~ @Jailenash28 ~

476 12 11
                                    

Daldalita: Hi Ate! Sana po magustuhan niyo, kinakabahan ako, hahaha. Sana po sumang-ayon naman sa panglasa niyo, choss! Ito na po, sorry din po kung ang tagal tagal, syempre free na ako ngayon, bakasyon na eh, hahaha. Okay ang daldal ko na, buhyers!

X O X O.

"Hi, ako nga pala si Christian." ano daw? Ang gwapo gwapo naman netong nasa harap ko, salita siya ng salita pero wala namang pumapasok sa isip ko, ay jusko day! Ang gwapo talaga niya, artista ba itech?! Ano nga bang sabi niya, putek! Natutulala ako, nakakahiya.

Inabot niya yung kamay niya sakin, anong gagawin ko diyan? Tinatanong niya ba ako kung gusto ko daw ba mag runaway kasama niya? Waaaahhh. Sasama ba ako? Yung mukha niya ang cute cute parang hinihintay ako magsalita, emeghed naman! Tulo na laway ko, nahulog pa salawal ko, over over na!

"Hoy friend! Ano na, kinakausap ka oh, nangangalay na nga siya!" natigil lang ang pagde-daydream ko ng batukan ako neto ni Sofia, walanjo! Makatulak, halos tumalsik na ako dun sa may hagdanan, arey ke nemen!

"Ano daw ba yun? Pasensya puyat kagabi, antok pa, wala tuloy ako sa mundo ngayon! Ano ulit sabi mo?" sabi ko, aba'y syempre hindi muna ako magpapahalata no, ang galing ko talaga magpalusot, talent ko yun noo! Nanalo na din ako ng madaming awards dahil dito, chos! Joke lang!

"Hay. Ako nga pala si Christian, ikaw si?" sabay abot ulit nung kamay niya, ahh.

"Angeli. Nice to meet you" masiglang sabi ko tapos inabot ko yung kamay ko, gahd! Ang lambot ng kamay niya, ang sarap sarap hawakan, emeghed! 

"Uh, Angeli nice to meet you too, yung kamay ko nga pala." Ayy! Ang kill joy naman neto, nageenjoy pa ako sa kamay niya eh, tapos biglang binawi, ano ba naman to, panget! Lumayo ka nga sakin! Hahaha. Joke lang!

"Pasensya, ang lambot kase ng kamay mo, ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganun, hehe." sabi ko, tumawa naman siya, echoesero! Mukha ba akong clown?! Bwiset! Ginulo niya pa yung buhok ko, bwiset! Kala mo naman close na kami agad, kakakilala lang eh, ay nako!

"Haha. Sige nice to meet you Angeli, Sofia .. una na ako ha. Bye! Ingat kayo" sabi niya sabay kaway, uwian na kase eh, tapos hinila lang ako ni Sofia dito dahil may ipapakilala daw siya, okay. 

"Alam mo, bagay kayo ni Christian." sabi bigla ni Sofia, ano nanaman kahibangan ang pumasok sa utak niya?

"Talaga? At dahil diyan mauna na ako ah, ingat ka Sofs!" sabi ko, tumawa naman siya tapos tumango, ako naman tong umalis na din. Langya talaga yung babaeng yun. Kung sino sino nalang yung pinapakilala sakin.

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

"Tapos? Ano na pong nangyari?" tanong nung mga bata na katabi ko, nakakatuwa namang isipin na interasadong interesado sila sa buhay ko. Hahaha!

"Oo nga po, naging boyfriend niyo po ba si Kuya Christian?" ayyt! Ang babata pa, boyfriend boyfriend na agad, echos tong mga batang to.

"Boy friend agad! Kayo ha, ang babata niyo pa, oh eto na itutuloy ko na nga" sabi ko sakanila, at lahat naman sila nagpalakpakan, haha. Ang cute cute nila.

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

"OMG! So gwapo talaga!" sabi ko habang nagtitili, emeghed, bakit ang gwapo gwapo niya, ang hot niya pang gumalaw. 

"HOY! Anong drama mo diyan ha Angeli?!" nagulat nalang ako nung may babaeng sumigaw sa gilid ko, lang ya! Panira naman to oh, ang saya saya ng view ko, siya nga pala si Abi or Abigail, best friend ko, second year na ako ngayon, ang bilis ng buhay noo, parang life. Hahaha! Basta ba masaya ka, mabilis talaga eh

Awit Ng Kabataan (One-shots collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon