghinga dahil sa kaba na nararamdaman ko sa mga oras na'to. Bakit iyon sinasabi ni Kloto? Isa lamang akong hamak na prosaic, ngunit paano niya maipapaliwanag ang mga sinasabi niya? Iyon nga ba ang katotohanan?
Tumawa si Kloto ngunit tumigil rin kaya namayani ang sandaling katahimikang nakakabingi. "Ikaw ang anak ni Diyosa Athena." Nanatiling tahimik ang paligid at nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kloto.
Napailing ako, "K-kloto, ano'ng pinagsasabi mo?" Tila bumalik ang mga pakiramdam ng lahat nang magsalita ako.
"Oo nga, isang prosaic lamang siya." Sang-ayon naman ng Hari kaya napayuko ako.
Paniguradong itutuloy ang pagpapakulong sa akin dito sa Zaroth. At paniguradong nakakalungkot iyon.
"Hindi niyo pa rin ba nakukuha ang mga signos?" Tanong niya, "Sa tingin niyo, bakit ko kayo uutusan na ipahanap ang anak ni Diyosa Athena na walang binibigay na kahit na anong impormasyon?"
"Bakit nga ba?" Tanong ni Gretel.
"Dahil habang hinahanap ninyo ang anak ni Diyosa Athena, unti-unting nabubuhay ang katauhan ng anak niya sa iyo, Athena. Kaya inaasahan kong maramdaman mo iyon, o mapanaginipan at malaman mo sa sarili mo na ikaw ang hinahanap." Sambit niya kaya napaawang ang bibig ko.
Hindi pa rin magawang sumang-ayon ng isip ko ngunit alam na alam ko kung gaano kumapit ang puso ko sa mga sinasabi ni Kloto, na para bang gusto'ng-gusto niya na ako ang anak ni Diyosa Athena.
"Ngunit impossible iyon—"
"Ikaw ang nakatakdang magpakasal kay Prince Carlos." Muntik na akong mapa-oo kaagad sa sinabi niya, mabuti nalang ay natakpan ko ang bibig ko.
"Po?"
"Hindi mo ba alam? Panigurado akong napanaginipan mo ang tungkol sa iyong katauhan." Sambit niya at pilit kong inaalala ang panaginip ko 'nung nahimatay ako.
"Mabubunyag na ang pinakamatatag na kinimkim na sikreto sa lahat ng mga taga Gond at Zaroth. Hindi na muli'ng mawawala at mapapalitan ang pagkatao ng dating pinarusahang kalahati'ng Gondian at kalahating Zarothian. Magbabalik siya at may ililigtas. Ang anak ni Diyosa Athena. Kailangan na siyang mahanap para mailigtas ang isang importanteng buhay at para makamit muli kasiyahang tinataglay ng lahat." Napatikom ang bibig ko sa naalala ko.
"At alam mo kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon?" Napailing ako. "Dahil ginawaran ka na ng iyong inang si Diyosa Athena ng pagiging immortal. Muling babalik ang mga pakpak mo sa oras na maayos mo na ang kalagayan ng reyna Carolina at mapakasal ka na kay Prinsipe Carlos."
Napahawak nalang ako sa ulo ko at napaupo. Oh jusko, bakit ngayon ko lang ito nalaman?
Naramdaman kong tumabi sa akin si Prince Carlos at hinagod ang likod ko. Napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang ngumiti kaya napangiti na lamang din ako.
"Malalampasan natin ito." Sambit niya. "At nagagalak ako na ikaw ang mapapangasawa ko." Muli akong napayuko dahil uminit bigla ang pisngi ko. Pinigilan ko din ang sarili kong mapangiti ngunit hindi iyon matatago kaya hinarap ko na lamang si Prince Carlos habang nakangiti.
Ngunit tila napawi iyon nang biglang dumampi ang labi niya sa labi ko. Shocks! Pinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko lang ang first kiss ko kapag ikinasal na ako!
Pagkatapos ng smack na iyon... ehem. Ay lumapit ang bibig ko sa tenga niya. "Isa kang tukso," bulong ko at napatawa siya.
"Pasensya, babawiin ko nalang ang halik ko." At walang anu-ano ay hinalikan niya ako muli. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nahampas ko siya sa balikat niya.
"Pero bago ang lahat..." nanlaki ang mga mata ko sa tinig ng Hari. Oo nga pala, nandito pa pala kami, lahat sila ay nakatingin sa amin kaya namula 'yung mukha ko. Nakakahiya. Ang dumi na siguro ng tingin nila sa akin. "Kailangan muna natin maisaayos ang lahat. Pero bago muli 'yon. Nais kong ipahiwatig ang kasiyahan ko sa mapapangasawa mo, Carlos. At sana, maipagamot mo si Carolina." Kasabay ng paghalik ng Hari sa reyna sa noo.
"Welcome to the family, Athena." Sambit ni Reyna Carolina kaya napangiti ako kasabay ng mga palakpakan.
I didn't know this terrible day would also be joyful.
BINABASA MO ANG
One Magical Tale
FantasíaGond. Zaroth. When you enter these places, everything will turn upside down. And your world will be opposite to the world you used to be. It's for you to find where you're going to blend in. She's Athena. Assigned to do the task she thought was impo...