What are words? (JulQuen)

1K 15 1
                                    

A JulQuen by request.

"What are words if you really don't mean them when you say them "

**************************************************************************************************

JULIA POV.

"Ang ganda talaga ni Julia noo." rinig kong sabi ng mga kaklase ko sa likuran, nasa may gitnang part kase yung upuan ko sa klase. Kaya ayun nasa likod ko dalawang lalaki at isang babae.

"Oo nga pre, kaso maldita" Psh -,-" Kaltukan ko tong dalawang to eh, nagbubulngan ba talaga sila o pinaparinig nila yun saakin, buti sana kung totoo. Kase kapag totoo yun, hindi nila yun ipagsisigawan ano ba sila, mga news reporter na kung may nakita lang na anong balita ire-report na kaagad sa tv .. psh -,-"

"Pero diba pre, NBSB yan" 

"Oo pre. Mapili daw yan sa lalaki eh"  hindi naman ako mapili, sadyang hindi lang ako madaling maniwala sakanila, halos lahat naman kase ng lalaki pare-pareho lang. Kung hindi ang pera ang habol sayo .. yang katawan mo. Bull shit diba. Anong klaseng mundo to?

"Tsk. Tsk. Sayang! Ganda pa naman sana"

"Pero alam ko may naging Ex daw yan eh"

"Oh talaga, sino pre?"

"Alam ko Gil ang apelyido" Hahaha. Si Gil? Enrique Gil? Pakshet! Sa lahat ng maririnig ko siya pa talaga?! Hindi ko naman yun ex-boyfriend eh. HAHAHA. Best friend ko yun.

Siya yung putanginang lalaki na nag promise saakin na hindi naman nagkatotoo. Letche!

"I promise. Babalik ako, kahit anong mangyari .. babalikan kita. Julia .. trust me" PUTA! Syempre ako si tanga naniwala. Pero matagal na yun, matagal na din akong hindi umaasa sa pangakong yun. Wala na yun, 6 years na yung nakalipas. 

"OKAY Class! Magkakaroon tayo ng debate, ang topic "Are promises are meant to be broken?" Etong side A ang answer ay Yes and Side B will be No. Ms. Montes leader ka sa A then Ms. Bernardo ikaw naman sa B"

"Yes Mam" sagot ni Kathryn.

"Opo Mam" sagot ko naman. Sakto! A yung saamin at match naman sa nangyari sakin, kaya sorry bestie mukhang nase-sense ko na kung sino mananalo dito. Hahaha.

"Julia, mauna kayo" sabi ni Mam. Ngumiti ako kay Kath.

"Promises are meant to be broken because, first of all .. bakit ka magpro-promise by words .. bakit hindi mo nalang gawin?! Ibig sabihin there is a posibility talaga na hindi mo sya kaya. Kaya mo siya sinasabi kase you are not sure of what will happen in the future. You can't predict things .. Promises are just words .. not really true by actions" sagot ko. Leader kase yung mauuna sumagot eh.

"No. Promises are not made to be broken. People try their best to secure their feelings by sealing it with a promise, yes I know nobody's perfect .. people make mistakes .., but it doesn't mean na porket nagkamali na ay hindi  na pwedeng paniwalaan, promises are words that make us feel comfortable and hope for more. This kind of words are chances to prove us what we really need. Like my father said "Promises are the words who seal our hearts" like in marriage, the both groom and wife promise to love each other"  sagot ni Kath. May point sya, pero mas may point ako. Sorry talaga bessie. Naku ililibre nalang kita sa KFC kung sakaling matalo kita.

Tumayo naman yung isa sa mga ka grupo ko, si Albie. Dati yang manliligaw ni Kath .. haha! Pero di nya type.

"Teka lang Kath, like you've said .. yung mga taong nagpapakasal ay nangangako sa isa't isa na magmamahalan .. pero bakit may ilan na nauuwi sa paghihiwalayan?" BOOM! I love you Albie for saying those kind of words! HA-HA-HA. Tumayo naman si Miles, bestfriend din namin.

"Chill lang Albie. Hindi naman lahat nauuwi sa paghihiwalayan. Syempre katulad nga ng sinabi ni Kath kanina, "Nodody's Perfect" may ilan lang talaga sakanila na hindi marunong alagaan yung trust na binigay ng isang tao .. at diyan pumapasok yung word na "Sorry" gets?"  nag appear naman si Kath at Miles. PATAY tayo nyan!

Tumayo ulit yung isa kong groupmate si Jon Lucas, teka?! Asan yung mga babae kong ka grupo?

"Sorry? Psh. Nabro-broke din yung sorry noo! Kaya nga ako binusted dati ni Kath eh, kase sorry daw at hindi kami bagay! Letche!" HAHAHA. Natawa naman ako sa sagot neto ni Lucas, ang abnoy .. dinamay pa yung pangba-busted ni Kath sakanya .. eh yung last 5 months pa ata siya binusted. 

Tapos tumayo si Daniel, PATAY ka Lucas! Hahaha. Si Padilla yung dahilan kung bakit nangba-busted si Kath kase mahal niya si Daniel na childhood bestfriend nya pala. Tapos torpe pala neto ni Padilla, nung last 7 months lang ata nag confess kung hindi lang muntikan sagutin ni Kath si Julian Estrada, natakot ata siya .. haha!

"Bro, anu connect non sa topic natin? Pangako? Hindi naman talaga yan nababali eh, pano yan mababali eh hindi naman yan connection! Connection nga ba? Ayy! Oo. Connection ng dalawang tao na nangako sa isa't isa. Teka! Ang gulo na ng sagot ko, bwiset kase tong si Lucas eh, inaaway pa si Baba. So ayun nga hindi yan basta basta nababali, basta may tiwala ka. Minsan kase kinukulang sa tiwala kaya nababali, kaya kayo! Matuto kayong magtiwala dun sa taong nangako sainyo .. malay nyo .., na delay lang pala yung promise nya. K. Bye" agad namang pinalo ni Kath si Daniel, siguro naguluhan dun sa sagot niya, nakita nya kase na napa iling si Mam sa sagot ni Daniel, tumawa naman si Daniel at niyakap yung bewang ni Kath, Eto talagang dalawang to .. pwede ng ipasok sa PBB House eh, ang landii! 

Pero may nag stuck sa utak ko eh .. "Matuto kayong magtiwala dun sa taong nangako sainyo .. malay nyo na delay lang pala yung promise nya" 

Ano sa tingin nyo? Babalik pa kaya siya? Nakakapagod din naman kase maghintay eh. Alam nyo ba yun? Minsan sa kakahintay nyo dun sa tao nakakalimutan nyo na ding mag focus pa sa isa, kase parang dun na umiikot yung mundo nyo. Arrrggghhh. 

*Bell Rings!* 

"Very good students! Lahat kayo magaling ipagtanggol yung topic natin .. itutuloy natin bukas ah, Ms. Montes bumawi kayo! So ngayon leading na ang group nila Ms. Bernardo!! Very good" TAE! Si Bessie pala ang manlilibre sa KFC eh, hahaha.

Nagsilabasan na yung iba naming kaklase, lunch nadin kase. Haaayyy! Bakit kase ganun pa yung topic namin eh. 

"Julia .., sino namang may sabi sayo na babaliwaliin ko yung promise ko? Hahaha. Hindi ah, hindi ko yata kaya yun. Basta ikaw.. lahat gagawin ko" 

"Promise Julia, lalaban ako. Lalaban tayo. Promise yan .., babalikan kita" 

Kung tatanungin nyo kung nasaan ako, nasa classroom ako, may baon naman kase ako eh, bakit pa ako lalabas at magpapakahirap na pumila sa canteen .. sayang ang beauty ko !

"Hahaha. Sumakay ka na kase"

"Ayoko nga! Hahaha. Umuulan naaa! Takbo na tayo bilis!"

"Tatakbo? Julia .. niloloko mo ba ako?"

"Hahaha. Ayy! Oo nga pala, sumilong nalang kase tayo! Bilis naa!"

"Saan tayo sisilong aber?"

"Eh kase naman eh .. ayy! Dun! Dun! Enrique bilis .. doon may puno!"

"Asan? Wala naman eh"

"Meron! Ang bulag bulag neto!" 

"Ahh! Tara bilis!" Pakshet! Oo makakain ako neto habang tumutulo luha ko, oo! Carrybells to. Naalala ko nanaman yung binuhat nya ako na walang siyang suot na T-shirt, dun ako first time na nag drool sakanya .. kase naman eh, kay gandang katawan .. huhuhu. 

(SEE MULTIMEDIA) 

Kailan kaya siya babalik?

********************************************************************************************************

Bitin? I know. 

Time Check : 12:22. May pasok pa po ako bukas, kaya bibitinin ko muna kayo :) 

Follow me at Twitter, please :( : @imPattyPatchot

Instagram: pattypatchot

Awit Ng Kabataan (One-shots collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon