Hi Guys! Sa phone po ito, dahil nagre-review ako, kaso etong bad influence niyong author tinatamad kaya eto ang ending gumagawa ng bagong one-shot, gusto ko lang naman kase ishare yung nangyari sakin kanina sa happy crush ko, bwahaha.
P.S: Sa computer ko nalanf ibo-bold yung mga sinasabi ng character, KK?
Jessica Jung (SNSD) as Patricia
Myungsoo (Infinite) as Leonardo
X O X O
Patricia POV.
Tuesday ngayon, trip ko lang sabihin kung anong araw ngayon kaya wag ka nang kumontra, nakikibasa ka lang, haha. Peace!
"Pat! Mag si-six twenty na." sabi ni Ate. Ahh, 6 palang pala eh-- teka 6:20?! As in 6:20 ng umaga?! Hindi ba 5:20?! Nagbibiro ba kayo? Ohh Ashdjdniejsosbisjajs!!!
Dali dali akong bumaba ng kama dahil nasa double deck itong hinihigaan ko, actually tumalon na pala ako, pano ba naman kase 6:40 ang pasok ko sa school tapos malapit na mag 6:20 eh bawal na akong ma-late, faakk!
Pag dating ko sa may banyo -- double kill!
"Tashaaa~!!! Bilisan mo namang maligo! Mala-late na ako! Kanina ka pa gumising ah! Bat nasa banyo ka parin?! Uyyy~!!!" kalabog ko ng pinto sa kapatid kong naliligo pa, ahuehue, ang tagal eh.
Pero nakalipas na ata ang 5 minutes at hindi padin siya nakaklabas ng banyo, ano bang klaseng paliligo at ginagawa niya sa loob?! Wala naman kaming bathtub, tanging tabo at tubig lang naman, tae!
"Tashaaaaaa~!!!!!" sigaw ko. Huhuhu. Pano ko pagkakasyahin yung natitira kong oras? Maliligo, magbibihis ?! Hindi naman ako si flash para matapos kagad yun, duh, dalaga ako at marami akong ritwal sa banyo, ewan ko ba dito kay Tasha, 11 palang naman, excited masyado.
"Eto na!" sabi niya paglabas niya ng pinto, agad ko na siyang tinulak dahil naasar ako sa pagmumuka niya, at naligo na ako.
(After washing everything and such)
Time check: 6:36 FAKKKK~!!!
Lagay salawal, lagay ng sando, lagay ng shorts, deodorant, pabango, uniform, medyas, tuyo ng buhok, suklay, suot sapatos, suot id, ngiti sa salamin.
Time Check: 6:43 Oh Gosh!
Dali dali akong bumababa ng hagdan, maganda parin ako dahil hindi ako nadapa, at laking pasalamat ko na rin ang malapit ang bahay ko sa school kaya kering keri kong takbuhin, kaya ayun akala ko may asong humahabol sakin.
Alam mo yung swerte? Yung hindi kinonsider ng principal na late ka! Ahhhh~!! Hindi ako masu-suspend! Tehee. Paakyat na ako ng classroom, feel ko dahil hindi ako late, ang laki ng ngiti ko, mukha akong tanga, ano bang nangyayari sakin?
(boogssh) korni.
"Aray!" boses ng lalaki
"Ay! Sorry poo." sabi ko.
"Ano ba yan Patricia, kung saan saan ka kase nakatingin eh" sabi ni -- Leonardo?!
"Ay! Sorry naman, di na mauulit." sabi ko tapos dumiretso na ako sa locker, si Leonardo, classmate ko yun, di nga lang kami close, famous kase barkada niya eh, nakakahiya naman sakanya. Hahaha!
"Buti pumasok ka pa, anong oras na oh" sabi ni Merene, bestie ko, kita mo na, kapapasok ko palang ng room ang ganda na kagad ng salubong sakin, haha.
"Syempre, maganda ako eh" sabi ko.
"Ano ba! Ang aga aga nagjo-joke ka!" He-he-He
Nagtuloy-tuloy lang yung araw-- boring. Inaantok ako, wala naman kasi silang ibang ginagawa kundi mang pressure ng estudyante sa kung anong ipapasa, oh school, school, school.
"Okay! Gumamit ng red ballpen sa pagche-check!" sabi nung terror teacher namin sa filipino, nag test kasi kami, kita mo na, mageexam na kaya kami tapos nagqu-quiz pa, anak ka ng kalabaw,oo!
"Uy! Nasan yung kay crush?" sabi ko kay bestie, mag exhange kase yung grupo namin at yung grupo ng crush ko, pero parang wala naman yung papel niya, nakakainis ah!
"Ewan! Inuna mo pa talaga yan ah!" sabi niya, huhuhu, Forever no suporta, anu ba!
Nag check nalang ako, then it turns out sobrang hirap pala, matalino kase yung chineckan ko, kaso 28/50 lang siya, pasang awa. Ako kaya? Juice ko po! Help me.
"Ibalik na sa may-ari yung papel." isa-isa kaming nagtayuan para isoli yung chinekan namin, lumapit ako kay Dan, siya yung chinekan ko, duh.
"Patricia oh .. " dugdug dugdug, sabi ng puso ko.
"Thank you." sabi ko, ngumiti naman siya, tumango lang ako.
Oh Shit. I'm sorry.
"Uyy~! Nakita ko yun ah" sabi ni bestie
"Ang alin?"
"The one who gave you the paper? Yiiieee. Kaw ah!" sabi niya, eto talagang babaeng to, kabisado ako, pano ba naman kase, halata yata ako masyado eh, huhuhu.
"Ehh~! Kase naman eh, hinahanap ko yung papel niya kanina, tapos wala, tapos pagpunta ko dun nasakanya yung akin, ang akala ko na kay Dan din eh" sabi ko, tumawa naman siya
"Meant to be ang puta!" hehehe, nang asar pa ang bruha, pero shemay hindi ko mapigilan!
(History Subject)
"Good Afternoon class, sino dito sainyo ang in a relationship?" tanong nung teacher namin, isa isa naman kaming nagsilingunan sa isa't isa, syempre, may mga nagtaas ng kamay imposible namang wala samin ang single diba, alam mo naman ngayon -- joke!
"Okay, eh sino naman dito yung mga na friend zoned? Yung mga na seen zoned? Yung mga napag-iwanan?" sabi ulit nung teacher namin, yung mga kaklase ko naman nagsimula nadin mag-ingay at magsabi ng aww, letche! Ang OA niyo ah!
"Eh yung may mga crush pero hindi magawang umamin?" sabi ulit nang teacher namin, tumingin tingin ako sa paligid, syempre para hindi niya mahalata na titignan ko siya, yiiee, gawain ng may crush eh, haha
Dahan dahan akong lumingon sa direksyon niya-- sheeett!
He's looking at me, then he's smiling, what does that mean? Baka naman nakatulala lang siya at may inaalalang memory kaya nakangiti, diba?! Huhuhu. Ayokong umasa
"Ayan! Then today we will going to discuss about the cold war, alam niyo ba yung ibig sabihin ng cold, eto yung tipong bitter ka sa ex mo at hindi mo siya pinapansin, yung tipong magkaaway o magkagalit kayo pero hindi kayo nagsasakitan, nagpaparinig, oo. Yun ang cold" sabi nung teacher namin.
"Sir naman eh, nagpaparinig." daing ni Elisa, isa sa mga kaklase ko.
"Uy! Hindi, yun naman talaga ang cold ah." sabi ni Sir, natawa naman daw ako dun, madami kaseng nakakarelate eh.
"Ang cold war ay nagsimula sa bansang Amerika at Russia, noong panahon ng pakikipaglaban, nasakop ng Turkey ang bansang Russia, ngunit pinalaya din sila ng Amerika, noong World War 2 naman, Amerika is slowing down, but Russic cames in to save them." sabi ulit nung teacher namin.
"Tapos itong bansang Amerika, nagkaroon ng inggit sa Russia, ganun din ang Russia sa Amerika, kaya ayun, pinatuyan nila sa isa't isa ang kanilang kakayahan, sinakop ng Russia ang North Korea, China, North Vietnam, Eastern Germany at Baltic States, samantalang ang Amerika, ang kabaliktaran ng mga bansang yan, nariyan ang South Korea, Philippines, South Vietnam .. etc!" sabi pa nung teacher namin.
"Ngunit natapos lang ang gulo ng matalo na ang mga kakamping bansa ng Russia at nang pumunta ang presidente ng Amerika na si Harry Truman sa Russia." sabi nung teacher namin.
"Kaya naman, kung kayo ay may kaaway, puntahan at kausapin niyo nalang din, para hindi na lalo pang lumaki ang gulo." sabi ulit nung teacher namin.
To be continued.
BINABASA MO ANG
Awit Ng Kabataan (One-shots collection)
Hayran KurguThis is a one-shot collection. You can request me your favorite loveteam so I can made them one.