x a n d r a
"BEBE!"
"BEBE!" tuwang tuwang sabi naming dalawa, grabe! Ang tagal din naming hindi nagkita dahil sa bakasyon, sigurado akong madami nanaman kaming kwento sa isa't isa, nako naman naeexcite ako.
"Anong section mo?" sabay na sabi namin sa isa't isa, haha. Para kaming mga baliw.
"St. John/ St. John. AHHHHHHH!" sabay na sabi ulit namin, para kaming kambal ah, parehas yung kilos pati yung salita, kaya hindi na ako magtataka kung pinagtitinginan kami dito sa hallway, haha. Daig pa namin yung matagal na matagal na nahiwalay sa pamilya, kung magsigawan at magyakapan kami parang 5 years kaming hindi nagkita, haha.
"Tara na nga Bebe!" yaya niya sakin, siya nga pala si Georgina, or Ina nalang, maganda yan, syempre bebe ko eh, haha.
Pagpasok namin sa classroom bigla naman napa "oh my gosh" tong bebe ko, anu meron? Yung pinaka masungit ba na teacher ang adviser namin, or baka naman madaming bullies? Ano ba?! Bigla siyang tumalikod sakin tapos parang nagtatago ng kilig, yung mukha niya pulang pula tapos nakaipit yung boses, basta tumitili ang bruha.
"Hoy! Ina! Ok ka lang ba? Ano ba meron? May artista ba sa loob?" di ko pa kase nasisilip yung classroom nasa likod niya ako eh, siya lang ang nakakita ng classroom, tapos pagkapasok niya bigla siyang tumalikod at hinila ako dito sa may likod ng pintuan tapos nagtitili, di ko tuloy malaman kung ano yung nangyari eh
"Whhaaaaaa! Bebe!!! AAAHHHHHHHH!" sigaw siya ng sigaw, nakakabinge na promise! Ano bang nangyayari sa babaeng to?! Pwedeng sampalin? Hahaha. Huwag na baka magalit at masapak ako pabalik eh, haha.
Inalog alog ko nalang yung balikat niya, para naman kumalma siya at makapag salita, nawe-weirduhan na kase talaga ako eh, bwiset! Hindi naman ako manghuhula noo!
BINABASA MO ANG
Awit Ng Kabataan (One-shots collection)
FanficThis is a one-shot collection. You can request me your favorite loveteam so I can made them one.