Crush at First Talk (FrancElla)

1.5K 9 3
                                    

Naniniwala ka ba sa CRUSH AT FIRST TALK?

- Aba'y bakit naman hindi diba, kung may Crush at First Sight nga eh, edi syempre first talk meron din!

-Bakit naman ako maniniwala dyan. sus! Malay mo nagbabait baitan lang pala sa simula tas masama na ugali sa dulo, nag feeling close pa ako! Di nooo!

Ang Bitter naman neto! Crush nga lang eh, kulet mo din eh noo!

Paano nga ba nangyayari ang Crush at First Talk?

Hindi ka naman siguro magkaka-crush kapag yung nakausap nyo bad breath diba! Jusko! Mahiya naman sana sya sa katawan! Hahaha

Uhm, nasa boses ba yun? Yung tipong nag british accent sya .. nga nga ka!

Uy! Tanong mo nga kung kamag-anak nya si Harry Styles! Taray, bristish lang kamag-anak agad si Harry! Hahahaha!

O sige na! I kwento na nga ang crush crush na yan!

Meet Ella And Francis :)

(EllaPOV)

"Tapos gurl alam mo ba, ang saya talaga sa section namin! Akalain mo yun .. first day palang pinagalitan na kami! Hahahaha! Astig"

"Hehehe, talaga?!"

"Oo gurl! Tapos ang ganda pa nung adviser namin! Nakakalurky!"

Oo nalang ako ng Oo sa mga pinagsasabi netong babaeng to, ewan ko ba kung nang iingit eh, kase kanina pag kapasok ko ng classroom sobrang tahimik tapos isa nalang yung vacant seat, katabi nung creepy na lalaki .. 

Bakit creepy? Eh kase naman po naka jacket sya ang init init, take note naka hood pa ha!

Dinaig pa nya si Robinhood, bastaaa! 

*Bell RINGS*

"Gurl! Time na, punta nako sa room ko ah, kaw din! Enjooy!" tignan mo to, ENJOY? Paano?!

Pumasok nalang ako sa classroom ko at umupo sa upuan ko, as if I have a choice.

Hanggang sa dumating na yung teacher namin, poker face lang ako. Kase naman eh :/

"Class, kindly get your notebooks for I will be giving you new informations about the school"

K.Payn.

Nagulat ako nung may kumalabit saakin ...

"Hi Miss, pwedeng pahiram ng ballpen?"

"Ba-ballpen?"

"Ay! Hindi Lapis"

Tignan mo to, sya na ngang nanghihiram .. sya pang mambabara ! Putek! -______-

"Ay, hindi na miss, sorry na .. haha! Pahiram please?!"

"Oh, eto! Isoli mo haaa"

"Malamang! Hiram nga lang eh, hindi naman arbor! Maliban nalang kung ibigay mo sakin to"

"Oy! Sobra naman toh! Ang mahal mahal ng ballpen na yan eh!"

"Hahaha, biro lang naman! Francis nga pala"

"Ella, teka! Bakit kanina, cover na cover ka?"

Napansin ko kase na hindi na nya suot yung jacket.

"Eh, kase natutulog ako kanina eh, alam mo naman para-paraan"

"Hahaha, baliw to! First day na first day natutulog!"

"Hahaha, you know puyat!"

Awit Ng Kabataan (One-shots collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon