Unedited
“Tuesday? Si January ito! Buksan mo ‘tong pintuan!”
Tatlong araw ng hindi pumapasok ng trabaho si Tuesday, kaya nagpasya si January na puntahan ang kaibigan sa bahay nito sa Mong Kok. Doon din naman kasi siya galing dahil pinuntahan nito ang isa nilang kleyente.
“Bakit ka nandito?” tanong ni Tuesday pagbukas nito ng pintuan.
“Bakit ganyang ang ayos mo? May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong ni January nang makita nitong nakabalot ng kumot ang buong katawan ng kaibigan at tanging mukha lang nito ang nakikita.
“Okay lang ako. Bakit ka pa pumunta,” saad nito sabay talikod. Sumunod naman si January.
“Syempre! Nag-aalala ako sa ‘yo. Tatlong araw ka ng hindi pumapasok. Hindi mo rin sinasagot mga tawag at text ko sa ‘yo. Sino ba namang hindi mag-aalala niyan,” sagot naman ni January.
“Nagugutom ako Jan,” saad ni Tuesday na nakahiga sa sofa.
“Sandali lang. Iinitin ko lang ‘tong soup na ginawa ni mama. May kanin at ulam na rin dito. Humiga ka na muna d’yan sandali lang ‘to,” saad nito saka pumasok na ng kusina.
“‘Thank you,” nanghihina nitong saad.
Pagkalipas ng sampung minuto, okay na lahat ng pagkain na dala ni January. Kinuha nito ang miliit na mesa sa kwarto ng dalaga at dinala sa sala saka niya inilagay ang mga pagkain na dala niya.
“Bangon na Tuesday, habang mainit-init pa ‘tong sabaw. Para pagpawisan ka,” saad nito sa kaibigan saka tinulungan na makaupo.
“Thank you. Siya nga pala, kumusta na kayo ni Denmark?” Tanong nito sa kaibigan bago sumubo ng kanin.
“Ano’ng kami? Wala namang kami,” saad ni January saka sumubo na rin ng kanin at ulam. Adobong karne ng manok na nilagyan pa ng itlog ang ulan nila. Paborito kasi iyon ni Tuesday.
“Kunwari ka pa. If I know, nagselos ka doon sa girlfriend niya na kapatid pala,”
“Hindi ah! Saka, wala akong balak makipagrelasyon. Nagpapasalamat lang ako, dahil sa wakas natagpuan ko na rin ang taong dahilan kung bakit kapiling pa namin si Alwin ngayon. Ikaw talaga. Kung anu-ano naman ‘yang iniisip mo. Kumain ka na nga lang,” saad nito sa kaibigan sabay subo ng buong itlog kay Tuesday.
Martes ng tanghali, gusto sanang lumabas ni Denmark para puntahan si January at yayain ulit itong mag-lunch ngunit nagkaroon naman sila nang emergency meeting. Alas singko na ng hapon natapos ang meeting na iyon. Kaugnay iyon sa isang VIP guest nila na nagwala at may sinaktan na dalawang empleyado. Nakarating ang pangyayaring iyon sa daddy niya kaya nagpatawag agad ito meeting.
“Sir, ayaw n’yo bang kumain? Wala pa kayong lunch at mayamaya lang dinner na rin,” tanong ni Ericson sa kanya.
“May appointment pa ba akong iba Ericson?” saad nitong nakatingin lang sa labas ng binata ng kanyang opisina.
Tumayo si Ericson mula sa pagkakaupo nito sa sofa na naroon sa opisina ni Denmark bago ito sumagot. “‘Actually, we need to go now. Naghihintay na ang mommy at daddy mo sa lobby,” sagot nito.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Denmark saka ito humarap kay Ericson sabay kuha ng kanyang coat na nakasabit sa likod ng swivel chair nito.
BINABASA MO ANG
Month Series: January Montereal (✔)
Romanzi rosa / ChickLitCover by: Jeth Cano Teaser: Meet January---sa kabila ng pagiging successful bilang isang event coordinator, nanatili pa ring may kulang sa kanya. Hindi iyon sapat upang tuluyan na niyang makalimutan ang nakaraan. "Wala akong panahon para sa 'yo at...