Kayo na ang humusga sa magiging daloy ng kwento, salamat po.
xxxx
Seth POV.
"Guys! Ano? Pagod na ako mag practice, laro naman tayo!" pag-aaya ni Lester, kanina pa kase kami nagpra-practice para sa event ng school namin, tutugtug kase kami dun, para saan pa na naging banda kami diba.
"Oo nga! Gusto kong mag basketball! Ano DJ?" sabi ko naman, sabay lapag ng gitara ko sa lamesa at tapik sa balikat ni DJ.
"Eh-- ano kase eh" kelan pa to nag-alinlangan maglaro pagdating sa basketball? Tae naman!
"Brad, kailan ka pa tumanggi pagdating sa basketball?" sabi naman ni Katsumi na inaayos na din yung gitara niya, may problema ba si DJ?
"Wa-wala naman mga tol, sige tara na!" sabi ni DJ at inayos na din yung gitara niya. Lumabas na kami sa music room kung saan kami nagpra-practice, gabi na din pala ng hindi namin napapansin, kaya naman medyo madilim na paglabas namin sa corridor.
*creek*
"Shit! Ano yun?" sabi ni JC, bigla nalang kasing may bumukas na pintuan, yung sa stock room pa, shizz, tumataas balahibo ko.
"Hahahaha." bigla nalang may narinig kaming tawa ng babae, at sigurado kaming galing yun sa stock room.
"Shit! Shit! Shit!" sunod sunod na mura ni DJ at nagulat nalang kami nung pumasok siya sa stock room, hala!
"DJ!" sabay na tawag namin ni Katsumi.
Sa sobrang pag-aalala ko, pumasok na din ako, naririnig kong tinatawag nila ako, pero wala na akong pakialam, dahil wala ng silbi ang pagiging best friend ko ni DJ kung hindi ko siya susundan, madilim sa loob, pero dun sa pinaka sulok may ilaw na maliit, at naririnig ko pa din yung tawanan, ano ba to? May party ba dito?
"O my goodness! Whoo! Ano ka ba naman kase, bakit ba kase kayo nandito?" narinig kong sigaw ni DJ, so ibig sabihin may tao dito? Dali dali akong tumakbo doon.
"DJ!" sabi ko, nakita ko naman na yakap yakap ni DJ si Kathryn? Anong ginagawa dito ni Kathryn?
"Bro! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni DJ bago niya bitawan at halikan sa noo si Kathryn.
"Natakot kase kami bigla ka nalang pumasok dito sa stock room, eh ang dilim dilim, kaya sinundan kita" sabi ko, tumango naman siya at inakbayan ako, tapos hawak ng isang kamay niya yung kamay ni Kathryn.
"Kase itong loko kong girlfriend, kasama pa pala dito sina Miles at Julia sa stock room, aba hindi ko alam kung bakit!" sabi ni DJ, oo nga pala, nasa likuran namin sina Miles at Julia na nagtatawanan.
Paglabas namin sa stock room, nakita ko yung tatlo na nakaabang sa pintuan, mga tanga talaga! Paano kung may nangyari sa loob, hindi man lang rumescue, bwiset!
"Beb, maglalaro kami ng basketball, ok lang?" nasa kotse na kasi kami, si Lester yung nagdri-drive, ako yung nasa shotgun seat, tapos yung nasa gitna, si DJ, Kath, Miles, at Julia, yung nasa pinaka likod naman si Katsumi at si JC. Yung nagpapaalam na beb si DJ yun.
"Hmm. Saan?" tanong ni Kath.
"Saan ba tayo Les?" tanong ni DJ
"Doon malapit saamin, yung sa may parking, game?" sabi ni Lester, tumingin naman ulit si DJ kay Kath, tae! Oo nilalanggam na kami dito sa kotse
BINABASA MO ANG
Awit Ng Kabataan (One-shots collection)
FanfictionThis is a one-shot collection. You can request me your favorite loveteam so I can made them one.