Stupid Secret (JerNella)

382 9 4
                                    

Note: Hiii~As you can see naka hiatus ako sa account na ito, hahaha XD Wag niyo ng itanong kung bakit, pero tinignan ko siya kanina, then it surprised me na madaming nagre-request ng another JerNella one shot so ito na sya, naka mobile lang po ako kaya pasensya na :)

----

"Ano ba Jerome! Ayan ka nanaman eh! Napaka papansin mo talaga!" umagang umaga palang ay rinig na rinig mo na yung matinis na boses ni Janella sa classroom nila, malang sa malamang ay nagtatalo nanaman sila ni Jerome, wala ng araw na natahimik sa classroom nila dahil sa boses ng dalawa, hay nako jusme! Ano ba kasing dahilan?!

"Hahaha, wala naman akong ginagawa sayo Janella ah?" sabi ni Jerome at kumindat kindat pa na mas lalong kinaasar ni Janella kaya inirapan niya ito

"I hate you." Janella mouthed Jerome tapos umirap siya, then that made Jerome smile like an idiot, gustong gusto niya kapag napipikon ang dalaga, sobrang nacu-cutan siya dito

"You love me too much that's why you can't hate me" bulong ni Jerome sa tenga ni Janella, magkatapat kasi sila ng upuan, nasa likod si Jerome at nasa harap si Janella, kaya naman easy access kung aasarin niya

Namula naman si Janella sa sinabi ni Jerome at dali daling tumayo, lalabas sana siya ng classroom ng pumasok si Julian Estrada sa classroom, parte si Julian ng isang grupo sa school nila, sikat, gwapo and ofcourse crush ng bayan, hindi ito namalayan ni Janella dahil nakatungo siya kaya naman bumungo siya sa chest ni Julian kaya naman napayakap sakanya ang binata para saluhin siya

"Oh my gosh! I'm so sorry Julian!" sabi ni Janella sa binata na nagpatawa dito, tapos tinaas niya ang dalawang kamay niya para bang surrender, hahaha

"Hey it's okay, hindi mo naman kasalanan" sabi ni Julian sakanya at kinindatan siya, kaya nanlaki ang mata ni Janella, hindi siya kinikilig nagulat lang siya, hahaha.

"Dude!" biglang singit ni Jerome at palihim na hinawakan ang isang kamay ni Janella, nakuha niya pang tumingin sa dalaga at nag smirk

"Oh? Well uupo na ako, may sasabihin ka ba?" sabi ni Julian kay Jerome pero dahil wala naman siyang sasabihin at gusto niya lang talagang sumingit sa usapan ni Janella at Julian umiling nalang siya kaya umupo na si Julian sa upuan niya, hinila naman ni Jerome si Janella papalabas ng classroom nila at ipinasok ito sa classroom na vacant kung saan walang estudyante at guro

"Alam mo Janella pikon na pikon na ako sayo ah!" sabi ni Jerome, ang cross arms sakanya si Janella

"Wala akong ginagawa!" sabi ni Janella at binaling yung ulo niya sa right side para hindi makita si Jerome dahil naiilang siya

"Hindi yun ang tinutukoy ko." sabi ni Jerome kaya kinabahan siya, napatingin sakanya si Janella, at napakunot ng noo

"Ayaw mo na ba? Pagod ka na? Do you want us to stop?" sunod sunod na tanong ni Janella sa binata, kinakabahan siya, sobra, yung dibdib niya kabog ng kabog, natatakot siya sa isasagot neto sakanya

"No, pero yes pagod na ako, I'm tired to hide this stupid secret of ours!" sabi ni Jerome kay Janella at niyakap ito, niyakap din siya pabalik ng dalaga

"Sorry, I'm so sorry, alam mo namang teacher si mama dito diba at principal si papa, kaya konting tiis pa." sabi ni Janella sa binata, tumango tango si Jerome at hinalikan ang noo niya, oo magkasintahan sila, secret lovers, matagal na.

"No need to hide it anymore, alam ko na" isang pamilyar na boses ang gumulat sa dalawa, napahiwalay sila sa yakap at unti unting tumungo, ang mama ni Janella

"Tita .." tawag ni Jerome dito habang nakatungo padin

"Shh, kelan pa to?" tanong ng nanay ni Janella naka cross arms sa harapan nila

"1 year and 5 months na po tita" sabi ni Jerome, matagal niya din niligawan si Janella ng palihim syempre dahil bawal pang mag boyfriend si Janella, but love destroy all barriers ..

"Sorry po ma" sabi ni Janella habang nakayuko pa din

"Don't be, matagal na naming alam ng daddy mo, nung nililigawan ka palang niya, were happy for the both of you, lalo na sayo Jerome, ang laki ng pinagbago mo mula nung naging kayo ni Janella" sabi ng nanay neto at nakangiti sakanilang dalawa, kumunot naman ang noo ng dalaga

"What? But that means na ok lang po sainyo ma?" tanong ni Janella kaya tumango ang nanay niya, hindi na napigilan ni Janella at dali daling lumapit sa mama niya at niyakap

"Thank you ma! I love you!" sabi ni Janella, nag i love you too ang mama niya at niyakap siya ng mas mahigpit at hinalikan ang tuktok ng ulo niya

"O sige na, labas na, may klase pa ako dito!" sabi ng mama ni Janella kaya naman lumabas na si Jerome at Janella ng magkahawak kamay, malaki ang ngiti nila, oo na sila na ang masaya at inlove, susme!

Bago pumasok sa classroom, hinigit ni Janella si Jerome, sinadya niya ito para sumubsub siya sa chest ni Jerome kaya napakayakap sakanya ang binata

"There, fair na with Julian" sabi ni Janella na nagpangisi kay Jerome, niyakap niya ng mas mahigpit si Janella, at hinalikan ang noo neto

"I love you, and finally our stupid secret is out" sabi ni Jerome na nagpangiti sakanilang dalawa.

----

ANG PANGET TT TT Kill me now, ganyan ang one shot na hindi pinag isipan hahaha, basta gawa kaya pagpasensyahan niyo na po ako, ganyan talaga pag lutang </3

Awit Ng Kabataan (One-shots collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon