Friday the 13th (NashLene)

1.1K 6 1
                                    

PAKI BASA!

Kung sakaling panget yung pagkakatype, which is panget naman talaga, haha! Wag na kayo magreklamo Uyy! Phone po ang gamit ko, at tats screen pa! Masakit po sa kamay pramis!

Tapos, alam kong kahapon pa yung friday the 13th pero wala lang, ayoko lang makisabay, haha! Pa special ako eh. Hindi naman to horror, di ako marunong nun eh.

Haha! Birthday ni Niall Horan kahapon, yiiieee. Sorry Directioner eh, wahahaha. Special day ko din ngayon kaya gift ko na to sainyong readers! Thank you Guys!

-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/

"Sundaaayy Morniing rain is falling! Share some cover! Share some skiinn, finger trace your every outline, oohh yeeaaahh" haaaayyy! Good morning sainyo ah! Ewan ko ba good mood lang talaga ako ngayon na kahit friday ng umaga ngayon eh, sunday morning yung kinakanta ko, hahaha!

Okay! Papasok na ako sa banyo, anong gagawin ko dun? Kayo ahhh! Stalker ko kayo nooo! Joke lang. Malamang maliligo, maghihilamos, magto-toothbrush, maghuhugas, magbabanlaw, magsasabon, magsha-shampoo, iihi, tatae. Oh?! Solve na? Hahahaha.

"Good Morning Maaaaa!" sigaw ko kay mama pagkababa ko sa kwarto ko, syempre nakapag bihis nadin ako, try nyo bumababa ng nakahubad -,-

"Good morning din nak! Good mood tayo ah!"

"Opkurs Ma! Hahaha. Anyway highway ano pong ulam ngayon?"

"Wala, pancakes meron"

"Aba! Sumo-sosyal tayo madir dear ha! Dati rati tuyo ngayon PANCAKES?! Pang mayaman!"

Agad naman akong nakatikim ng batok kay mama, wag atat hindi pa pancakes -,-

"Aray ko naman Nay! BI ka sa readers natin, namamatok ka!"

"Anong readers pinagsasabi mo? Sobrang kahibangan na yan ah Sharlene!"

"Di naman nay! Sige na nga bye na! Pakagat lang akong isa" tumayo na ako sa lamesa at inagaw yung tinidor ni mama, hahaha.

"Sige na! Mag-ingat ah, nakooo! Uso pa naman ang rape sa labas, holdap, carnap, childnap, sleepnap"

"Huh? Nay anong pauso yung sleepnap?!"

"Idlip yung anak, kadalasan ginagawa ng mga bata pag inaantok at pagod, haha. Siya sya tsupi na!"

"Push nyo yan Nay! Love you bye" sabi ko at tuluyan ng lumayas sa bahay. Medyo malapit lang naman yung school dito saamin, pero dahil natatamad ako, papara ako ng tricycle!

Bigla naman may dumaan na mabilis sa harapan ko tapos as in sobrang lapit, nahangin pa nga yung palda ko, tapos akala ko mahahagit ako pero hindi pala dahil ...

.

.

.

.

.

.

.

May mamang gwapo yung humagit sakin dahilan para mapayakap ako sakanya ng di oras, ang bango niya haaa! Hmmmmm.

"Uhhm miss, ayos na! Wala na yung tricycle sa susunod kase mag-iingat ka, barnie pa yang panty mo, kadiri!" ABA! Ang sungit at bastos pala netong lalaking to! Akala mo kung sino kang gwapo at mabango! Ang kapal ng mukha neto.

"Bastos ka pala noo kuya! Pero salamat ah, grabe!" sarcastic ko sabi sakanya, teka?! Double meaning ba yun? Salamat kase -- aiissh! Wala yun! Hahaha.

Hindi na sya nag welcome, sungit talaga! Tapos nagdire-diretso na din sa paglalakad, nakakakaasar naman! Ang ganda ganda ng mood ko eh sisirain nya lang?! Haaaayy.

Awit Ng Kabataan (One-shots collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon