Unedited
"Happy new year!" sigaw ng mga magulang at kapatid ni January.
At exactly one in the morning sa ilalim nang napaka lamig na temperatura ng Hong kong sinalubong ng buong pamilya Montereal ang bagong taon. To be exact, it's 10 degrees sa Tsueng Kwan O kung saan nakatira ang pamilya nila. Bahagi pa rin ito ng Hong Kong pero malayo na sa mismong centro.
"January! Happy birthday anak!" magkasabay na bati ng mga magulang nito sa kanya.
Nakatayo siya balkonahe ng bahay nila nang lumapit ang mga magulang nito na may dala-dalang cake kasabay ng kapatid nitong si Alwin.
"Happy birthday ate!" sabi naman ng kapatid nito na nginitian lang nya.
"Thank you ma, pa, Alwin," saka siya pumikit at nagdasal bago hinipan ang mga kandila.
Niyakap siya ng ina bago ibinigay ang regalo nito sa kanya.
"I wish you all the best and happiness in life anak," saad ng ina sabay halik sa pisngi niya.
"Ang papa naman!" agaw naman ng kanyang ama.
Nakangiting niyakap ni January ang ama. Palibhasa papa's girl si January kaya mas malapit ito sa ama. Mas nakakapagsabi ito ng mga saloobin sa ama.
"Kalimutan mo na ang dapat kalimutan anak. Magpakasaya ka. Tama na ang parusa sa sarili. Tumatanda ka na. Gusto na namin ng apo," saad naman ng ama nito.
"Papa talaga! Bata pa po ako. May dalawang taon pa ako bago lumagpas ng kalendaryo," taas ang ngusong sagot nito sa ama.
"Ate? Seryoso ka? Kung hindi lang dahil sa mga cosmetics na ginagamit mo, baka kulubot na 'yang mukha mo," saad naman ng kapatid nito saka humagalpak nang tawa.
Natawa na rin si January sa sinabi ng bunso nila. Palagi siyang inaasar ni Alwin na matanda na sa edad niyang dalawamput walo. Kailangan na raw niyang mag-asawa dahil gusto na rin ng kapatid nito magkaroon ng mga pamangkin.
Close silang magkapatid. Kahit na laging asar-talo si January sa kapatid, binabalewala niya iyon. Mas gusto niyang makita ang kapatid na masaya kaysa sa nakaratay lang sa higaan nito at lumalaban kay kamatayan.
Grade 6 si Alwin noon nang magkasakit ito dahilan ng muntikan na niyang ikamatay.
Dengue fever ang dumapong sakit kay Alwin. Nangangailangan ito ng dugo sa lalong madaling panahon ngunit walang dugo ang ospital ng mga panahong iyon. Hindi rin pinayagan ang ama nila dahil may altapresyon ito. Ang ina naman ay hindi ka-match ni Alwin at ganoon din si January. Tanging ama lang nito ang puwede.
Hating gabi noon at wala pa ring donor na nahanap ang mga magulang nila. Si January ang nagbabantay kay Alwin sa ospital. Lumabas siya at pumunta sa chapel ng ospital. May kadiliman sa loob ng chapel. Piniling umupo ni January sa harapan ng chapel at taimtim na nagdasal. Pagkatapos niyang magdasal, bumalik na rin agad ito sa kwarto ni Alwin.
Hindi niya kayang tingnan ang kapatid na nag-aagaw buhay. Pakiramdam niya wala siyang kwentang kapatid. Hindi man lang niya matulungan na ma dugtungan ang buhay ni Alwin. Palihim itong umiyak sa sofa habang pinagmamasdan ang kapatid.
Kinabukasan, isang himala ang nangyari. Nagkaroon ng donor si Alwin. Gusto sana niyang magpasalamat ng personal sa taong nag magandang loob na nagbigay ng dugo ngunit hiniling daw nito na mananatiling confidential ang kanyang katauhan.
Nang araw ring iyon, nasalinan ng dugo si Alwin at makaraan ng dalawang araw, nanumbalik ng paunti-unti ang lakas ng kanyang kapatid.
BINABASA MO ANG
Month Series: January Montereal (✔)
ChickLitCover by: Jeth Cano Teaser: Meet January---sa kabila ng pagiging successful bilang isang event coordinator, nanatili pa ring may kulang sa kanya. Hindi iyon sapat upang tuluyan na niyang makalimutan ang nakaraan. "Wala akong panahon para sa 'yo at...