Chapter 13

1.7K 63 9
                                    

Unedited



“Mommy? What are you doing here?” tanong ni Denmark sa ina, pagpasok nito sa bahay niya. Nakaupo ang mommy nito sa sofa at nanonood ng t.v.



“May date ba ang anak ko?” nakangiting tanong ng ina sabay lahad ng kamay nito sa anak.


Lumapit naman si Denmark at pabagsak itong umupo saka yumakap sa ina.



“I found her, mommy,”



“Really? Saan? Ano’ng pangalan niya? Maganda ba? Mabait?” sunod-sunod na tanong ng ina.



Kumalas sa pagyakap si Denmark sa ina saka ito hinarap nang nakangiti.




“Isa-isa lang mommy. Mahina ang kalaban,”




“Excited lang ako, anak. Ang tagal mo rin siyang hinanap. Pero bago ang lahat, may sasabihin muna ako sa ‘yo. At sana, pagbigyan mo muna ang daddy mo. Okay?”




Kinabukasan, 11:23 ng umaga, lumapag ang sinasakyang eroplano ni Denmark sa Manila. Ayaw niya rin namang biguin ang kahilingan ng mga magulang. Makikipagkita lang naman siya sa anak ng isang investors nila. At nasa kanya pa rin naman ang huling  desisyon.





“Sir, naghihintay na po sa labas ang magsusundo sa atin. Nasa Cafe Soelha na raw si Miss Montemayor,” ani Ericson kay Denmark.




“Okay. Sana makabalik agad tayo sa Hong Kong. Namimiss ko na agad ang January ko,” saad naman nito.




“Agad-agad? Kagabi lang kayo huling nagkita tapos miss na miss na agad? Hindi ka rin masyadong OA Denmark, ha,” saad ni Ericson sabay hampas sa balikat ng binata.




“Aray! Ang sakit no’n bakla!” saad naman ni Denmark na ginaya pa ang galaw at boses ng sekretarya saka sila sabay na nagtawan.



Muntik pang mahagip ni Denmark ang babaeng nakatayo sa kanan niya nang magharutan sila ng kaibigan. Buti na lang at nahila agad siya ni Ericson.



“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Muntikan mo nang mabanggo ‘yong babae,”




“Kasalanan ko ba ‘yon? Ba’t naman kasi siya nakatayo doon? Alam naman niyang maraming pasahero ang dumadaan. Sa gitna pa talaga niya napiling huminto,” saad naman ni Denmark sabay lingon sa babae, ngunit wala na ito doon.




“Malay mo, masama ang pakiramdam kaya huminto muna. Ikaw talaga. Bilis na. Naghihintay na ang girlfriend mo,” saad ni Ericson saka mabilis na humakbang papalayo sa binata.




“Huy! Hintayin mo ako! Humanda ka sa akin kapag inabutan talaga kita! Si January lang ang girlfriend ko!” saad naman nito sabay takbo at hinabol ang kaibigan.




Naghaharutan pa rin ang dalawa habang naglalakad palabas ng airport. Natigil lang ang mga ito nang may marinig silang tumawag na January. Nakita ni Denmark ang tumatakbong dalaga habang sumisigaw nang Mamo.




“January? What is she doing here? Hindi niya ako puwedeng makita Ericson,” saad nito sabay hila sa kaibigan saka mabilis na tinungo ang kotse na naghihintay sa kanila.



“Bakit hindi puwede? Eh, ano naman kung makita ka niya? Sabihin mo na nandito ka kasama ang boss mo,” saad nito saka lumayo nang bahagya kay Denmark.



“Lumapit ka dito! Takpan mo ako!”



“Bahala ka sa buhay mo!” saad ni Ericson at tuluyan na siyang iniwan.




Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon