A/N: Naisip ko lang kung ano kaya yung mangyayari pagkatapos ng Must Be Love :-) HahaY!
/PatchotPOV/
Kakatapos lang ako isayaw ni Ivan. Nagsayaw kami kasabay sa pagputok ng mga fireworks. Ganito pala ka-romantic ang bestfriend ko.
Nakaupo kami ngayon dito sa may view deck. Nakatingin sa mga bahay bahay na may ilaw. Ang ganda pagmasdan. Parang bang mga bituin na nasa ibaba. Parang bang napaka liwanag ng mundo. Yung tipong kahit saan ka tumingin eh may liwanag yang buhay mo.
"Patchot"
Napatingin ako kay Ivan. Pero yung mukha nya sobrang lapit saakin. Parang ilang inch nalang eh mahahalikan nya na ako. Ito naman puso ko nagwawala, kabog ng kabog.
"Ba-bakit Ivan?"
"Wa-wala. Ang ganda ng mga mata mo "
"Bolero ka talaga kahit kailan" sabay tulak ko palayo sakanya. Nakakailang kaya -_-
"Ang ganda no" sabi ko ulet. Sabay turo sa mga bahay na may mga ilaw at napaka liwanag.
"Oo nga. Ang ganda sobra" tumingin ako kay Ivan. Nakatitig sya sakin at naka ngiti.
"Ivan" sabay takip sa mukha ko.
"Ano ka ba naman Patchot. Wag mo ngang ikahiya yang sarili mo. Nagustuhan kita dahil ikaw ka. Dahil totoo ka. Dahil iba yang ganda mo. Ibang iba na wala sa iba. Yang mga ngiti mo na dinaig pa yung bituin kung kuminang. Yang mga mata mong mala dagat sa kagandahan. Patchot, I love you"
"Ivan."
Yung isa nyang daliri tinakip nya sa bibig ko.
"Shhhhh. At yang mga mapupula mong labi ang lambot at ang sarap halikan"
Lumapit sya sakin. I mean yung mukha nya. Palapit sya ng palapit habang yung mga mata nya nakatitig lang din sa mga mata ko.
Yung mundo ko parang tumigil. Wala nanamang ako ibang nakita kundi si Ivan. Yung bestfriend ko. Yung mahal na mahal ko.
Napapikit na sya. Napapikit na rin ako.
Nararamdaman ko na yung noo nya sa noo ko.
At yung matangos nyang ilong sa ilong ko.
Malapit na. Malapit ng mawala yung first kiss ko.
At gusto ko si Ivan nga ang makakuha nun.
Nararamdaman ko na yung hininga ni Ivan.
Ang bango. Ang bango talaga.
"Pare! " napadilat kaming dalawa ni Ivan.
Yung dalawang barkada ni Ivan.
"Sarap ng moment nyo haaaa! Musta na!"
Tinaya ako ni Ivan at bumulong "Saglit lang Patchot ha"
"Sige lang" hinawakan nya muna ng mahigpit yung mga kamay ko bago siya umalis.
Naglakad sya papunta dun sa barkada nya. Haha! Nakakatuwa naman tong si Ivan. Dissapointed eh!
/IvanPOV/
Iniwan ko muna saglit si Patchot at lumapit ako dun sa dalawang ugok na tumatawa.
Binatukanko silang dalawa.
"Mga sira kayo pre! Ano bang ginagawa nyo dito?"
"Dinadalaw ka!"
"Ang drama nyo ha!"
"Patchot! Sorry kung ngayon ko lang na realize yung feelings ko sayo ha"
"Ivan"
"Patchot, I love you"
BINABASA MO ANG
Awit Ng Kabataan (One-shots collection)
FanficThis is a one-shot collection. You can request me your favorite loveteam so I can made them one.