Chapter 23

2K 75 10
                                    

Unedited



Mag-uumaga na ng makaramdam si January nang pagbigat sa kanyang puson. Dahan-dahan itong nagmulat. Sinulyapan niya ang binata na nakaharap pa rin sa kanya at mahimbing pa rin na natutulog. Tumagilid ito paharap kay Denmark. Natutukso siyang haplusin ang pisngi ng lalaki ngunit pinigilan niya ang sarili.



Nanatili siyang nakamasid lang sa binata. Mayamaya pa, bumangon siya at nagtungo ng banyo. Ilang sandali pa'y nakabalik na ulit siya sa higaan. Ganoon pa rin ang posisyon ng binata. Nakatagilid paharap sa kanya. Inayos ni January, ang kumot ni Denmark. At sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan ang sarili na haplusin ang mukha ng lalaki.



Bumalik siya sa paghiga. Kinuha niya ang unan sa pagitan nilang dalawa at humiga malapit sa dibdib ng binata. Ang sarap ng pakiramdam niya. Mainit sa bahaging iyon. Tamang-tama sa napaka lamig na panahon. Mas bumaba pa kasi ang temperatura ng araw na iyon sa Hong Kong. Umabot ng 3 degrees sa Tsueng Kwan O na bahagi na ng New Territories. Bahagi pa rin ng Hong Kong, ngunit hindi na mismo sa City.




"Nilalamig ka ba?"


Bahagyang ginalaw ni January, ang kanyang ulo bilang sagot sa tanong ni Denmark, saka pumikit at komportable na sumiksik sa katawan ng lalaki. Hindi na siya nagulat kung nagising man ang binata. Niyakap naman siya ni Denmark saka hinalikan ang ulo nito.



"Good morning. Sana ganito na lang araw-araw," saad nito.



Bumalik sila sa pagtulog nang magkayakap. Dakong alas siyete ng umaga, nagising si Denmark sa tunog ng kanyang alarm. Dahan-dahan niyang inabot sa katabing mesa ang cell phone saka pinatay saka ibinalik sa mesa.


Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang natutulog pa ring dalaga. "Mahal na mahal kita January," bulong nito sabay yakap sa dalaga.



❧❧❧



"Jan?" tawag niya sa dalaga nang ihatid na niya ito sa building nila na kaharap din ng building kung saan siya nakatira.



Humito sa kanyang paglalakad si January. Papasok na sana ito sa building nila at muling niyang hinarap ang binata. "Bakit? May nakalimutan ka?"



"Mahal kita," nakangiti nitong sabi. Bahagyang pag-ngiti ang isinukli ng dalaga sa sinabi ni Denmark. Nang mga oras na iyon, alam niyang may pagtingin na rin siya sa binata ngunit hindi pa niya kayang sagutin ito. May bahagi pa rin ng kanyang isipan na ayaw kumawala sa nakaraan. Nakaraan na gusto na niyan kalimutan at magsimula ulit. Magsimula na kasama si Denmark.



Pinaalis muna niya ang binata bago siya tuluyang umakyat sa bahay nila. Inabutan niyang nagluluto ng agahan ang kanyang ina sa kusina. Lumapit siya dito saka yumakap. "Ma? Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?" nilingon siya ng ina saka hinalikan sa pisngi.



"Bakit hindi mo dinala si Denmark nang makapag-almusal man lang sana,"



Alam ng kanyang ina na magkasama sila ni Denmark, buong magdamag. Dahil tinawagan ito ng lalaki at ni Tuesday.



"Nagmamadali po siyang pumasok ng opisina. May kailangan daw siyang ayusin at magiging busy siya nitong susunod na mga araw," sagot naman niya bago kumalas sa pagkakayakap sa ina.



"Ganoon ba? Halika na, habang mainit pa itong sabaw."



Pagkatapos niyang humigop ng mainit na sabaw nang pinakuluang boto-boto, pumasok na ito sa kanyang kuwarto. Humiga sa kanyang kama at inisip ang sinabi ng ina tungkol sa kanyang panaginip.

Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon