Chapter 16

1.8K 81 7
                                    

Unedited


“Okay lang sa mamo, mo na lumabas ka kahit malalim na ang gabi?” tanong ni Denmark habang nagmamaneho sabay sulyap sa dalaga.

Hindi ito makapaniwala na katabi na niya ito ngayon at nakangiti na ito sa kanya. Ngiting walang halong pagpapanggap. Ngiting walang halong pag-aanlinlangan at mga ngiting gugustuhin niyang makita araw-araw. Sisiguraduhin kong hindi na mawawala sa mga labi mo ang ngiting ‘yan January.


“Hindi naman. Nagpaalam naman ako sa kanya at masaya siya.” Nakangiti niyang sabi at sinulyapan ang binata.


I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life


Pagdating nila ng The Fort, bumili muna sila ng maiinom sa Jumba. “Ano’ng gusto mong flavor, Jan?” tanong ni Denmark sa kanya habang nakatingala sa menu board.



“Ano ba ang gusto mo? Iyon na lang din ‘yung sa akin,” sagot naman ni January.



“Okay,” sabay sulyap ng binata sa kanya saka siya nginitian. “Miss, ‘yang wild strawberries sa amin, dalawa, large size,” sabay turo niya sa menu board. Nakangiting nag-punch naman ang cashier ng order nila. Nahihiyang kinuha ni January ang kamay na hawak-hawak ni Denmark.



“Bakit?” angal naman nito sabay hila ulit ng kamay ni January.



“Nakakahiya,” bulong ni January sa balikat niya.



Ngumiti lang si Denmark saka kinabig palapit sa kanya ang dalaga sabay kuha ng order nila. “Thank you, miss,” ani nito saka tuluyan na silang umalis.



Magkahawak kamay silang naglalakad sa ilalim ng mga ilaw sa posteng nadadaanan nila. Tila ba umaga lang iyon at hindi hating gabi. Wala silang pakialam. Ang mahalaga para sa kanila ng mga oras na iyon ay masaya sila. Magkasama, magkahawak kamay habang umiinom ng juice.


Inalalayan ni Denmark si January na makaupo sa sementong upuan sa harap ng fountain sa The Fort kung saan sila dinala ng kanilang mga paa.


“Akala ko….hindi na mangyayari ‘to,” ani Denmark saka ibinaba ang hawak nitong juice sa gitna nila ni January.


Hindi naman umimik si January na nakatuon lang ang atensyon sa mga ilaw na nagmumula sa mga nagtataasang building na natatanaw nila.


“Thank you, for calling me, Jan,” ani Denmark sabay sulyap sa dalaga.



“Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit kita tinawagan. Nalaman ko na lang noong may sumagot na sa number na nakuha ko mula kay teddy bear. Nang marinig ko ang boses mo, pakiramdam ko, matagal na kitang kilala. Matagal ko nang narinig ang boses mo sa kung saan ngunit hindi ko lang matandaan. Habang kinakausap kita, pilit kung inaalala kung saan ko narinig ang boses mo, hanggang sa natandaan ko na kung saan,” ani January.



Nasa Pilipinas si January, noon. Anniversary kasi nang pagkamatay ni Timmy. Kagagaling niya lang ng simenteryo ng hapong iyon. Dumaan siya ng Mcdonald sa Market-Market. Nakaupo siya sa labas noon at maraming mga tao sa paligid. Kadalasan puro estudyante ang nakikita niya.



Habang kumakain ng French fries, may grupo ng mga kalalakihan sa bandang likuran niya. Maingay ang mga ito dulot ng guitara at may kumakanta pa. Hindi na lang niya pinansin ang mga iyon. Hindi rin naman masakit sa tenga ang pagkanta nila.


“Ano ng nangyari doon sa pinapadalhan mo ng teddy bear? May response na ba?” boses ng isang babae ang kanyang narinig.



“Wala pa nga eh. Pero babalik naman sa sender ‘yung pinadala kapag hindi ito natanggap ng nakasaad na receiver hindi ba?” sagot naman ng lalaki na may boses na pang DJ. Buo at malamig pakinggan.


Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon