Unedited
Ilang minuto rin ang itinagal nang pagyayakapang Denmark at January habang ang kaibigan naman nitong si Tuesday ay nagpipgil na matawa. In ten years ngayon niya lang ulit nakita ang kaibigan na lumapit sa isang lalaki at hindi lang basta lumapit, kundi napayakap pa.
“Vodka please,” ani ni Tuesday sa bartender na lumapit sa kanya. Bakit ngayon ko lang nakita ang isang ito. Pogi.
Hinayaan na lang niya ang dalawa sa kanilang moment to remember. Alam niya kasing matagal na rin gustong makilala ni January ang taong nagmagandang loob na nagdonate ng dugo sa kanyang kapatid.
“Here's your order, ma’am,” nakangiting saad ng bartender.
“Thank you,” saka niya iyon kinuha at uminom nang kaunti. “Ah! Wait?” pigil niya sa papaalis na sanang lalaki. “Bago ka ba dito? Ngayon lang yata kita nakita,” tanong niya sa bartender.
“Matagal na. Busy ka lang kaya hindi mo ako napapansin,” nakangiting saad ng lalaki sa kanya bago ito tuluyang umalis.
Makalaglag bra at panty naman ang mga ngiting ‘yun. Napangiti si Tuesday saka tuluyan nang inubos ang laman ng kanyang baso bago sinulyapan ang mga kasamang komportable nang nag-uusap at nagtatawanan.
“Pasensya ka na pala sa akin Denmark, kung tinarayan man kita kagabi,” saad ni January sa lalaki.
“Iyon ba? Wala ‘yun. Mali rin naman kasi ang approach ko sa ‘yo. Kaya tama lang na tinarayan mo ako. Huwag kang basta-basta magtitiwala sa hindi mo kakilala. Minsan pa nga kahit na kakilala mo pa mahirap pa rin ang magtiwala. Cheers?” saad ni Denmark sa kanya sabay angat ng baso nito.
“Sinabi mo pa. So, hindi rin pala kita dapat pagkatiwalaan? Cheers!” sagot naman ni January saka sinalubong ang baso ng binata na nakataas na sa ere bago uminom.
“Hindi naman ako gan’on,” sagot naman ni Denmark saka inubos din ang laman ng kanyang baso.
Ngumiti naman si January sa sinabi ng lalaki. Hindi nakaligtas sa paningin ni Denmark ang magandang ngiting sumilay sa mga labi ng dalaga. Maganda si January. Mahaba ang kanyang buhok na may natural brown color. Maninipis na mga labi, mga matang bilugan na bumagay naman sa kanyang maliit na mukha. Ang kanyang maliit at katamtaman na tangos ng ilong na bumuo sa ganda ng kanyang kabuuhang mukha.
“Hhmm...puwede ko bang malaman kung paano mo nalaman ay hindi mali. Kung bakit mo ibinahagi sa kapatid ko ang dugo mo?” saad ni January bago tiningnan si Denmark.
“Hhmm...sabihin na lang natin na ayaw kong tumingin na lang sa paligid ko at walang gagawin,” nakangiting saad ni Denmark.
Si Denmark ang taong hindi madasalin. Ngunit, mas panatag ang kanyang loob sa loob ng Simbahan o Chapel sa tuwing may dinadamdam ito.
Sampung taon na ang nakalipas nang mawala ang girlfriend ni Denmark. Sa chapel na iyon binawian ng buhay ang babaeng pinakamamahal nito. Ika-dalawang taong anibersaryo ng dati niyang nobya at pinili niyang madaling araw na pumunta ng chapel sa second floor ng St. Luke hospital dahil wala na itong masyadong tao. Paalis na sana siya nang pumasok naman si January.
Hindi niya nakita ang mukha ng dalaga dahil natatakpan ito ng kanyang mahabang buhok. Ang tanging nakita niya lang ay ang salamin na suot ng babae. Hindi rin napansin ni January na may tao pala sa loob ng chapel dahil nasa sulok sa bandang likuran nakaupo si Denmark at bagya itong natatakpan ng mga pinagpatung-patong na mga upuan.
BINABASA MO ANG
Month Series: January Montereal (✔)
ChickLitCover by: Jeth Cano Teaser: Meet January---sa kabila ng pagiging successful bilang isang event coordinator, nanatili pa ring may kulang sa kanya. Hindi iyon sapat upang tuluyan na niyang makalimutan ang nakaraan. "Wala akong panahon para sa 'yo at...