Chapter 7

2.3K 60 7
                                    

Unedited




Tuwing umaga, nakasanayan na ni January ang lumabas sa balkonahe ng kanilang flat at doon na umiinom ng kanyang kape. Nakakapagrelax siya dito dahil sa natatanaw niyang magagandang tanawin. Nakikita niya ang kalawakan ng karagantan at bundok.




Habang umiinom ng kanyang kape, napangiti ito nang maalala ang paghatid ni Denmark sa kanya noong linggo ng madaling araw. "What a coincidence," bulong nito sa sarili bago uminom ng kape.




Dakong alas-dos ng madaling araw, nagpasya ng umuwi si January. Hinintay niya lang na makabalik si Denmark mula sa restroom. Nakaupo pa rin siya kasama ng mga kaibigan ng binata na nagkukuwentuhan, nagtatawanan at nag-iinuman. Mayamaya pa, nakita na niyang pabalik na si Denmark.




"Uuwi na ako," saad niya nang makaupo na ang binata sa tabi niya.



"Gano'n ba?" sagot naman nito saka tiningnan ang kanyang relo. "Madaling araw na rin pala. Ang bilis nang takbo ng oras kapag masaya ka," nakangiti nitong sabi saka tiningnan si January.


Ngumiti lang ang dalaga at kinuha na ang bag nito na nasa likuran niya saka nagpaalam sa mga kaibigan ng binata. Nagpaalam na rin si Denmark na ihahatid niya ang dalaga.



"Sino ang mga kasama mong nakatira sa bahay?" tanong ni Denmark habang nagmamaneho.



"My whole family. Musician si papa noong kabataan niya at isa namang ofw si mama. Dito na sila nagkakilala ni papa. Kaya kami naging Hong Kong resident," sagot naman ng dalaga sabay sulyap sa binata.



"Ah. Kumusta na pala si Alwin? Ilang taon na siya ngayon?"



"Ano 'to? Q and A portion?" natatawang saad ni January.



"Sorry. Okay lang kong ayaw mong sagutin," saad naman nito sabay kamot sa kanyang batok.



"Okay lang siya. Saka may girlfriend na rin. Ikaw? Sabi ni Tuesday, secretary ka raw sa isang malaking kumpanya?"



"AH! Iyon ba? " Lagot na. Ayaw kong magsinungaling sa kanya. Paano ko kaya 'to sasabihin? Bahala na. Hahanap na lang ako ng tamang panahon para masabi sa kanyang hindi ako secretary." O---oo. Sa isang hotel. Director ang boss ko," nauutala na sabi nito.



"Wow! Pagbutihin mo. Bihira na lang ang nakakahanap ng magandang opportunity sa ibang bansa," sagot naman ni January.


Pagkatapos ng usapang iyon, tahimik na ang naging biyahe nila. Almost thirty minutes lang ang biyahe nila. At around 2:40am, narating na ng dalawa ang condominium o mas tinatawag na flat dito sa Hong Kong.


"Ano'ng tower ka?" tanong ni Denmark pagkatapos nitong makapasok sa compound ng Metro Town.



"Tower 8 ako, 19th floor, flat c. Ikaw?"



"Magkaharap lang pala tayo. 9 naman ako, 19th floor at flat B. Mula sa kwarto ko, natatanaw ko ang dagat at bundok," sagot naman ni Denmark.



"Talaga? Pareho pala tayo. Natatanaw ko rin ang dagat at bundok sa terrace namin," masiglang sagot ni January.



Ibinaba ni Denmark ang dalaga sa tapat ng kanyang building. Pababa na sana si January nang pigilan ito ng binata.



"Wait," pigil niya sa dalaga na nakahawak ang mga kamay nang mahigpit sa manibela. "Puwede ko bang makuha ang number mo?" saad nito sabay pungay ng kanyang mga mata na animoy batang humihingi ng pahintulot na bibili ng bagong laruan.


Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon