Bakla ka! [ JerNella ]

1K 16 2
                                    

"Bakla ka, aminin mo na .. nahiya ka pa eh."

Janella Salvador as Melly Banal

Jerome Ponce as Zelden Del Rosario

**********************************************************************************************************

Melly POV.

"O sige sige, hintayin nyo kami sa 7/11 ah!" 

"Okay sige, bilisan nyo ah!"

"Oo! Sandali lang kami, sige gora na kayo."

Kasama ko ngayon si Bal, yung gaylalush kong friend, nagpasama kase ako sakanya, naiwan ko kase yung notebook ko sa classroom, pagpasensyahan medyo tanga, hahaha. Yung kaninang kausap ko sina Karla, Kaila, Patrice, Joanna, Rae at Saimon yun, barkada ko. Pinauna ko na sila sa 7/11 ang tinaguriang tambayan namin, kase kaysa naman lahat sila sumama pa sa pagkuha ko ng notebook diba.

"Bal, bilisan mo naman!" sabi ko sakanya, kase ako halos nagtatakbo na with matching tulo ng pawis with labas dila kase hinihingal na, samantalang siya, aba'y! Kung maglakad akala mo may fashion  show.

"BALDOVINA!" hinihila ko na yung kamay niya, eto talagang baboy na to, nagpapabigat pa!

"Ano ba Melly, umaalog yung bugelya ko sayo eh" kahit kailan talaga, oo!

"Hay nako! Sa susunod kase mag-suot ka ng bra, ok? Ang arte neto! Bilis na kase!"

"Eto na nga oh! Magfu-fun run tayo!" hinila niya naman yung kamay ko, at ayun! Para kaming tanga na patakbo takbo sa corridor, ano ba ito?!

"Bal! Ang bilis mo, huwag mo na nga akong hilahin, kapag ako nadapa, isu-subsub kita diyan sa sahig!"

"Napaka reklamadora mo, Melly! Kanina sabi mo mabagal tapos ngayon nagrereklamo ka na masyadong mabilis, ano ba talaga?!"

"Normal lang, oh tara na!" hahaha. Teka lang, bakit parang double meaning yung kanina, ang vastos ko naman, enebeyen, hahaha. Hanggang sa finally, dead end. Narating nadin namin ang mahiwagang classroom ng St. Peter, and oh my gosh! Ayun yung notebook kong color violet oh, ang ganda ganda, kasing ganda ko.

"Tara na Bal! Nakuha ko na"

"Very good, tara na! Maga-ice cream party tayo!" everyday yang ganyan si Bal, manlilibre ng ice cream sa 7/11 yung tig 15 pesos, ice cream partey daw, kaya ayun, lahat happy happy.

Papalabas na sana kami ng gate ng SFNPS University ng may tumawag saakin, si Zelden.

"Melly!"

"Uy! Zelden!"

"Saan kayo pupunta?"

"Sa 7/11, manlilibre si Bal"

"UY! Sama ako!" sabi ni Zelden. Bigla naman siyang ngumiti at kumindat kay Bal.

"Hampas lupa ka! Ayoko, kung sasama ka, hindi kita ililibre! Che!" aba ang taray netong bakla tong, may pa look away .. look away pang nalalaman, kung maka irap wagas, sarap dukutin ng mata eh, haha.

"Babe, wag naman ganyan. Paano na yung mga pinagsamahan natin noon?" sabi ni Zelden at niyayakap yakap si Bal. Ang landi! Eto namang si Bal umaarte pang nandidiri, pero deep inside, nagtatalon na itey sa tuwa, jusko!

Awit Ng Kabataan (One-shots collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon