Chapter 21

1.7K 66 9
                                    

Unedited


Pagkatapos nilang bisitahin ang puntod ng dating nobya ni Denamark, inihatid na nito si January sa bahay ng dalaga dahil maaga pa ang flight nito kinabukasan pabalik ng Hong Kong. Nasa harapan na sila ng bahay nina January. Nanatili pa rin ang mga ito sa loob ng sasakayan. Kapwa ayaw pang maghiwalay ng dalawa.

"Dadalawin na lang kita sa opisina mo kapag nakabalik na rin kami ng Hong Kong, January,"

"Pangako 'yan ha? Ani January. Tumango si Denmark saka niyakap ang dalaga.

~~~

Ala sais y medya ng umaga lumipad pabalik ng Hong Kong ang eroplanong sinasakyan ni January. Pagsapit ng alas-nuebe ng umaga, nasa Hong Kong na ang dalaga. Dumiretso na agad ito sa Marco Polo Hotel kung saan naghihinatay na rin si Tuesday. Laking pasasalamat niya dahil nagawa ng maayos ng kaibigan ang ipinagagawa niya rito. Kasabay ng pagbalik ni January, kasama rin niyang bumalik si Misis Chen. Mabuti na lang at na ibenta kaagad ang condo unit ng ginang kahapon kaya nakabalik agad ito kasama niya.

"Tuesday, kumusta na? ayos na ba ang lahat para mamaya?"

"Oo. Okay na. Huwag kang mag-alala. Ang galing kaya ng assistant ko," sagot ng kaibigan sabay sulyap kay John na busy sa paglalagay ng mga bulaklak sa bawat mesa.

Pink ang kulay na motif ng venue. Alinsunod na rin sa kagustuhan ng anak ni Misis Chen. Ang mga upuan ay may ribbon ding pink na nakatali sa sandalan. May malaking pabilog na mesa sa gitna kung saan uupo ang celebrant kasama ng kanyang pamilya dahil hindi ito puwedeng mag-solo dahil na rin sa kalagayn nito. May sampu pang mga mesa na para naman sa mga bisita. Bawat mesa ay may mga bulaklak sa gitna na personal mismong inayos nina John at Tuesday.

Handa na ang lahat para sa pagdiriwang ng kaarawan ng anak ni Misis Chen. Ang kaibihan lang, isa itong pagdiriwang na magsisilbing pamamaalam. Pagsapit ng ala sais ng gabi, nagsimula nang magsidatingan ang mga kamag-anak at kilalang mga personalidad na kasamahan ng anak ni Misis Chen. Huling dumating ang mag-inang Chen.

"Magsisimula na ang program, may balita na ba tungkol sa special guest?" tanong ni January, gamit ang walkie talkie kay Tuesday.

"Dumating na raw sabi ni John. Naghihinaty na lang nagsignal natin," sagot naman ni Tuesday.

Nagsimula na ang program. Unang nagsalita si Misis Chen, habang nakatayo sa tabi ng anak na nakaupo sa wheelchair. Habang nagsasalita ang ginang, hindi nito napigilan ang umiyak. Isa sana iyong masayang pagtitipon kung hindi lang dinapuan ng nakamamatay na sakit ang kanyang anak. Nagpasalamat ito sa lahat ng mga dumalo, lalong- lalo na sa mga kasamahan ng kanyang anak sa mundo ng telebisyon. Hindi na nakadalo ang ama ng dalaga dahil sa pinaghahanap pa rin ito ng mga nautangan niya.

Simpleng gown lang ang suot ng anak ni Misis Chen. Kulay pink din ito na may mahabang manggas na see through. Hindi man ito makatayo, bakas pa rin sa mukha nito ang kasiyahan. Kahit hirap na sa pagsasalita, pinilit pa rin nitong magsalita at nagpasalamat sa lahat. Binanggit rin nito si January.

Ngumiti naman ang dalaga kay Misis Chen na lumingon pa sa kinaroroonan niya. Nakatayo ito malapit sa main door ng venue. Suot ang kanyang kulay puti na gown na may haba hanggang tuhod. Sleeveless ito at hapit sa katawan ang tabas at pinaresan ng itim at 3 inches high heels. Simpleng make-up at nakabagsak lang sa kanyang mahabang buhok.

"Ang ganda mo Jan," ani Tuesday sa kanya. Nilingon niya ang kaibigan na nakatayo sa kanang bahagi ng ballroom hall malapit sa fire exit kasama ni John.

"Huwag mo akong inggitin. Lumayo ka muna nang kaunti kay John," saka niya inirapan ang dalawa na palihim na naghawak kamay sa likod.

Masaya siya para sa kaibigan. Sa dami ng pinagdaanan ni Tuesday, lalo na ngayon dahil may sakit ang ama nito. Kailangn niya si John sa kanyang tabi. Hindi pa niya nasasabi kay Tuesday na nagkita sila ni Denmark sa Pilipinas. Saka na lang pagkatapos ng gabing iyon.

Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon